Sa dalawang araw na pagi-internalize ko, hindi ko man lang nami-miss ang mga facebook accounts ko na dine-activate ko. hindi ko din alam kung bakit. pero dahil natural na chismosa ako, binabasa ko pa din iyong mga posts na nila-like ng mga fb friends ko sa super private account na naka-activate sa'kin. naba-bother lang ako kasi hindi ko mabuksan 'yong goodreads account ko dahil naka-connect siya sa isang fb account ko na naka-deactivate. -_- pero... hayaan na, next time na lang ako maga-activate ulit ng facebook accounts. actually, i'm thinking of deactivating my twitter account pero... titignan ko pa kung kaya kong wala talagang communication sa ibang tao. kapag kasi kinakausap ako ng ibang kaibigan ko, hindi ko din sila matiis eh. -_-
well anyway, ano nga ba ang purpose ng blogpost na 'to? WALA. gusto ko lang itanong sa sarili ko kung nasaan na siya. nasaan na iyong dating ako? bakit nawawala na siya? minsan, tinatanong ko 'yong sarili ko kung bakit parang may nagbago sa'kin. hindi ko na talaga kilala ang sarili ko. chos~ baka kung saan-saan lang siya nagsuot no? baka nagpapagala-gala lang sa iba't-ibang panig ng mundo. nagta-travel around the world mag-isa. HAHAHAHAHAHA
wala talagang sense ang blogpost na 'to. ang gusto ko lang naman talagang sabihin kasi ay... nami-miss ko na magsulat. wala akong maisulat kahit isang scene. walang gustong pumasok na story sa utak ko. kahit iyong mga revisions ko hindi ko magalaw. feeling ko kapag ni-revise ko sila, lalong papangit. -_- baka hindi na revision ang kalabasan niya, tumataginting na RETURN na! lalong masakit iyon. kahit mga notebooks ko nga hindi ko masulatan ng plot, drafts o kahit na anong dialouges. napaka-epic fail. :( sana bumalik na siya. nami-miss ko na kasi talaga siya. may challenge pa akong dapat harapin eh. hindi puwedeng hindi ko patunayan na may ibubuga din ako sa talent na binigay 'NIYA'. kailangan kong baguhin ang sinasabi nila na 'kulang' o 'wala' sa gawa ko. -_-
PS: wala na kong ginawa kundi magbasa at magbasa at mag-aral at matulog. bow.
Martes, Hunyo 18, 2013
Linggo, Hunyo 16, 2013
Alone...
sorry if I have to deactivate my facebook accounts. Both Nikka and Nikki accounts. Kailangan ko lang mag-internalize... siguro. :(
Sabado, Hunyo 15, 2013
HAPPY FATHER'S DAY!
Happy Father's Day to you, My Guardian Angel. Alam kong alam na alam mo kung gaano kita nami-miss palagi. Parang gusto ko na nga maniwala na daddy's girl talaga ako noong bata pa ako dahil mas mahal pa yata kita kay mama. LOL
Honestly, naiinggit ako sa lahat ng mga tao *lalo na iyong mga ka-edad ko* na nagpo-post ng mga pictures with their dad. Parang... Pa'no kaya kung kasama ka pa namin? Siguradong marami din tayong pictures together. Marami din tayong memories (both happy and bad) together. Pero alam kong malabo nang mangyari iyon dahil you're with papa God now. At alam ko na masaya ka kung nasaan ka man ngayon.
Naniniwala naman ako sa mga Guardian Angels kaya alam kong kahit hindi na namin kasama ang katawan mo, kasama pa din namin ang kaluluwa mo and you will always be in our hearts... in my heart. I don't have a best friend and you know it... pero ngayon masasabi kong may best friend na ako. Hindi nga lang siya nakikita ng iba kasi kaluluwa na lang siya. LOL ikaw iyon. kasi sa'yo ko lang nasasabi ang lahat ng nararamdaman ko na alam kong hindi ka maiinis sa'kin... hindi mo ako lalayuan. alam kong hindi ka din plastic at alam kong tunay kitang kaibigan. Whenever I went to your grave, I always feel safe and comfortable. Lahat ng negative vibes na nararamdaman ko, nawawala kasi alam kong nasa tabi lang kita at naiintindihan mo ako. Na makikinig ka sa lahat ng rants ko at hinding-hindi mo ko pagsasawaan at iiwan.
