Martes, Hunyo 26, 2012

Olivia and the Billionaire Cattle King Teaser

dahil wala akong magawa, ipo-post ko na lang ang teaser ng latest approve na translation. :)) sana walang makalabas dito sa blog na 'to. XD HAHAHAHA. dito ko na lang siya ipo-post since hindi din naman yata sa'kin mapupunta ang credit nito. :)

-nDR-

CAPTION:
"Buong buhay ko, hinintay ko ang pakiramdam na magmahal at mahalin. And then you came… and I fell in love. Binigyan mo ng liwanag ang buhay ko. Pakiramdam ko hindi ko na makakayang mabuhay na wala ka."

TEASER: 
     Isang malaking eskandalo ang nangyari sa pamilya Belleza dahil sa hindi sinasadyang pagtatalo nina Olivia at ng kakambal niya. Ang pangyayaring ‘yon ang dahilan kung bakit kailangan niyang magpunta sa lugar na kahit sa panaginip ay hindi niya pinangarap puntahan. Sa Mindanao.
     Doon niya muling nakita si Clint Monteza, ang lalaking pinakiusapan ng kanyang ama na magturo sa kanya ng dapat niyang matutunan. At ang kaisa-isang tao---maliban sa kakambal niya---na malakas ang loob na nagsabi sa kanya ng mga katangiang ipinapakita lamang niya dahil ‘yon ang alam niyang tamang gawin at siyang magugustuhan ng kanyang ama. Inihanda niya ang kanyang sarili sa mga ipagagawa sa kanya ng lalaking iyon at inisip na lamang niya na isang pagsubok lang ang lahat. Ang hindi niya napaghandaan ay ang namuong atraksiyon niya para dito simula nang muli niya itong makita.
     Paano niya bibigyang laya ang mga emosyong unti-unti niyang nararamdaman para dito sa araw-araw na nakakasama niya ito kung nakatakda rin siyang umalis pagkatapos ng limang buwan? At paano ang asawa nitong nagtatangkang bumalik sa buhay nito alang-alang sa anak ng mga ito? May lulugaran pa ba siya sa buhay at sa puso nito?

major adjustment ^.^

it's a super duper major adjustment for me. ><

siguro, dahil matagal akong nag-stop sa pag-aaral kaya ngayon, na-stress ako sa mga ginagawa sa school. sa sobrang busy, hindi ko maisingit ang pagsusulat ko. nakakapag-sulat naman ako kahit papa'no, pero literal na pagsusulat. as in sa notebook siya. HAHAHAHA. naiipon tuloy ang mga plot sa utak ko. ang dami kong kailangang tapusing story. XD

at infairness, nami-miss ko ang pagsusulat at pagbabasa ng pocketbook nitong mga nakaraang araw. XD puro lessons, research, notes and whatsoever school works ang kaharap ko.

at dahil nami-miss ko ang magsulat, susubukan kong magsulat mamaya. XD dadagdagan lang naman ang mga dapat dagdagan. at ang isang story na return pero maraming nagagandahan? hopefully, maayos ko siya. >< super mixed emotions ako doon sa story na 'yon. LOL

nonsense blog na naman 'to. XD so, ciao~