'eto na naman po ang inyong abang lingkod. *tagalog na tagalog, nosebleed*
nakakairita lang mga nabasa kong post. okay sabihin nang hindi para sa'kin iyon pero siya (?) naman ang nag-uumpisa ngayon. paano kung may isang kaibigan ka, ikaw ang gumagawa ng halos lahat para sa friendship n'yo. hindi ka na nga nagre-reklamo kung hindi ka niya kausapin ng matagal dahil seasonal daw(?) siya magpalit ng kaibigan. hindi ka na lang kumikibo kung hindi ka man lang niya maalalang kumustahin kahit na madalas naman kayong magkaabot sa mga social networking site. pero ikaw pa din ang lalabas at lalabas na masama dahil hindi mo (?) ginagawa ang part mo bilang isang tunay na KAIBIGAN.
hindi ka daw nage-effort na kausapin siya blah blah. nagiging sensitive lang daw siya chuchu kaya hindi ka niya kinakausap. ang kaibigan daw nanjan sa tabi mo through ups and down. pero siya, ginagawa ba niya iyon? tsk dapat kasi nag-iisip muna bago nagpaparinig---kung nagpaparinig nga ba--- sa ibang tao. >.< babanda sa'yo lahat ng ipo-post mo.
hindi sa lahat ng oras, ang isa lang ang gagawa ng paraan para kausapin mo siya o kausapin ka niya. hindi sa lahat ng oras, ang isa lang ang makakaalala ng mga importanteng araw sa buhay ninyong dalawa. kaya nga friendship eh. dapat mag-effort ka din. hindi ka prinsesa 'day. nasanay ka siguro sa ibang kaibigan mo na sila palagi ang gumagawa ng effort para kausapin mo pero ibahin mo ang ibang kaibigan mo. nakakapagod din kunin ang atensiyon mo. >.<
*kung mabasa mo man 'to at tamaan ka, umilag ka na lang o kaya kunwari hindi ka na lang tinamaan. kung gusto mo naman magparinig, keri lang. :) nagsasabi lang naman ako ng mga comments at observations ko. feel free to answer lahat ng mga nabasa mo para clear. :)*
xoxo
-nikka-