Ang palagi ko na lang iniisip sa lahat ng nangyayari sa'kin inside and outside the school, with friends, families and other people are all part of God's plan at challenge for me to be a better person. May pagka-makulit nga lang ang utak ko minsan at pinananaig palagi ang negativity. Pinipilit ko din naman na alisin iyon, hindi ko nga lang magawa madalas.
Pero kahit na madami akong problema at pagod na kinakaharap, thankful pa din ako dahil sa mga unexpected blessings ni Papa God sa'kin! Katulad ng pagpasa ko sa halos lahat ng Midterm Exams ko pati na din sa Midterm grades ko. Sa matataas na grades sa mga pinaghirapan kong projects and homeworks. Sa successful demo teaching ko. Kahit na ang grupo namin ang pinaka-magulong demo dahil sa mga insensitive at makasariling tao, okay na din. At least, naka-survive kami. Kaunti na lang at matatapos na ang sem na 'to. 17 units to go and I'm done! Kakayanin ko 'to! Kaunting tiis na lang! Matatapos na ko!
At ang pinaka-malaking achievement na nakuha ko ngayon ay ang pagkakapanalo sa Photography Contest na sinalihan ko sa school. First time kong sumali sa Photography Contest at hindi talaga ako confident sa entry na pinasa ko. Sanay na naman ang mga tao sa paligid ko sa ugali kong sobrang baba ng tingin sa sarili pati na din sa mga ginagawa ko. Mababa talaga ang self-confidence ko eh, anong magagawa ko? Sinusubukan ko namang itaas siya, kulang nga lang ako sa push! Hahaha Anyway, may mga nagsasabi naman sa'kin na think positive at maganda iyong entry ko. Hindi ko din naman inaasahan na mananalo siya as people's choice sa buong school, salamat sa mga nag-aksaya ng mga pera nila para bumoto sa entry ko. :)
Dahil mas maganda iyong sa mga kalaban ko. Kahit 3rd place lang iyong akin, super thankful pa din ako. At least, nagustuhan nila iyong akin. Nakakataas pa ng self-confidence dahil mga professionals iyong nag-judge ng mga entry namin.
Hindi kaya sign na 'to? Na i-push ko ang mga hidden talents na ngayon ko lang nalalaman na mayroon pala ako? Na alisin ko na ang hiya-hiya sa katawan ko at go na lang ng go? Subok na lang ng subok? Hahaha Ipu-push ko lahat iyan kapag naka-graduate ako at kapag may opportunity! <3 :)
Here are the pictures of my photo entry! :)