hindi ko alam actually kung ano ang ilalagay ko sa post na 'to. gusto ko lang maglabas ng saloobin. LOL tagalog na tagalog. Amen.
ano nga ba ang buhay ko bilang isang manunulat? naging loner ako, well loner naman talaga ako eh. since... okay tama na. bawal ang emo. :) basta, nakita ko na lang ang sarili ko na nagsusulat ng mga tagalog novels na hindi ko naman ginagawa dati. Fan Fictions lang talaga ang sinusulat ko noon, for fandom purposes only. madami namang natutuwa sa mga gawa ko kahit papa'no kaya hindi na ako makatigil. Masyadong malawak ang imagination ko eh kaya nagsulat na lang ako ng nagsulat.
Then isang araw, may isang batang babae ang nag-udyok sa'kin na magsulat ng nobela. Hindi ko nga alam na kaya ko palang magsulat ng ganoon karaming salita eh. I mean, dati hanggang 600 words lang ang nasusulat ko. Before I knew it, umaabot na ng libo-libong salita ang inaabot ng mga sinusulat ko. Hanggang sa natapos ko ang first novel ko. Syempre pa, tuwang-tuwa ako kasi nakatapos ako. Feeling ko ang galing-galing ko na kasi nagawa ko iyong mga nagagawa ng ibang writers na hindi ko naman kilala in person.
Tapos, option to revise ang kinalabasan ng first novel ko. Masyado akong affected kaya hindi na nasundan iyong nobel a na iyon. Pero makukulit ang mga kaibigan ko eh. Kinulit nila ako na sulat lang ng sulat. Think positive. Magbubunga din ang mga paghihirap kong kultahin ang utak ko para mag-isip ng mga scenes at tamang words na aakma sa mga sinusulat ko. And then nagkaroon ako ng approve noong November, 2011. Ang galing 'di ba? Kahit na translation iyon, pinagmamalaki ko iyon. Doon na nagbago ang buhay ko bilang isang simpleng tao bilang isang translator eh. At ngayon eh writer na *hayaan nyo na minsan lang naman mangarap eh*
Ngayon, hindi ko na maalis sa sistema ko ang magsulat. Kahit na gusto ko nang tumigil, ayaw na ng utak at puso ko. Bakit? Kasi napamahal na sa'kin ang pagsusulat. Dito ko kasi nagagantihan ang mga umaapi sa'kin *ang sama ng ugali ko eh, hindi lang halata*, dito ko nalalabas lahat ng nararamdaman ko na hindi ko malabas kapag kaharap ko ang ibang tao. Pakiramdam ko, puwede akong maging si Nikka Bianca Carlos Bernabe kapag nagsusulat ako. At kapag sinabi kong Nikka Bianca, iyong dating Nikka ang tinutukoy ko. Hindi ko na kasi kilala ang Nikka ngayon eh.
Iyong Nikka ngayon kasi, insecure, masyadong nega, walang tiwala sa sarili, inggitera and whatsoever pa. Kailan nga ba nawala ang totoong Nikka? Syempre secret iyon. Hindi ko sasabihin kahit pilitin pa ko. LOL Basta, I feel free kapag nagsusulat ako at pakiramdam ko, ito talaga ang calling ko. Kaya kahit magkaroon pa ako ng madaming-madaming reject na manuscript, magsusulat pa din ako.
Kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko na kaya ko. Bawal magpaawa, nakakasakit ng bangs iyon. Masakit din sa ulo.
So, ano ang point ng blogpost na 'to? At bakit ganoon ang title? Hindi ko din alam. Ang corny no? LOL pagbigyan na, minsan lang naman eh. HAHAHAHA. ja ne~
-nikki del rosario-
Tama. Sulat ng sulat, Ate Pet-pet. (sabi ko na hindi masyadong nagsusulat) hehe
TumugonBurahinHOY! nagsusulat naman ako ha? ikaw, nagsusulat ka ba? LOL
TumugonBurahin