Huwebes, Hunyo 13, 2013

MEET MR. COMPLICATED!

I just want a different blogpost this time. ^^ puro nonsense na lang kasi ang mga blogpost ko. feeling ko, hindi naman 'to nonsense eh. LOL Gusto ko lang mag-create ng blogpost about Mr. Complicated. :)

Sino nga ba si Mr. Complicated? At bakit bigla ko na lang naisipang i-bida siya sa blogpost na 'to? Simple, gusto ko lang mag-share ng something about this special guy who happens to be my baby brother. (Baby brother ang tawag ko sa kanya kahit na ayaw niya because for me, kahit na may mga half siblings na kami, siya pa din ang nag-iisang baby brother ko.) Bigla ko na lang kasing na-realize na wala pa pala akong naku-kuwentuhan ng kahit na ano tungkol sa kapatid ko na 'to. Masyado kasi akong busy eh (?) Joke lang naman.

Anyway, my baby brother is the perfect example of Mr. Complicated. Well, for me kasi gano'n talaga siya. Magulo at hindi mo maintindihan most of the time. My baby brother and I, we're not really close. Hindi kasi kami lumaki nang magkasama. Lumaki ako sa mama ko at lumaki siya sa lolo't lola ko since siya ang nag-iisang lalaki sa side ng papa namin, ayaw siyang pakawalan ng matatanda nang mamatay ang papa namin. So my mom agreed na doon siya tumira. Bihira kaming magkita at hindi kami nagkakaro'n ng bonding moments na magkapatid unless  family and relatives gathering or bonding moments. Hanggang sa lumaki kami, hindi kami nagkaro'n ng mga ganoong times together. Kaya kapag nagkikita kami noon, para kaming aso't-pusa palaging nag-aaway. Ang sabi nga ng ibang tao sa'min, kakaiba daw kami kasi kapag hindi namin nakikita ang isa, hinahanap namin pero kapag nagkikita naman daw kami, palagi kaming nag-aaway. LOL Sobrang bihira kung magsama kami sa iisang bubong dahil minsan tumitira ako sa lolo't lola ko dahil kinukuha nila ako since ako naman ang nag-iisang babaeng apo. Pero kahit magkasama kami, hindi pa din kami naging close. Ang akward kasi... well, para sa'ming dalawa.

Pero kahit ganito kaming magkapatid, alam namin pareho na mahal namin ang isa't-isa. Hindi man kami katulad ng ibang magkakapatid diyan, alam namin na importante kami sa buhay ng isa't-isa. Kung hindi kami kilala ng ibang tao, talagang iisipin nila na "magkapatid ba talaga 'tong mga 'to? wala man lang picture na magkasama? hindi man lang lumalabas na magkasama? hindi man lang close sa isa't-isa?" minsan syempre gusto ko din na mas maging close kami kaya lang alam kong hindi komportable ang kapatid ko sa gano'n. dahil nga nasanay kami pareho na hindi kami magkasama. siguro sa part niya, nahihiya na din siyang mag-reach out pero alam ko at nararamdaman ko naman na mahal ako ng baby brother ko. pa'no ko nasabi iyon? kasi madalas, pinagtatakpan namin ang isa't-isa kapag may kalokohang ginawa ang isa like pag-uwi ng masyadong late, paglilinis ng bahay, paggawa ng household chores.

Pa'no siya naging Mr. Complicated? