Lunes, Marso 11, 2013

Suddenly, It's Love

ito po ang raw teaser ng story nina Ethan at Celine. :)

Title: Suddenly, It's Love
Date Approved: March 11, 2013
To be released...

       “…promises are made to be broken pero always remember that I will always love you… forever.”

        Teaser:

           Minsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kailangan niya ng makakausap. Ito ang isa sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya noong mga panahong mababa ang self confidence niya at mababa ang tingin niya sa sarili niya.
            Hindi naman ito mahirap mahalin. Inakala pa nga niya na may katugon ang nararamdaman niya sa binata pero nang magtapat siya dito bago ito umalis ng bansa, napatunayan niyang pakikipag-kaibigan lang pala ang kaya nitong ibigay sa kanya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para makalimutan ito. Kahit ang makipag-usap sa mga kaibigan nito ay ginawa niya mapadali lang ang magmo-move on niya.
            Paglipas ng limang taon ay hindi niya inaasahan na magkikita pa uli sila ng tanging lalaking minahal niya. Muli ay naging malapit siya dito lalo na nang magpanggap itong nobyo niya nang dahil sa hindi inaasahang pagkakataon.
      Hahayaan na naman ba niyang umasa ang puso niya na may pag-asang mahalin din siya ng lalaking hindi naman pala nawala sa puso niya kundi nagtago lang sa kaibuturan niyon? O nanamnamin na lang niya ang masarap na pakiramdam sa piling nito hanggang sa matapos ang pagpapanggap nila?

- nikki del rosario :) -

Sabado, Marso 9, 2013

Camp Speed: The one who holds my heart

again, raw teaser pa lang po ito. :) hindi pa po ito ang final teaser na lalabas kaya ayun po. :)


Title: Camp Speed: The one who holds my heart
Date Approved: March 11, 2013
To be released...


         She feels like it’s the most natural thing to do. Ang makontento kapag kasama niya ang lalaking mahal niya.


Teaser:


     College pa lang ay gusto na ni Zeke si Akane Mishima, ang weird pero napaka-gandang transferee sa Unibersidad nila. Kaya naman laking tuwa niya nang maging malapit sila sa isa’t-isa.
     Lalong umusbong ang nararamdaman niya para sa dalaga nang makilala niya ang ugali nito. At pakiramdam niya ay pareho lang naman sila ng nararamdaman base sa mga ikinikilos nito kapag magkasama sila. Pero naglaho ang lahat ng ilusyon niya nang makita niya itong kayakap ang kaibigan niyang si Kiel. At lalong sumidhi ang sakit na nararamdaman niya nang malaman niyang magkasamang umalis ng bansa ang mga ito.
     Maayos na siya. Nakapag-move on na siya. Iyon ang itinatak niya sa kukote niya sa loob ng pitong taon. Inabala niya ang sarili niya sa negosyo niya at sa pangangarera. Hanggang sa isang araw, habang itinataboy niya ang isa sa mga babaeng nagpapasakit ng ulo niya, nakita niya itong naglalakad palapit sa kanila. Hindi na siya nag-isip at bigla na lang niya itong hinalikan sa labi.
     Boom! Sa isang iglap, nakapasok na naman ito sa nananahimik na buhay niya. At doon niya na-realize na hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito! Eh ano ngayon kung may Kiel na sa buhay nito? Babawiin niya ito, by hook or by crook!

     note: another blessing from papa god. :) worth it ang paghihintay ko at hirap sa pagsusulat. :) kaya tiwala lang palagi sa sarili. :) kung kaya naming magsulat ng mga ganitong nobela, kaya n'yo din. think positive palagi. :)

-nikki del rosario-

Biyernes, Marso 1, 2013

Starcove, Batangas Tour!

'eto na. 'eto na ang blogpost about sa Starcove tour ng mga EDUC students. :) sobrang saya ng adventure na 'to with the guys. :) masaya silang kasama, walang dull moments. plus kasama pa namin ang 2 sa pinakamaba-bait na professors namin. ma'am mahilum and sir castillo. :) pero para lang namin silang mga kapatid during that time. actually super nag-enjoy talaga ako. don't mind the disappointment we felt pagdating pa lang namin jan sa lugar. masyadong mataas kasi ang expectations namin eh. pero eventually, nakapag-adjust na din kami. thank you sa magandang ambience, sa magagandang scenes, sa dagat at sa infinity pool. :))) at sa masasarap na foods syempre. LOL

minsan lang magkaroon ng ganitong tour ang mga educ students kaya syempre sinulit namin ang 2 days na pag-stay namin jan. madami akong 1st times na nagawa habang kasama ko sila pero nakakatuwa na hindi ko naman pinagsisihan yung mga bagay na ginawa ko. HAHAHAHAHAHA. sana lang, maulit siya. :)

here are some of our pictures:


feeling marunong mag-billiards. :)))

mga walang magawa. :) play-play sa playroom. :)

naghihintay para mag-check in. :)

before swimming time. :)

roaming around. :)

with pat-pat. :)

pahi-pahinga sa pag-swimming. :)

welcome to starcove! :)

at immaculate Concepcion church. :)

after going to the church. :)

with ma'am mahilum. :)) nakikisali sa photoshoot si mama G. :)

with russel. :)

bet na bet talaga eh. :))) pumayat na ko. yatta!

photoshoot. XD

picture-picture while waiting for our lunch. :)

palipas oras. :P

picture-picture din kapag may time. :)

during breakfast with janns. :)

with the girls before we go to the church. :)

with janns, belle and cha. :)


sana masundan pa ang mga tour na ganito na kasama ko sila. bonding moments na din 'to with my coursemates who eventually became my friends. :)) masaya silang kasama, promise. :)

xoxo
-nikka bianca-