Linggo, Pebrero 24, 2013

issue... again and again ^.^ v

hindi ko alam kung bakit hindi na natapos ang issue about friendship.

you say you're sensitive kaya ka umiiwas? :/ 2nd priority friend? iyon siguro kasi yung pinararamdam mo sa sarili mo. palagi kitang niiyayaya pero sinasabi mo, may lakad kayo ng boyfriend mo, may lakad kayo ng ibang kaibigan mo, pagod ka, inaantok na, uuwi sainyo and whatsoever. iniintindi ko lahat ng reasons na 'yon pero feeling ko umiiwas ka na hindi ko alam kung bakit.

sana lang kasi kinakausap mo ko kung ano talaga ang problema. kung ayaw mo na ko maging kaibigan, fine. kung mas masaya ka sa company ng iba, fine. wala namang problema sa'kin eh. kung saan ka masaya, go lang. sinabi mo na naman dati pa na seasonal ka magpalit ng kaibigan 'di ba? pero pinipilit ko pa din yung sarili ko kasi nga friends tayo. kaya nga nagpapapansin ako madalas sa gms 'di ba?

lagi na lang bang ako ang iintindi sa isang kaibigan? alam kong wala akong tumatagal na kaibigan sa hindi ko alam na dahilan pero sana lang kung ayaw nyo naman pala akong maging kaibigan, sa una pa lang sinasabi nyo na. hindi yung ipaparamdam nyo na importante ako sa inyo at nag-aalala kayo sa'kin tapos sa bandang huli, iwanan din pala ang mangyayari.

k.dot.bye.

-nikka-

Huwebes, Pebrero 21, 2013

insecurity attacks :/

i just want to burst something out.

hindi ko talaga maalis sa isip ko iyong kapag may nasasabing masama yung ibang tao tungkol sa'kin. masakit lang na ganoon sila magsalita eh hindi naman nila ako kilala.

masakit malait ng mga taong hindi mo na nga ka-close, hindi ka pa kilala ng ganoon. bakit nila ako lalaitin 'di ba? hindi ko lang talaga mapigilang hindi masaktan kasi masyado akong madaming emotional baggage sa katawan. masyado akong insecure at masyadong bumababa ang tingin ko sa sarili ko. pinipilit ko na ngang alisin iyon tapos may mga tao pang ganyan na walang magawa sa buhay.

sana matuto naman silang rumespeto. hindi ako kasingganda at kasinggaling nila pero 'wag naman silang ganyan. :(

xoxo
-nikka-

Huwebes, Pebrero 14, 2013

VALENTINES DAY (?)

haller! post-post din kapag may time. :)))

kumusta naman ang araw na 'to? Ano nga ba ngayon? Ah, oo nga pala, it's Valentines Day! Kumusta naman kaya ang araw ng mga masasayang tao? LOL

Ano nga ba naman kasi ang Valentine's Day? Araw lang ba ng mga puso? Diyos ko naman. Actually hindi ko alam kung para saan at kung bakit naging special ang araw na 'to sa mga tao. Where in fact, dapat nga hindi lang kapag February 14 ang special day para sa mga taong nagmamahalan. Dapat araw-araw pinararamdam natin sa mga taong mahal natin at mahalaga sa atin na Valentine's Day, 'di ba? May sense naman, right?

LOL gusto ko lang i-share. Hindi naman sa bitter ako or what. May mai-blog lang talaga. :))))

xoxo
-nikka-

Lunes, Pebrero 4, 2013

isang nakakalokang eksena 0.0

share lang ng isang nakakakilig at nakakalungkot na eksena sa school namin.

may isang lalaking nag-practice para sa panghaharana niya sa girlfriend niya. super effort pa siya. actually, ngayon ko lang siya nakitang naging ganoon sa isang girl. well, kilala ko kasi yung lalaki. wala naman sigurong masama kung sasabihin kong hindi talaga siya matino dati. kaya nga nasa school pa din siya hanggang ngayon. parang ako lang, hindi pa din nakaka-graduate hanggang ngayon. so, back to the story.

