good evening.
well, hindi talaga ako magaling gumawa ng teaser ng kuwento. pero dahil kailangan siya, wala naman akong magagawa. i'm trying my very best to write an interesting teaser for that story. 'eto na nga siya. kung hindi man maging interesting para sa inyo, well, bahala na. HAHAHAHA.
"I’m here. I’ll always be here for you from now on so you’d better be used to it."
Hindi naging maganda ang unang pagkikita nina Jenny
at Evan. Sa isang banda, hindi niya masisisi ang lalaki dahil nag-aalala lamang
ito sa anak nito. Sa isang banda, naiinis din siya sa sarili niya dahil iba ang
epekto sa kanya ng presensya ng binata.
Dahil sa hindi
inaasahang pagkakataon, naging malapit siya sa anak nitong si Gracie. Tinulungan
niya itong makumbinsi si Evan na payagan itong mag-aral ng quilt sa quilting
shop na pinagta-trabahuhan niya kahit hindi nito hinihingi ang tulong niya.
Nakikita kasi niyang gusto talaga nitong matuto, natatakot lang itong magsabi
sa ama nito.
Habang
lumilipas ang mga araw na nakakasama niya ang mag-ama ay lalo lang siyang
nagiging malapit sa mga ito, maging sa ama at kapatid ni Evan. Doon lang din
niya naramdaman ang pakiramdam na kabilang siya sa isang pamilya.
Alam
niyang pareho sila ng nararamdamang atraksiyon ni Evan sa isa’t-isa. Sa parte
niya, alam niyang hindi lang simpleng atraksiyon ang nararamdaman niya dito
hanggang sa inamin na niya sa sarili niyang nahuhulog na ang loob niya sa
lalaki.
Ngunit
hahayaan ba niyang malaman nito ang tunay niyang nararamdaman kung alam niyang
hindi naman permanente ang pananatili niya sa lugar na ‘yon? Lalo pa’t may
isang bangungot ang muling sumulpot sa buhay niya at may posibilidad na madamay
ang mga ito sa dulot na problema ng bangungot na iyon.
good night. :)
-nDR-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento