Suddenly, It's Love. Bagong manuscript na sinusulat ko. Actually, super late na nga ito. Dapat last year ko pa siya naisulat pero dahil dakilang tamad ako at busy sa school, naudlot iyon ng naudlot. Grabe!
Super malapit ang loob ko sa story na 'to kasi medyo based on true story 'to. Malapit sa puso ko sina Ethan at Celine hindi lang dahil hindi nila ako pinahirapang gawin ang story nila, iyong totoong tao sa pagitan ng pangalan nilang dalawa, mahalaga din sa'kin. May gusto din akong patunayan sa story na 'to. May mga bagay nga lang talaga na ayaw kong aminin pero kapag natapos ko sigurong isulat 'tong story na 'to at ma-approve, makakahinga talaga ako ng maluwag. Kaya sisiguruhin kong maganda ang kalalabasan niya. Ie-edit ko talaga ng bonggang-bongga ang story na 'to hanggang sa ma-satisfy ako.
Sana lang matapos ko siya this week. Konting kembot na lang naman. Konting tiis na lang. Sana patuloy na maging mabait sina Ethan at Celine at nang mapalitan ko na din ang wallpaper at screensaver ng cellphone ko. hihihihi.
xoxo
-nikki del rosario-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento