Biyernes, Agosto 30, 2013

HAPPY BIRTHDAY DR. HAO!

Happy Happy Birthday sa isa sa mga idol kong professor, Dr.Arleen B. Hao! Sobrang thankful ako dahil naging bahagi ako ng buhay niya at naranasan kong maging estudyante niya. Sobrang galing niyang mag-handle ng estudyante at naiintindihan niya ang bawat pinagdadaanan namin. :)

Para sa kanya, walang maling sagot sa bawat tanong niya basta naipapaliwanag mo ang side mo. kaya naman iniidolo ko talaga siya simula pa noong una ko siyang naging professor. Dati ko din siyang adviser. :) Kaya kung magpapatuloy ako sa pagiging isang teacher, isa siya sa mga gagawin kong modelo para maging magaling na teacher sa mga bata. isa siya sa mga pasasalamatan ko dahil kung hindi dahil sa presensya niya at sa mga itinuturo niya sa amin, hindi ako maliliwanagan sa ilang mga bagay na tinatanong ko noon sa sarili ko.

Saludo po ako sa mga guro na katulad n'yo, Dr. Hao. :) More power and God bless always.

xoxo
-nikka-

Huwebes, Agosto 29, 2013

Stress -_-

nas-stress ako. sobra! parang ang dami kong kailangang gawin. -_- parang ang dami kong kailangang tapusin. parang ang dami kong kailangang maramdaman. jusko naman!

sana matapos na 'to lahat. sana makapag-relax na talaga ako. iyon na lang ang palagi kong pinagdarasal pero hindi ko naman magawa. grabe! jusko talaga! magdadasal na lang talaga ako palagi para kahit papa'no gumaan ang pakiramdam ko. :)

happy, it's so nice to be happy. everybody should be happy! it's so nice to be happy!

xoxo
-nikka-

Linggo, Agosto 4, 2013

How can I move on?

Oh yeah! Morning na morning... ang emo ko. Well, this day is very special to me. In a good at bad way of course. Syempre, I won't tell why. Basta, special sa'kin ng araw na 'to. Kaya kapag naging presidente ako ng Pilipinas, ipatatanggal ko ang August 5 sa kalendaryo. LOL

I just want to greet the most important person *yeah until now you jerk* in my life. Kahit na hindi niya alam iyon, siya pa din iyon. Siguro kung mababasa lang niya lahat ng mga status, tweet at blogpost ko para sa kanya, kinukulam na ako no'n o pinagta-tawanan. Siguro sinasabi no'n "move on-move on din 'pag may time." argh ang hirap naman kasi eh. Iyong akala mo wala na siyang halaga sa'yo. Akala mo nakalimutan mo na siya kasi hindi na siya pumapasok sa isip mo tapos magigising ka na lang isang araw na bumubulaga sa harap mo iyong katotohanang NASA PUSO MO PA DIN SIYA! It sucks, right? Damn, love. Well, damn me pala. Ako ang tanga eh. LOL

Naniniwala pa din naman ako na darating ang araw na makakapag-move on din ako TOTALLY sa feelings ko for this particular person eh. Think positive lang, magagawa ko din iyan. Sa ngayon siguro... PIPILITIN ko na lang muna siyang itago sa pinakasulok ng utak at puso ko *yeah, corny talaga* para hindi ako ma-distract sa mga dapat kong gawin. Mas okay nang maging busy kaysa naman madami ka ngang pahinga time, siya naman ang palagi mong naiisip. Wala din, made-drain ka lang... emotionally.

Kaya sana... please lang... talagang please lang... maka-move on na sana ako sa kanya. Siguro magiging special pa din siya sa puso ko. Hello, first love eh. First true love... on my part. Ma-stuck na siguro siya do'n pero iyong tipong in a good way na lang. Hindi na ako magiging bitter and whatever. Ngingitian ko na lang iyong mga bagay na makakapag-paalala sa'kin sa kanya at hindi na lang ako basta magiging teary eyed kapag naaalala ko siya. Iyong tipong ngingiti na lang ako tuwing darating ang August 5... Kung hindi pa ko nagiging presidente at ipinapatanggal siya sa kalendaryo. LOL Sana lang...

xoxo
-emo nikka-

Biyernes, Agosto 2, 2013

Proud frustrated photographer :)

isa talaga akong frustrated photographer. as in. harharhar. gusto ko talagang kumukuha ng kahit na anong pictures eh. walang particular na subject, basta picture-picture lang. :3 masaya kasi iyon, lalo na kapag nakikita ko iyong mga emotions ng mga taong subjects ko. tama nga sila na hindi kayang itago ng mga tao ang mga emosyon nila kapag titingnan sila sa mga mata. lalo na kapag stolen shot ang kinuhanan mo. hindi kasi iyon natatago sa camera.

kaya nga balak kong kumuha ng crash course kapag nakapasa na ako ng LET exam para ma-pursue ko ang pagiging photographer. :)))))) ang dami ko kasing gusto sa buhay kaya kahit na ako, nalilito na din sa kung ano talaga ang gusto ko eh at kung ano ang mga kailangan kong unahin. hindi ko yata alam ang salitang time management. LOL chos lang~ waley na, nonsense na naman ang mga sinasabi ko, magse-share na lang ako ng mga shots ko. :3










xoxo
-nikka :)-