And everytime I'm talking about you or thinking of you, I'm always crying. Why? Because I miss you so so so much. One zillion times. And most of the time, I wish you were here. Wiping away my tears, telling me everything is going to be alright and you love me. I know, silently your saying that. Hindi ko nga lang naririnig. hahaha
Papa, I know you're happy wherever you are. Just remember that I love you very very very much. And for me, walang tatalo sa'yo sa pinaka-the best na Daddy sa buong universe! Magkikita din tayo soon kaya maghintay ka lang, okay? I love you, Papa. I love you, my Guardian Angel.
"to the perfect example of a perfect hero for me... to the best father in the world for me... to my forever ideal man... and to the man i love till the end..."
PS: sabi ko hindi ako iiyak habang ginagawa ko 'tong blogpost na 'to pero wala pa din. umiyak pa din ako. :(
you're one and only princess,
-nikka bianca-
*niknik*
Mga etiketa:
Happy Father's Day,
i love you,
Missing you,
nikki's whatever,
Papa,
sad
Huwebes, Hunyo 13, 2013
MEET MR. COMPLICATED!
I just want a different blogpost this time. ^^ puro nonsense na lang kasi ang mga blogpost ko. feeling ko, hindi naman 'to nonsense eh. LOL Gusto ko lang mag-create ng blogpost about Mr. Complicated. :)
Sino nga ba si Mr. Complicated? At bakit bigla ko na lang naisipang i-bida siya sa blogpost na 'to? Simple, gusto ko lang mag-share ng something about this special guy who happens to be my baby brother. (Baby brother ang tawag ko sa kanya kahit na ayaw niya because for me, kahit na may mga half siblings na kami, siya pa din ang nag-iisang baby brother ko.) Bigla ko na lang kasing na-realize na wala pa pala akong naku-kuwentuhan ng kahit na ano tungkol sa kapatid ko na 'to. Masyado kasi akong busy eh (?) Joke lang naman.
Anyway, my baby brother is the perfect example of Mr. Complicated. Well, for me kasi gano'n talaga siya. Magulo at hindi mo maintindihan most of the time. My baby brother and I, we're not really close. Hindi kasi kami lumaki nang magkasama. Lumaki ako sa mama ko at lumaki siya sa lolo't lola ko since siya ang nag-iisang lalaki sa side ng papa namin, ayaw siyang pakawalan ng matatanda nang mamatay ang papa namin. So my mom agreed na doon siya tumira. Bihira kaming magkita at hindi kami nagkakaro'n ng bonding moments na magkapatid unless family and relatives gathering or bonding moments. Hanggang sa lumaki kami, hindi kami nagkaro'n ng mga ganoong times together. Kaya kapag nagkikita kami noon, para kaming aso't-pusa palaging nag-aaway. Ang sabi nga ng ibang tao sa'min, kakaiba daw kami kasi kapag hindi namin nakikita ang isa, hinahanap namin pero kapag nagkikita naman daw kami, palagi kaming nag-aaway. LOL Sobrang bihira kung magsama kami sa iisang bubong dahil minsan tumitira ako sa lolo't lola ko dahil kinukuha nila ako since ako naman ang nag-iisang babaeng apo. Pero kahit magkasama kami, hindi pa din kami naging close. Ang akward kasi... well, para sa'ming dalawa.
Pero kahit ganito kaming magkapatid, alam namin pareho na mahal namin ang isa't-isa. Hindi man kami katulad ng ibang magkakapatid diyan, alam namin na importante kami sa buhay ng isa't-isa. Kung hindi kami kilala ng ibang tao, talagang iisipin nila na "magkapatid ba talaga 'tong mga 'to? wala man lang picture na magkasama? hindi man lang lumalabas na magkasama? hindi man lang close sa isa't-isa?" minsan syempre gusto ko din na mas maging close kami kaya lang alam kong hindi komportable ang kapatid ko sa gano'n. dahil nga nasanay kami pareho na hindi kami magkasama. siguro sa part niya, nahihiya na din siyang mag-reach out pero alam ko at nararamdaman ko naman na mahal ako ng baby brother ko. pa'no ko nasabi iyon? kasi madalas, pinagtatakpan namin ang isa't-isa kapag may kalokohang ginawa ang isa like pag-uwi ng masyadong late, paglilinis ng bahay, paggawa ng household chores.
Pa'no siya naging Mr. Complicated? Dahil isa siyang bipolar... katulad ko. LOL masungit ang kapatid ko. mahiyain? parang hindi naman, makapal kasi ang mukha niya. tahimik siya most of the time. like me, gusto niyang palagi siyang isolated sa iba. simula nang tumira na uli kami sa iisang bubong, palagi lang kaming nakakulong sa mga kuwarto namin. Hindi kami lumalabas unless tawagin kami ng lolo't lola namin. LOL so much for being sister and brother, huh? well, ganyan kasi kaming dalawa.
