Biyernes, Hulyo 20, 2012

rainy saturday ^.^

grabe! O.O

hindi naman masyadong malakas ang ulan eh. malakas ang hangin lang talaga. tapos mabilis pang bumaha. ayaw talagang magpaalis ng ulan na 'to. T.T nakakadismaya. kung kelan may lakad kayo ng mga kaibigan mo, 'tsaka naman uulan ng malakas.

tuwing aalis na lang kami ng mga kaibigan ko, palagi na lang umuulan. T.T grabe!!! sana tumigil naman siya. at mamayang gabi na lang uli umulan. hindi naman kami aabutin ng gabi eh. :(

anyway, good morning. :)

Sabado, Hulyo 14, 2012

happy day ^.^

what a day!!! so tiring yet i enjoyed bonding with some of my friends. :)


may tutorial at workshop ako sa umaga, then pumunta sa office sa hapon at pagkatapos... super stranded kami dahil sa lakas ng ulan. kung bakit ba naman palagi na lang umuulan. LOL *reklamador ever* nang tumigil ang ulan, sinubukan naman ng bonggang-bongga ang pasensya namin dahil sa hirap sumakay. XD either baha o wala lang talagang dumadaang jeep. :)) super asar pero dahil para-paraan lang iyan, nilakad namin from munoz to sm north edsa. HAHAHA. ang kasabihan nga, kapag may tiyaga, may nilaga. LOL ano daw?

super nonsense again, i know. gusto ko lang magpost ng another blog. kung ayaw ninyong basahin, fine. okay lang naman eh. :)) gusto ko lang i-share ang isa sa mga memorable adventure ko with my friends. :))

good night. :)

note to myself:
i'll TRY to finish atleast 3 stories before the year ends. :))

-nDR-

Biyernes, Hulyo 13, 2012

Papa, I love you!

i honestly don't know how to begin this blog post. :/ i'm busy surfing the net and reading when suddenly, the image of my dad pops in my head.

hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lang siyang na-miss. at bigla kong na-realize, kahit minsan hindi ko nakasama ang papa ko sa special day ko. :/ kung nakasama ko man siya, siguro noong batang-bata pa ako. ibig sabihin, wala pa akong muwang sa mundo no'ng mga panahong iyon. minsan, well sige madalas, nakakainggit iyong mga may tatay pa. isa sa mga gustong-gusto kong ma-experience ay makasama ang papa ko sa birthday ko at sa iba pang special day sa buhay ko pero alam ko naman na imposible nang mangyari iyon ngayon. :(

minsan, iniisip ko na lang na nagce-celebrate din ang papa ko kasama ni papa god sa tuwing may nangyayaring maganda sa buhay ko o tuwing birthday ko. at alam kong nasa tabi ko lang siya palagi. hindi ko lang siguro maiwasang malungkot dahil hindi ako lumaki na may tatay. hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang tatay habang lumalaki ako.

     alam mo iyong parang kahit anong pakita mo sa ibang tao na masaya ka, na kuntento ka sa buhay mo, deep inside alam mong may kulang? alam mong niloloko mo lang ang sarili mo kasi hindi ka naman talaga masaya? kasi pakiramdam mo hindi ka kumpleto. :/

*shit, naiiyak ako*

i wish my dad is here. alam kong alam niya ang gagawin sa mga oras na kailangan ko ng kausap. alam kong matutulungan niya ako sa mga problema ko.

well, ganyan talaga ang buhay. hindi sa lahat ng oras ay nakukuha natin ang mga gusto natin. life must go on. i know my dad is proud of me. dalaga na ang prinsesa niya eh. at kung ano ako ngayon, i'm sure  masaya siya dahil kaya kong i-handle ang mga problema ko at malakas ako. at isa siya sa dahilan kung ano ako ngayon. he's my inspiration.
To Papa,
     Kung nasaan ka man ngayon, i know you're always guiding me in whatever i'm doing. :) may na-publish na akong book. :) kung nandito ka lang, alam kong matutuwa ka at ipagmamalaki mo ako. :) at proud akong sabihin na bumalik na ako sa school. at sisiguruhin ko na this time, makaka-graduate na ako. :) mana yata ako sa'yo. :)
     i'll try harder so that you can always be proud of me. i'm sorry if i disappointed you in some way because of my wrong doings, but i'll try to become a better person. to a person that you want me to be.
     just continue to guide me. you willl always be my hero and my most precious star. i miss you, papa. I Love You. :)

Love,
Your Baby Girl, Nikka :)

Lunes, Hulyo 9, 2012

Little cowgirl needs a mom (unedited teaser)

good evening.

well, hindi talaga ako magaling gumawa ng teaser ng kuwento. pero dahil kailangan siya, wala naman akong magagawa. i'm trying my very best to write an interesting teaser for that story. 'eto na nga siya. kung hindi man maging interesting para sa inyo, well, bahala na. HAHAHAHA.

"I’m here. I’ll always be here for you from now on so you’d better be used to it."