nagulat na lang ako dahil may mga nagtitilian na sa dulong booth. *college/foundation week kasi namin* noong tingnan ko, nanghaharana na si boy at umiiyak na si girl.  kung hindi ako nagkakamali, ang nakalagay sa cartolina ni boy, "sorry. i love you. <3" iyan lang ang natatandaan ko eh *blame it on my poor brain*. ang akala ko okay na kasi parang nakangiti naman si girl at mukhang nag-eenjoy talaga si boy sa panghaharana niya. ang dami nang tao sa paligid nila.

eh di ako naman hindi ko na pinansin. kiber na lang dahil ayos na din sila. after what seems like forever, umupo si boy sa monoblock chair sa tapat ng booth namin. kausap ang ibang students. tinanong yata siya kung anong nangyari, kung okay na. umiling lang siya tapos sabi niya "okay lang iyan."

naawa naman ako bigla sa kanya. pero at the same time humanga ako sa effort niya. nakakalungkot lang na nabale-wala yung effort na ginawa niya. pero since hindi ko naman alam ang kuwento nilang mag-jowa, alisin na ang lahat ng nararamdaman sa utak. malay ko ba naman kung may malaking kasalanan talaga si boy kaya hindi agad mapatawad ni girl 'di ba?

abangan na lang ang susunod na kabataan. natuwa lang ako kasi nakakita ako ng ganoong eksena na sa mga pocketbooks ko lang nababasa. ^^ ibig sabihin, may mga ganoon talagang nangyayari sa buhay ng tao. :))

xoxo
-nikka-

payong kaibigan. ^^

ang nakakainggit... yung mga taong may mga kaibigan na palaging nandiyan sa tabi nila. kumbaga sa mag-asawa, for better or for worse ang drama. wala tayong magagawa, dapat tayong maging masaya para sa kanila kasi masuwerte sila eh.

samantalang tayo, isang malaking NGANGA! madami nga tayong kaibigan, palpak naman. nandiyan lang kapag kailangan ka nila. mapa-pera, emotional problem and whatsoever. pero kapag ikaw na ang nangangailangan ng tulong, madami na silang dahilan. makikinig sila kunwari pero halata namang pasok sa kabilang tenga, labas sa kabilang tenga.

aminin natin, madaming ganyang mga kaibigan. kaya mahirap humanap ng totoo at mabuting kaibigan eh. masakit man pakinggan, wala tayong magagawa kundi tumengga. 'wag na lang tayong maghintay at maghanap ng mga ganoong klaseng kaibigan kasi kahit anong gawin natin, hinding-hindi tayo makakahanap ng ganoon. at wala tayong magagawa kundi ang mainggit na lang sa mga masuwerteng tao. ^^

ang mabuting gawin? gawing kaibigan ang sarili mo. me, myself and I ang gawin mong drama.

iyon lang, bow.

xoxo
-nikka-

Linggo, Pebrero 3, 2013

annalyn's debut party ^^

super cool party. :) nag-enjoy kaming lahat kahit na kami-kami lang ang nagkakaintindihan at nagkukulitan. :))) na-enjoy ang trip ng isa't-isa. kahit na puro asaran at barahan walang napipikon. ang saya lang ng ganoon. kahit na walang tulog dahil nagkayayaan pang mag-after party, keri lang. kahit nagkasakit, keri lang. masaya naman eh, sana lang walang magalit dahil pasaway na naman ako.

annalyn's birthday celebration is somewhat memorable for me. bakit? secret ko na iyon. baka may makabasa pa nito na taong hindi dapat makabasa. chos~ pero masaya talaga ako na naging part ako ng friendship ng mga nakasama ko kagabi. ang cool lang nila. kahit na sinasabing may gap between computer science students and education students sa school, parang wala lang. kasi kami-kami din ang magkakasama at masayang nag-bonding kagabi. :)

puwedeng hindi pang-forever ang friendship na meron ako sa mga bago kong kaibigan pero atleast nag-enjoy akong kasama sila. may mga dull moments, pikunan minsan, topak ng bawat isa at kung ano-ano pa pero in the end, masaya pa din kami. :)


one of my favorite shots. ang cute namin ni mii dito. :))




with jean ang janns. :)))

'yan kami eh. XD

once in a lifetime. chos~ picture with ex-crush. :))

sayang wala si risa at si danna. :))) at si ronald para kumpleto kaming college chorva. LOL

forever jump shot! HAHAHAHA lakas ng loob, naka-heels pa. :P