Hindi showy ang kapatid ko. Kapag may gusto siyang iparamdam sa'yo, kailangan mo muna siyang intindihing mabuti bago mo ma-realize na gano'n pala ang gusto niyang iparating sa mga ginagawa niya. pero dahil sanay na ako sa kanya, alam na alam ko kapag nag-aalala siya sa'kin, kapag naglalambing siya sa'kin at kapag may kailangan siya sa'kin. well, nata-touch ako kapag nararamdaman kong nagre-reach out ang baby brother ko sa'kin these past few months na bumalik ako dito sa lolo't lola ko. sa tingin ko naman, mas naging close kami base on my observation. aminado naman kasi ako na bine-baby ko siya palagi at ayokong napapagod siya. well, ganyan ko kasi ipakita sa kanya na mahal ko siya. bata pa kami, ganyan na ko sa kanya. ako kasi ang mas transparent sa feelings ko at gusto ko, nararamdaman niya na mahal ko siya at nandito ako palagi para sa kanya.
Mas mature man siyang mag-isip at kumilos sa'kin, okay lang. Atleast sa pamamagitan niyon, nararamdaman ko na importante din ako para sa kanya at nararamdaman ko ang pag-aalala at pagmamahal niya para sa'kin. Super opposite man kami, deep in our hearts we know that we can live with that as long as we're together. ganoon naman talaga ang magkapatid, nagtutulungan at hindi nag-iiwanan. syempre, may ibang pamilya na nga ang mama namin, maghihiwalay pa ba kami? LOL syempre hindi na. :)))
pero ang wish ko lang talaga, magkaro'n na ng lovelife ang kapatid ko. nakakasakit na kasi ng ulo na hanggang ngayon, single pa din siya. siguro nga hindi pa siya ready pero sana maging ready na din siya. :P pero syempre, dadaan sa butas ng karayom ang kung sinumang babaeng dadaan sa buhay niya. sorry, nagkaro'n siya ng ateng protective eh. LOL
PS: magkakaro'n ng story 'tong kapatid kong 'to. well, nando'n siya sa isang story ko na lalabas under PHR. doon n'yo siya unang makikilala.
Isa pang PS: magulo ang blogpost ko no? LOL nonsense pa din kahit pinipilit kong hindi gawing nonsense? sorry, bipolar eh. -_- :)))
xoxo
-nikki del rosario-
Mga etiketa:
brother,
JJ,
love,
mr. complicated,
nikki del rosario,
nikki's whatever
Biyernes, Hunyo 7, 2013
Pag-ibig na kaya?
what a funny title. :))))) sorry naman po, LSS lang ako sa pinakikinggan ko. nakakaloka o talagang bangag lang ako hanggang ngayon?
ilang araw na kong nababangag. as in. migrane, tantrums, fever and whatsoever. hindi naman ako nagiging productive, nganga lang. pero atleast nage-enjoy naman ako kahit wala akong ginagawa. LOL (talaga?) at syempre, chos lang 'yon.
super enjoy ang buong week para sa'kin. idagdag pa na nabisita at naka-kuwentuhan ko na naman ang papa ko. masarap lang talaga sa feeling kapag nalalabas ko ang lahat ng mga bagay na hindi ko kayang ma-share sa ibang tao kapag nakatambay ako sa papa ko. puwede akong umiyak, tumawa, manahimik at magmura sa harap niya kahit na may mga tao sa paligid at akalain nilang baliw na ko. LOL basta malabas ko ang lahat ng nasa loob ng dibdib ko, okay na sa'kin. papa ko lang naman ang nakakaalam kung ano iyong mga iyon eh. :)))))))) mabuti na lang at hindi niya hinihila ang paa ko at ibaon sa kinalilibingan niya dahil sa dami ng kuwento ko. HAHAHAHAHA
nag-overnight din ako sa laguna with friends. :))))) nakakatawa ang experience na iyon at nakakaloka. sa two days na iyon, wala kaming ginawa kundi mag-daldalan, mag-kuwentuhan, mag-kulitan, mag-tawanan, mag-laitan. :))) walang matino sa mga pinag-usapan namin. hmmmm... meron din naman yata, i think? LOL
well, all i want to say is... mag-uumpisa na lang muna ako ng bagong story bago mag-revise ulit. feeling ko talaga, nauubos ang laman ng utak ko sa pagsusulat. LOL pasukan na, lalong mauubos ang utak ko. kaya kapag nakita n'yo ako sa tabi-tabi na pagala-gala at mukhang loka-loka, makidala na lang ako sa mental hospital. HAHAHAHAHA
ciao~
xoxo
-nikki_delro/nikka bianca-
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)