Sabado, Mayo 18, 2013

PHR GRAND FANS DAY!




WHAT A VERY TIRING BUT WONDERFUL AND AWESOME DAY! THANK YOU DEAR LORD FOR THIS WONDERFUL OPPORTUNITY! :)

Sa kabutihang palad at dahil na din sa ilo-launch na collaboration ng mga co-writers/friends ko, naimbitahan akong umattend ng Grand Fans Day ng Precious Hearts Romances. O, 'di ba? Sikat pa publishing company iyon eh, kaya nag-go na ko! Opportunity na eh. :)

Pero habang lumalapit ang araw ng GFD, nagda-doubt ako kung pupunta ba ko as a writer. Bakit? Well, ang kapal naman ng mukha kong magsabi na pupunta ako at ipapakilala pa, eh isa pa lang naman ang napa-publish kong gawa ko 'di ba? XD pero, dahil sa pamimilit ng mababait kong kaibigan at dahil kay Lord, sa huli sumuko din ako. tinanggap ko nang dadating din naman talaga ang araw na gagawin ko din iyon bakit hindi pa ngayon 'di ba? Stage Fright? WTH? Nandiyan naman ang mga kaibigan ko at ang family ko, bakit ako kakabahan?

Pero kanina, pagdating ko pa lang sa SM North, iyong kaba ko umabot na sa dulo ng milky way! Lalo na nang tapos na kaming ayusan at makapag-bihis na kami. Hindi kasi talaga ako sanay magsuot ng dress at mag-make up. Boyish po kasi ako eh, pasensya naman po. Kaya kung nakita n'yo po ako kanina, hindi na po mauulit iyon, minsan lang po mangyari iyon eh. LOL Mabuti na lang nandoon ang mama ko at ang mga High School Best Buds ko kaya medyo nabawasan ang kaba ko. :) No'ng ipakilala kami at i-launch ang Camp Speed, nakakaiyak na nakaka-overwelhm iyong video teaser kasi pinaghirapan naming lima na gawin iyon kahit na puro lang kami kalokohan habang nag-iisip kami ng ilalagay sa video teaser na iyon. Naging successful naman ang launching. Nahiya nga lang ako dahil among the five of us, ako lang ang pinaka-bago. mga idols na iyong mga kasama ko eh. But then again, thankful ako kay papa god dahil nakasama ako sa limang iyon.

Ang hindi ko talaga ine-expect ay iyong dami ng nagpapirma sa'kin after. Parang... wow! Dati, ako ang nagpapapirma sa mga writers. As in every book signing nandoon ako para sumuporta sa kanila pero ngayon, isa na din ako sa nilalapitan para magpapirma. Nakaka-overwelhm talaga. Isa iyon sa mga experience na hinding-hindi ko makakalimutan. Never ko kasing in-expect na darating iyong araw na magiging writer ako dahil hindi naman iyon ang pangarap ko. Pero siguro, para dito talaga ako sa career na 'to kaya pagsusumikapan ko pa! Nakakatuwa din na bumili iyong isa sa mga H.S. Best Bud ko ng book ko at pinapirma sa'kin. Take note, lalaki iyon. LOL iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal ko sila. hindi man kami kumpleto sa iilang mahahalagang araw sa buhay ng isa sa amin, hindi puwedeng walang representative. Kaya thankful ako na dalawa sa mga 'Kuya' ko ang nagpunta doon. :) *thank you jamie and renald* Bumili din ng book ang mama at tito ko kaya lalo akong natuwa.

Madami mang nangyaring halos makapag-paiyak na sa'kin ng literal, nag-think positive pa din ako. Katulad na lang ng pagkawala ng paper bag ko na kinalalagyan ng ibang pocketbooks ko, ng rubber shoes ko at ng t-shirt ko. Ang muntikan nang pagkawala ng cellphone ko dahil na din sa katangahan ko. Mabuti na lang talaga mabait si papa god dahil hindi niya hinayaang tuluyang mawala ang mga gamit ko. Binabantayan pa din niya ako. :)

Mas na-overwelhm ako sa mga gifts and letters na natanggap ko. hindi ko talaga naisip na seseryosohin nila ang kalokohang request ko na iyon. HAHAHAHAHAHA thank you talaga sa mga nagbigay ng mga iyon. Hindi n'yo lang alam kung gaano n'yo ako napapasaya sa mga simpleng bagay na ginagawa ninyo. *mababaw po kasi ang kaligayahan ko eh* Kaya super thank you po ng madaming-madami. :)

I will not promise anything pero magsisikap po ako na makapagsulat pa ng maraming-maraming istorya para maibahagi po sainyo. Iyon na din po ang isa sa mga ways ko para magpasalamat po sa suporta n'yo po sa mga writers na katulad namin *bago man o luma*. :)

good night. :)

xoxo
-nikki del rosario-

2 komento:

  1. Wow, naiiyak ako. Naiiyak ako sa super humble mo `te. You deserve everything na natatanggap mo. Napaka-inspiring na post. T_T. LOL. Grabeh, kahit hindi naman talaga tayo close sa personal at hindi mo pa rin ako nakikilala, Ate. I'm so happy for you! :) Keri and goraa-bells, ATE!

    TumugonBurahin
  2. vian! grabe! nagulat naman ako sa comment mo. kasi naman... na-inspire akong pagbutihan pa dahil nga do'n sa na-experience ko sa grand fans day. nakaka-overwelhm na nakaka-speechless promise.

    TumugonBurahin