Linggo, Setyembre 16, 2012

Heartache...

before i start saying nonsense things, what am I going to post here?
i just have this feeling that i need to post something but i feel like i'm having a hard time thinking about what to tell first.

i've been experiencing this unbearable pain this past few days. Why? Because I finally---yes, FINALLY--- realize that i need to let go of someone who is very insensitive of what other people ---well, that's what he did to me--- are feeling because of his actions and everything.

who is he? and what did he do to make me feel this way? no need to mention his name. i respect him and i don't want other people to judge him based on what i am saying in this nonsense blog post. I just want to share what I'm experiencing right now because if I keep this on my own, I feel like I'll breakdown any minute.

so let's start from the scratch...

I met this guy last August, 2011. He is like my dad---attitude, profession, personality and everything. At first, I don't like him because he hurt my friend who happens to be his bestfriend. I know I don't have the right to be irritated with him but I can't help it. It's my friend who he hurt.

One night he texted me. Tinatanong niya ako kung kasama ko daw ba iyong bestfriend niya. That's the start of our so-called "friendship". Well, on my part, we're friends. I even asked him if it is okay with him to be my friend and he says "okay lang". Madalas na kaming nagkaka-text after that night. Binigyan pa niya ako ng advice about what to do sa ex-boyfriend ko.

Hindi ko naman namamalayan na i'm starting to fall for him. At oo na, assuming na ako dahil umasa ako na iyong mga pinapakita niya sa akin ay may ibig sabihin. He even gave me a teddy bear na hindi naman daw niya ginagawa sa iba, sabi ng bestfriend niya. So, talagang ASSUMING ako! and then, nalaman ko na aalis siya, pupunta siya sa ibang panig ng mundo. Siyempre super affected ako kahit alam ko na ang OA ko naman para maapektuhan sa mga gano'ng bagay, eh bago pa lang kami na magkakilala.

At dumating ang araw na naisip kong mag-confess sa kanya. Wala namang masama kung gawin ko iyon since aalis na siya. Okay naman ang naging pag-uusap namin. May mga sinabi siya na nagbigay ng pag-asa sa'kin na siguro, kahit konti lang, may feelings na din siya for me. Pero dumating iyong time na pakiramdam ko, unti-unti na siyang umiiwas sa'kin. Kung bakit? Hindi ko din alam. Pinapansin pa rin niya ako pero naging less na. I mean, hindi na katulad ng dati.

So, naisip ko siguro may kinalaman iyon sa pagco-confess ko sa kanya. Pero iyong sinabi niyang "maraming puwedeng mangyari sa 5 years. Let's take one step at a time." ay malaki ang naging impact sa'kin. Siguro, deep inside iyon ang pinanghawakan ko na kahit papa'no may pag-asa. Pero as the days, weeks, months goes by unti-unting nawala iyon. Oo, isang tweet lang from him, kumpleto na ang araw ko at kapag hindi niya ako pinapansin sa twitter sumasama ang loob ko. Pathetic, isn't it? Well, that's love.

Nitong mga nakaraang araw, bigla ko na lang naisip na bakit nga ba ako pumapayag na masaktan? Hindi ba dapat kapag nagmamahal ka, mas lamang ang pagiging masaya? Pero hindi, mas lamang ang sakit kaysa sa sayang nararamdaman ko. Halos lahat ng firsts pagdating sa usaping 'love' sa kanya ko naranasan. First love, first time nangyari iyong sumusunod ako sa lahat ng bilin ng isang tao na hindi ko talaga ginagawa dahil matigas talaga ang ulo ko, first time na may nagbigay ng teddy bear sa'kin na galing sa guy, first time na may totoong nag-alala for me na guy to the point na palagi na akong pinapagalitan dahil sa sobrang pasaway ko, first time kong umiyak nang dahil sa isang lalaki, at first time kong masaktan... as in sobrang sakit.

My friends keeps telling me na tama na. Hindi siya worth it. Mag-let go na ako at mag-move on na dahil wala naman siyang pakialam sa nararamdaman ko. Sinubukan ko noong una pero mahirap pala. Doon ko na-realize na nagmamahal na talaga ako. Totoong pagmamahal na ang kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero kasabay ng realization na iyon, naisip ko din na wala nang saysay iyong paghihintay na ginagawa ko. Dahil kahit yata bilang kaibigan, hindi na niya ako tinuturing eh.

So, sinabi ko sa sarili ko na tama na. Awat na. Hindi ko deserve na masaktan ng sobra dahil sa isang taong halata namang walang pakialam sa'kin at sa nararamdaman ko. So, I sent him a direct message in twitter saying "sorry... thank you and goodye." simple words with a deeper meaning. No'ng nag-reply siya, hindi ko na ni-replyan. Why? Simple, gusto ko na mag-start mag-move on. Alam kong mahirap, alam kong masakit pero kailangan kong kayanin. Sabi nga ng isang kaibigan ko, "Sometimes, love is about letting go." at kung gusto mong mahalin ka ng ibang tao, dapat mo munang mahalin ang sarili mo. So, gano'n ang gagawin ko. At iyon ang KAILANGAN kong gawin. Hindi lang siguro talaga siya ang tamang lalaki para sa'kin. Kung kailan ako tuluyang makaka-move on, hindi ko alam. Sana, soon. :)

-ang hirap pala nang nasasaktan, masyadong emo. :))) pero kahit papa'no, gumaan naman pakiramdam ko. sana lang talaga maging maayos na ako at bumalik na ako sa dating ako dahil honestly, nami-miss ko na ang dating Nikka. Grabeng experience 'to, infairness. Dala na din siguro 'to nang hindi kagandahang mood ko nitong mga nakaraang araw dahil sa so-called "moving on" ko.

PS: 'wag na mag-back read. Ang hirap mag-edit ng post eh. Sa mga makakabasa, bahala na kayong umintindi. :P Infairness, first time ko mag-post ng mahabang blog. XD

1 komento:

  1. haaaaaaaayy >.< Speechless ako. Same feelings herE? LOL :P Kaya mo yan te nikka! Kaya natin to' hahaha :D

    TumugonBurahin