Miyerkules, Enero 16, 2013

Recollection ^^

yay! me again. ^^ ama-share lang my happiness. super saya ng recollection namin. ang dami kong natutunan at hopefully tuloy-tuloy na ang pagkauntog sa ilang mga bagay at issues na meron ako sa sarili ko. :)

NEGATIVE VIBES. alisin na iyan. isa iyang characteristic ng TOXIC PEOPLE. hindi mo dapat hinahayaan na kainin ka ng mga negative thoughts mo. dapat palaging think positive. isipin mo na kaya mong gawin lahat. kung kaya ng iba, kaya mo din kaya tiwala lang sa sarili. ^^

DELAY GRATIFICATION. pagpo-postpone mo ng mga pleasures mo. puwede mo namang makuha iyan basta alam mo ang mga priorities mo sa buhay. ^^

LOVE YOUR PARENTS. importante iyan. ang mga magulang hindi napapalitan. kapag nawala iyan, wala na. kaya dapat, mahalin natin ang mga magulang natin. actually guilty ako diyan dahil feeling ko hindi ko napaparamdam sa mama ko na mahal ko siya. nawawala ang mga kaibigan o ang boyfriend/girlfriend pero ang magulang, hindi mawawala iyan. ^^

KATAMARAN. isang major addiction iyan na nakakasira ng buhay. bakit? dahil habang hindi mo ginagawa ang mga bagay na kailangan mong gawin, magsa-suffer ka din ng mga consequences.

LOVE YOURSELF. bago ka pumasok sa isang relasyon o bago ka magmahal ng ibang tao, pag-aralan mo munang mahalin ang sarili mo. paano ka magbibigay ng pagmamahal sa iba kung ang sarili mo nga hindi mo mapahalagahan? hindi mo magawang mahalin, 'di ba? Remember: The greatest love of all is to love yourself. ^^

madami pa akong natutunan eh. ang hirap lang i-explain. basta ang importante, nabuksan iyong isip ko sa mga dapat kong gawin, sa mga dapat kong i-prioritize. sa mga dapat kong matutunan pa. hopefully, unti-unti ko siyang magawa. i want to grow as a person na magiging proud ako, someday. :)

xoxo
-nikka-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento