Martes, Disyembre 30, 2014

2014 Memories and Blessings ^_^

Honestly, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lang akong magku-kuwento ng kung ano-ano ang nangyari sa'kin this year but I guess all I want to is to get it all out. Gusto ko lang may mapaglabasan at mapagsabihan. Hindi naman importante kung may makabasa nito o wala, ang importante lang ay nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin. :) Napaka-random lang nitong mga memories na 'to, hindi ko kayang pagsunod-sunurin at baka mabaliw ako. Kung ano lang ang maalala ko, iyon lang ang ise-share ko. Hahaha

Last May ay naging contract writer ako ng PHR. Well, lahat naman siguro ng writer ay pangarap na maging parte ng pamilya ng PHR at sobrang thankful ako na naging parte ako ng malaking pamilya na iyon. :) Kasama mo ba naman ang ilan sa pinaka-sikat na mga manunulat hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba't-ibang bansa pa. Hindi ko din inakala na itutuloy-tuloy ko ang pagsusulat dahil dati, sa notebook ko lang siya ginagawa at pagde-daydream lang ang dahilan kaya ako nagsusulat. Ngayon, sa pagsusulat ko na nailalabas lahat ng nararamdaman ko, nagagantihan ang mga umaapi sa'kin *umaapi talaga ang term* hahahaha at naipaparating ang mga gusto kong sabihin sa ibang tao. At nagpapasalamat ako na may mga taong naa-appreciate ang mga kuwentong ginagawa ko. Masaya ako na dahil sa pagiging isang manunulat ko, lalong lumawak iyong social eklavu chuchu ko. Dumami ang mga kakilala at mga naging kaibigan ko. Masaya naman kasi talaga magkaro'n ng mga taong kapareho mo ng mga interes sa buhay at alam mong makakaintindi sa'yo. So, nagpapasalamat talaga ako sa Phr family lalo na sa mga co-writer/friends ko, sa mga editors na nagtitiis ng kakulitan ko at kay Sir Jun Matias sa pagbibigay ng oportunidad na matupad ang isa sa mga secret dreams ko. :)

At sa pangalawang taong nagtiwala sa kakayahan ko bilang manunulat, si Sir Edsel Roy. Thank you dahil binigyan niya ng pagkakataon ang ibang mga nobela ko na ma-publish para mabasa ng iba. :) Malaki din ang pasasalamat ko sa kanya at tatanawin ko iyong utang na loob. :) Hindi man matagal ang pinagsamahan namin, hindi naman mawawala ang katotohanang naging parte siya at ang publishing company niya sa pagtupad sa isa sa mga pangarap ko. :)

Nitong December, nakakilala ako ng mga batang hindi ko alam na mabilis na magiging attach sa akin. Madali ko silang nakasundo, halos lahat sila. Sa loob ng ilang araw na nakasama ko sila sa iisang classroom, naging importante na sila sa'kin at naging malapit na sila sa puso ko. Kahit na kasi ubod sila ng ingay, kulit at tigas ng ulo sila iyong tipo ng mga batang babawi agad sa mga ginawa nilang hindi maganda. Hihingi sila ng sorry kapag maiingay at makukulit sila, patatawanin nila ako at kukulitin kapag nakikita nilang nawawala ako sa sarili. Tinulungan nila ako sa halip na tawanan no'ng nadapa ako *syempre inasar nila ako pagkatapos pero iyong tipo ng pang-aasar na hindi nakakainis*. Matatalino sila kahit na hindi halata. Naghahanap lang sila ng atensiyon at hindi iyong palagi na lang silang sisigawan, pagagalitan at sasabihan ng mga salitang hindi naman dapat sinasabi sa mga bata. Tatlong buwan ko lang makakasama ang mga batang 'to pero sa tingin ko, hindi matatapos doon ang relasyon ko sa karamihan sa kanila. Dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at mga anak sa katauhan nilang lahat. Puwede ko nga yatang sabihin na they complete me. Parang Toni Gonzaga lang. Hahaha Kaya lulubo-lubusin ko ang mga memories na makukuha ko habang kasama ko sila. :)

This was taken last December 13, Amazing Race 2.0 ng buong Educ family. Sinimulan namin 'to last year at para siyang team building na at the same time ay bonding time para sa'ming lahat. Day-off pa nga ang tawag namin dito last year. Sa pamamagitan nito, nagkakakilala kami ng lubos at lalong lumalalim iyong mga pinagsasamahan namin. Hindi na lang kami iyong Education students lang na magkakasama at magkaka-klase kundi magkakapatid, magkakaibigan at isang pamilya na kami. Mas naiintindihan kasi namin ang isa't-isa sa pamamagitan ng bonding time na 'to. Kahit na nagaaway-away kami at hindi nagpapansinan ng matagal, at the end of the day ay hindi din namin natitiis ang isa't-isa. That is what real friends and family are for. :) At ngayong matatapos na ako sa school, mami-miss ko ang mga kapatid ko sa ibang ina, ang mga nagpapasaya sa'kin at kahit na palagi akong inaasar ay nagpapangiti naman sa'kin at nagmamahal sa kung ano ang kaya kong ibigay at sa kung sino ako. :)