Hindi naging maganda ang unang pagkikita nina Jenny at Evan. Sa isang banda, hindi niya masisisi ang lalaki dahil nag-aalala lamang ito sa anak nito. Sa isang banda, naiinis din siya sa sarili niya dahil iba ang epekto sa kanya ng presensya ng binata.
     Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, naging malapit siya sa anak nitong si Gracie. Tinulungan niya itong makumbinsi si Evan na payagan itong mag-aral ng quilt sa quilting shop na pinagta-trabahuhan niya kahit hindi nito hinihingi ang tulong niya. Nakikita kasi niyang gusto talaga nitong matuto, natatakot lang itong magsabi sa ama nito.
     Habang lumilipas ang mga araw na nakakasama niya ang mag-ama ay lalo lang siyang nagiging malapit sa mga ito, maging sa ama at kapatid ni Evan. Doon lang din niya naramdaman ang pakiramdam na kabilang siya sa isang pamilya.
     Alam niyang pareho sila ng nararamdamang atraksiyon ni Evan sa isa’t-isa. Sa parte niya, alam niyang hindi lang simpleng atraksiyon ang nararamdaman niya dito hanggang sa inamin na niya sa sarili niyang nahuhulog na ang loob niya sa lalaki.
     Ngunit hahayaan ba niyang malaman nito ang tunay niyang nararamdaman kung alam niyang hindi naman permanente ang pananatili niya sa lugar na ‘yon? Lalo pa’t may isang bangungot ang muling sumulpot sa buhay niya at may posibilidad na madamay ang mga ito sa dulot na problema ng bangungot na iyon.

maintindihan nyo sana siya. HAHAHA. pasensya na at tina-tantrums ang inyong lingkod at inaatake ng migrane.

good night. :)

-nDR-

Sabado, Hulyo 7, 2012

models... wannabe. XD





some shots taken at our school. :)) mga frustrated models lang ang mga iyan. XD at frustrated photographers na din. XD gusto lang talaga namin mag-pictorial kaya gano'n. HAHAHA.

puwede na ba? HAHAHA. take note, mga future educators pa iyang mga iyan. LOL super flexible sa mga talents no? HAHAHA.

iyon lang. gusto ko lang talaga mag-share ng mga ganitong shots. XD

---nDR---

Biyernes, Hulyo 6, 2012

future educators... ?


and here's another nonsense post from yours truly. LOL

feeling ko hindi naman nonsense post 'to. i just want to share our picture. XD mga future educators ng bansa. LOL kapag sa unang tingin, mukha ba kaming mga future teachers? 'di ba, hindi? HAHAHA. mga mukhang mga bata ang mga nasa pictures. :)) well, ganyan talaga kapag mga cute. LOL saksakan na

happy ako na bumalik ako sa school. :) kahit super busy dahil sa dami ng ginagawa, kahit super stressed araw-araw, keri lang basta may mga ganyang taong aaliw sa'yo. :))

wala na... wala na akong masabi. gusto ko lang talagang i-share iyang picture na iyan sa inyo. :)
good night. :)

-nDR-

Miyerkules, Hulyo 4, 2012

writer's block?

ano nga ba ang writer's block?
actually, hindi ko talaga alam ang ibig sabihin niyan. LOL in short, kapag sinasabi ko na may writer's block ako, ibig sabihin wala talaga akong maisulat kahit na isang letra dahil walang pumapasok sa kukote ko. Pero ang totoong ibig sabihin ng writer's block, hindi ko alam. XD

Hindi ko alam kung matatawag na writer's block ang nangyayari sa'kin these past few weeks. marami naman akong naiisip na puwedeng isulat. iyon nga lang, kapag humaharap na ako kay MS Word o sa notebook, wala na akong maisulat. ang weird 'di ba? May nagsasabing hindi raw ako makapag-create ng isang matinong hero dahil iisang lalaki lang ang gusto kong gawing hero sa lahat ng gusto kong isulat. May mga nagsasabi naman na okay lang na hindi ako magsulat sa ngayon dahil busy ako sa school which is true naman pero kung talagang gusto mong magsulat, kahit pa busy ka, you'll find time to write. True?

Kahit busy ako, naghahanap pa rin ako ng time na isulat ang mga nasa isip ko, pero sa kasamaang palad, walang tumatagal sa utak ko. In short, lahat ng naiisip kong scenes, plot and everything ay pang-short term memory lang. Ayaw niyang pumasok sa long term memory ko. XD Pero ang weird talaga, kasi hindi ko ma-express kung anong gusto kong isulat. Hindi naman ako ganito dati kaya nababaliw na rin ako sa kakaisip kung ano ba ang problema ko at hindi ako makapag-sulat nitong mga nakaraang-araw. :/

Pero, always think positive lang. Siguro, nasa stage lang talaga ako na nahihirapang i-express ang emotions na gusto kong maramdaman ng mga characters ko dahil ako mismo nahihirapang mag-express ng sarili kong emosyon. Siguro, kailangan ko lang mag-internalize, mag-soul searching at lahat ng puwedeng gawin para bumalik iyong dating ako. :) Well, confident naman ako na babalik ako sa dati, sa takdang panahon. *big brother lang ang peg?*

Okay, enough of this nonsense already. Wala naman kasing kuwenta iyong mga sinasabi ko. As in, magulo ng major-major. Kaya sa mga makakabasa nito, pasensya na kayo sa magulong utak ng inyong lingkod. Pakibatukan na lang po ako. LOL

Good night. :)

-nDR-