Lunes, Pebrero 4, 2013

isang nakakalokang eksena 0.0

share lang ng isang nakakakilig at nakakalungkot na eksena sa school namin.

may isang lalaking nag-practice para sa panghaharana niya sa girlfriend niya. super effort pa siya. actually, ngayon ko lang siya nakitang naging ganoon sa isang girl. well, kilala ko kasi yung lalaki. wala naman sigurong masama kung sasabihin kong hindi talaga siya matino dati. kaya nga nasa school pa din siya hanggang ngayon. parang ako lang, hindi pa din nakaka-graduate hanggang ngayon. so, back to the story.

nagulat na lang ako dahil may mga nagtitilian na sa dulong booth. *college/foundation week kasi namin* noong tingnan ko, nanghaharana na si boy at umiiyak na si girl.  kung hindi ako nagkakamali, ang nakalagay sa cartolina ni boy, "sorry. i love you. <3" iyan lang ang natatandaan ko eh *blame it on my poor brain*. ang akala ko okay na kasi parang nakangiti naman si girl at mukhang nag-eenjoy talaga si boy sa panghaharana niya. ang dami nang tao sa paligid nila.

eh di ako naman hindi ko na pinansin. kiber na lang dahil ayos na din sila. after what seems like forever, umupo si boy sa monoblock chair sa tapat ng booth namin. kausap ang ibang students. tinanong yata siya kung anong nangyari, kung okay na. umiling lang siya tapos sabi niya "okay lang iyan."

naawa naman ako bigla sa kanya. pero at the same time humanga ako sa effort niya. nakakalungkot lang na nabale-wala yung effort na ginawa niya. pero since hindi ko naman alam ang kuwento nilang mag-jowa, alisin na ang lahat ng nararamdaman sa utak. malay ko ba naman kung may malaking kasalanan talaga si boy kaya hindi agad mapatawad ni girl 'di ba?

abangan na lang ang susunod na kabataan. natuwa lang ako kasi nakakita ako ng ganoong eksena na sa mga pocketbooks ko lang nababasa. ^^ ibig sabihin, may mga ganoon talagang nangyayari sa buhay ng tao. :))

xoxo
-nikka-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento