Martes, Oktubre 29, 2013

Thank you!

This post is for everyone who supported me and never leave my side kahit na napaka-topakin ko, napaka-busy ko, napaka-iritable ko, napaka-gulo kong kausap at napaka-nega ko. Dahil sa inyo, nalagpasan ko na naman ang isang semester nang may ngiti sa labi.

I passed! With flying colors!

Well, hindi naman kataasan ang mga grades ko pero at least pasado at walang tagilid. Iyon naman ang mahalaga eh. :) Thank you din kay Papa God na palaging nandiyan para gabayan ako at sa napakalaking inspirasyon ko sa buhay, ang Papa ko. Dahil sa kanya, nag-aaral akong mabuti para maipagmalaki niya ko kung nasa'n man siya ngayon. :) Alam ko naman na proud siya sa lahat ng achievements ko sa buhay pero syempre, iba pa din ang proud siya sa'kin dahil bumalik ako sa pag-aaral at makatapos. :)

3 semesters to go! 3 sems na lang, matatapos na ko! at kahit na alam kong mas mahirap na ang haharapin ko sa nalalabing semesters, pagbubutihan ko pa para mas mag-improve ako. kakayanin ko 'to! kaunting dalaw lang sa Papa ko. Iiyak at magku-kuwento lang ako sa kanya, okay na. May energy na ulit ako. Idagdag pa si Papa God at si Fr.Pio na alam kong tinutulungan din ako, full charge na ko. :) Ready to fight na ulit!

Kaya sa mga katulad kong naghihirap sa pag-aaral para sa mga pangarap at pamilya nila, Go Lang! Kaya natin 'to! Matatapos din tayo! :) Think positive always. :)

-Nikka-

Sabado, Oktubre 26, 2013

Rant Ito!

Bawal mag-reklamo. Blog ko naman ito! Okay lang magbasa, basta walang bash at parinig na magaganap pagkatapos ninyong mabasa ang mga nakalagay dito sa blogpost na 'to. Well, isa-summarize ko na lang para hindi masyadong mahaba. Baka talunin pa nito ang nobela eh. Hahahahahahahaha

So ito na! As we all know, nag-concert ang Super Junior dito last Thursday (October 24, 2013. Syempre lahat ay excited dahil sa "KPOP Concert of the Year"! Palagi naman kasing excited ang lahat kapag Super Junior na ang pupunta dito eh. At napatunayan naman na siguro nila na kaya nilang pumuno ng kahit anong venue ng concert nila. Una, ang Tokyo Dome na sikat talaga sa Japan. Bihira ang mga nakakapag-concert sa Dome na iyon pero sila, nakapag-concert na. Sign iyon na sikat na talaga sila at marami talaga silang supporters. Sa Pilipinas naman, napuno na nila ang Araneta no'ng Super Show 2 and 3. At ngayon ngang Super Show 5, napuno na naman nila ang MOA Arena! Kaya wala na naman sigurong kokontra kung sabihin ko mang sikat na talaga sila kahit saan sila magpunta. And well, I can say that I'm very proud of what they are now! At thankful ako na isa ako sa mga masuwerteng fans na kasama nila sa journey nila simula noong umpisa hanggang ngayon. ganyan sila kagaling para sa'kin.

So ito na nga. Sabi ko naman kasi, rant ito eh. Hahahaha Ito na talaga ang rant sa post na 'to. Nag-concert nga sila dito. Nag-ipon naman ako. Promise. Gusto ko kasi talaga silang makitang mag-perform ng live kahit hindi sila kumpleto. Ako pa eh mahal na mahal ko talaga sila eh! Pero dahil sa pagka-busy sa school maging ang pagiging magastos sa school na hindi ko alam kung para saan ang mga ginagastos, nawala ang pinag-ipunan ko. In short, hindi ako nakanood ng concert. MABUHAY ANG #TEAMBAHAY!

