Sabado, Mayo 24, 2014

Big Challenge but also a Big Blessing!

After so many months, ngayon lang ulit ako nakapasyal sa blog ko. Kumusta naman iyon? Hindi ko lang kasi talaga ma-contain ang happiness---well ang mixed emotions na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din. Well, madami naman kasi talagang nangyari ngayong araw at lalo yata akong nabaliw dahil sa mga iyon :)))

Una, namanyak ako. I swear, hindi na talaga ako basta-basta sasamang manood ng sine sa mga lalaki. Buwisit, buti na lang talaga napanood ko na iyong X-Men kaya hindi ako nagdalawang-isip na umalis doon. Sorry, pero iyon talaga ang naramdaman ko. Namanyak talaga ako. To think na... eerrrrrrr, nevermind. Si Papa God na ang bahala sa'yo. But thank you for the gifts, though. Na-appreciate ko naman siya ng bongga.

Pangalawa, muntik nang ma-snatch ang cellphone ko. May kausap kasi ako tungkol sa nangyari nga sa mall kaya talagang natutuliro na ko. Mabuti na lang at maagap iyong katabi ko at inalis niya iyong kamay no'ng bata---YES, BATA PO SIYA---sa cellphone ko. Ayon, tago agad ako ng phone sa bag. No'ng point na iyon, naiiyak na talaga ako at namumutla. Nararamdaman ko na iyong pitik sa ulo ko na feeling hopeless ako kasi pakiramdam ko, ang malas ko.

So, naisipan ko na pumunta na lang sa Phr office para puntahan iyong mga taong im-meet ko. Pumasok ako sa loob at nakita ko nga ang ibang kaibigan ko. Tapos bigla na lang sinabi ni Boss na kakausapin daw niya kami ni Wendy Shaw, so kinabahan na talaga ako. Hindi ko din alam kung bakit nag-desisyon akong pumirma para sa kanila pero feeling ko will din kasi 'to ni Papa God. Feeling ko kasi talaga hindi ko pa kayang mag-commit pero napapirma ako. Ang ibig sabihin lang siguro no'n ay kailangan kong i-accept ang panibagong challenge na ibinigay sa'kin ni Papa God! Hindi na nga lang ako makakapagsulat sa ibang publishing pero ginusto ko 'to eh, kaya okay na lang. tatanggapin ko ang challenge na 'to.

at infairness, madami akong natutunan sa araw na 'to. thank you pa din kay Papa God at safe ako at may maganda pa din talagang nangyari sa'kin :) Thank you as always, Papa God! You're the best! I love you!

PS: As usual, nonsense blogpost na naman. Pagbigyan na, bangag eh. Hahaha

xoxo
- nikki :) -