This happened last August. Iyon yata ang pinaka-highlight ng buong taon ko. Hahahaha pati ang paghawak ni Enchong sa kamay ko. Jusko naman, iyong mga crushes ko naman kasi nagpakalat-kalat sa blockscreening ng Once A Princess at bilang isang fangirl, siguro naman ay karapatan ko talagang magtititili sa isip at magpa-picture sa kanila. Kaya nga kinuha ko na agad ang oportunidad na makalapit sa kanilang lahat habang nakikita ko pa sila at malapit pa ako sa kanila. Minsan lang naman eh, lubos-lubusin na. :) Naging bonding time na din 'to para sa ibang mga kasama/kaibigan ko na madalang kong makita :)

MDRC fan-meeting last May. Super enjoy 'tong araw na 'to. I get to know other readers and I got the chance to bond with them. Ang daming unexpected things ang nangyari sa fanmeet na 'to kaya hinding-hindi ko talaga 'to makakalimutan. :)

Isa pang highlight ng taon ko, ang DKFC2 last February. Sobrang high ako niyan. Dahil sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko si Lee Donghae, ang ultimate Kpop bias ko. Unang beses ko kasi siyang nakita sa Bench fanmeet. Hahaha Plus, for the first time, nakita kong mag-perform ang Super Junior-M. Alam na, next dapat ay makita ko na silang lahat na mag-perform. Iyon lang naman talaga ang ultimate dream ko as a fangirl. Forever ELF yata ito, walang makakatalo sa SJ sa puso ko kahit anong Kpop at Jpop groups pa ang dumating. XD Once an ELF, always an ELF. :) FTW!

Balai, Isabel Batangas. Phr brainstorming last January. Kung ano-ano pang alibi ang hinabi ko para lang makasama ako dito. Hindi naman ako nagsisi, maganda kasi ang buong lugar at madami akong natutunan sa seminar. Na-realize ko nang araw na iyon na marami pa pala talaga akong kakaining bigas sa pagiging writer. Haha pero at least, sumusubok ako. Ito na yata ang una at huling beses na mae-experience ko 'tong brainstorming na 'to pero sana one day, kapag hindi ako busy ay makasama pa din ako sa ganito. Kahit isang beses na lang. Hahaha

Lastly, ang Team Fourth Year. Na kasama ko sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa, sa pagbagsak at pag-angat. Marami na akong pinagdaanan kasama ang mga taong 'to at kahit na Frenemies ang tawag sa relasyon ko sa kanila, hindi naman ako nagsisisi na nakilala ko sila. Sila kasi ang madalas na nagpapalakas ng loob ko kapag down na down ako. Sila ang bigla na lang yayakap sa'kin kapag napapansin nilang malungkot at may problema ako. Sa aming anim, hindi na kailangan ng salita. Hindi na kailangan mag-kuwento at kung ano-ano pa, mararamdaman mo talaga kapag may pinagdadaanan ang isa sa'min at gagawin ng iba ang lahat para mawala ang lungkot o mabawasan ang mga negatibong nararamdaman ng isa. Idagdag pang may anghel kaming kasama sa katauhan ng adviser namin. Kahit nagkakatampuhan at nagaaway-away kami, isang salita lang ng adviser/nanay namin, wala na. Tahimik na kaming anim. At hindi din nagtatagal at nagkakaayos din kami. Feeling ko nga, lahat kami ay wala nang mga pride. Hahaha pero okay lang naman iyon sa tingin ko. Mas importante ang pinagsamahan at ang pagkakaibigan/pamilya kaysa sa pride na mayroon ang isang tao. Iyon lang naman ang paniniwala ko.


Sa totoo lang, hindi naman importante ang mga litratong iyan. Ang importante, lahat ng memories at blessings na dumadaan sa buhay natin ay nakatatak sa puso't isip natin. Iyong pinahahalagahan natin ang bawat oras at araw na nakakasama natin ang mga taong mahahalaga sa buhay natin. Isa pa, ang pinaka-malaking blessing naman na makukuha ng isang tao ay ang paggising niya sa umaga. Iyon pa lang, blessing na na dapat ipagpasalamat kay Papa God.

Napakabait sa'kin ng taong 'to. Kahit na madami akong sakit na naramdaman ay hindi mapapantayang saya naman din ang ipinapalit niyon. At hindi ako magiging masaya kung hindi dahil kay Papa Jesus at sa mga taong kahit na napaka-imposible kong intindihin, tanggapin at mahalin ay hindi pa din ako iniiwan at tinatanggap ako ng buong-buo. At nagpapasalamat ako sa kanilang lahat for making every year worth living. :)

Hope to have a blessed 2015. Ready na ulit sa mga problema at pagsubok na haharapin. :) Sabi nga nila, bring it on!

Happy New Year!!! ^_^

-Nikka Bianca-

Huwebes, Disyembre 25, 2014

Sorry!

Sa lahat po ng makakabili at makakabasa ng Still You novel na isinulat ni Bianca Nicole under Lifebooks, gusto ko pong humingi ng paumanhin. Hindi ko man po intensiyon at hindi ko man po sinasadya, hindi po siya na-edit ng maayos. Sa mga EXO at SJ stans, sorry din. Napaghalo ko ang mga members ng dalawang grupo, hindi ko na-edit ng maayos. Naging leader ng EXO at naging member nang wala sa oras sina Eeteuk at Donghae. At naging kanta nila ang Angela. Sorry talaga, hindi ko po sinasadya. Sana hindi maging issue iyon sa mga Kpop fans lalo na sa mga EXo stans at mga ELFs. Isang simpleng pagkakamali lang po. Sana maunawaan ninyo.

Maraming salamat! Maligayang pasko at Maligayang kaarawan sa ating Poong Maykapal!

-Nikka/Nikki/Bianca Nicole-