Madali ko namang natanggap na hindi ako makakapanood dahil mas importante naman ang school. At inisip ko na lang, hindi pa kasi sila kumpleto kaya hindi pa time para makita ko sila ULIT. Kung kelan at saan ko sila nakita ng kumpleto, isang malaking SECRET iyon! At kahit pilitin n'yo pa ko, hinding-hindi ko sasabihin. Hahahahahahaha Pero sa hindi inaasahang bagay, may taong biglang nag-text sa'kin tungkol sa ticket ng Super Show. Para daw may kasama siyang manood kasi first time din niyang manonood ng concert eh. Syempre papatulan ko iyon kahit Gen Ad lang, makita ko lang sila. So, nag-half day ako kinabukasan sa school para masamahan siyang bumili ng ticket namin. Kung kailan nasa Monumento na ko at ite-text ko na sana siya para itanong kung saan ko siya hihintayin, 'tsaka naman ako nakabasa ng text galing sa kanya na hindi na daw niya ako maisasama sa panonood ng concert. Hindi na nga din daw siya sigurado kung manonood siya pero syempre sinabi ko na manood pa din siya kahit feeling ko ka-plastikan sa part ko iyon. T.T

Kung bakit? Hindi ko alam. Siguro nakahanap na siya ng ibang kasamang manood pero sana man lang, sinabi niya sa'kin ng maaga 'di ba? Para hindi ako nag-half day sa school. To think na may importanteng event kami sa school that day at malaking kawalan sa part ko ang pag-alis ko. Hindi naman sana kasi ako magiging bitter eh pero kasi pinaasa niya ako eh. Inaalis ko sa isip ko iyong katotohanang pinaasa niya ako pero ayaw maalis eh. Ayoko din naman kasing umasa pero ipokrita naman ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan dahil hindi ako nakapanood ng concert. Kaibigan ko kasi siya kaya as much as possible, ayoko talagang mainis sa kanya. Pero hindi ko mapigilan, Super Junior kasi iyon eh. At pagdating sa group na iyon, mahirap talagang alisin iyong inis ko. Mas mahirap alisin iyong inis dahil nalaman ko na nanood pa din talaga siya ng concert at may kasama siyang iba. </3 shattered dreams!

Sa totoo lang, naiinis pa din ako hanggang ngayon, inaaliw ko lang iyong sarili ko. Ayoko kasing lalong ma-stress eh. Mahirap na, napaka-sakitin ko pa naman.

Lesson learned: 'Wag basta-basta maniniwala sa kahit na sino kahit pa sa kaibigan mo. </3

Sana lang, mawala na 'tong inis na nararamdaman ko. Ayokong dalhin 'to hanggang sa 2nd sem dahil baka mamatay ako nang wala sa oras sa dami ng problema ko. </3

Para sa'yo, God bless! At kahit na ano pa ang ginawa mo, natutuwa pa din ako na nakita mo na ang Super Junior sa wakas! Na-enjoy mo sana talaga. :)

-Nikki na sobrang bitter sa mundo-

Miyerkules, Oktubre 16, 2013

Defeated!

i feel defeated!!!

kung maramdaman ko man na nag-iisa ako, siguradong may basehan iyon 'di ba? paranoid nga lang siguro ako pero ino-obserbahan ko talaga kayo. kung hindi ko nararamdaman na lumalayo at umiiwas kayo sa'kin, hindi din ako lalayo at iiwas sa inyo.

some kind of a friend, huh? kaya natatakot na akong makipag-close, makipag-usap at makipag-kaibigan sa kahit na sino. kasi kahit iyong malalapit kong kaibigan, pinararamdam sa'kin na nag-iisa ako. well, siguro nga ako lang ang nag-iisip no'n pero hindi ko maiisip iyon kung hindi n'yo din pinararamdam.

nakakapagod. nakakapagod magpanggap na walang problema. nakakapagod magpanggap na okay lang ang lahat. nakakapagod kumapit sa mga taong iniiwan ka din sa huli. gusto ko na talagang sumuko sa mga taong nagsasabing kaibigan ko sila pero nilalayuan at iniiwan din naman ako.

Siguro nga nag-uumpisa na kong maging indifferent sa lahat ng nangyayari sa'kin pero hindi ko pa din maalis sa sarili ko na masaktan. hindi ba ako worth it maging kaibigan? hindi ba ko karapat-dapat na kinakaibigan? bakit palagi na lang akong iniiwan? dahil emo ako? dahil nega ako? Hahaha thank you, friends. You're the best FRIENDS that I ever have! thank you for making me feel special, guys! you're the best!

I'm sorry for everything. I'm sorry kung pumasok pa ko sa buhay n'yo. Maging masaya sana kayo. :) God bless always!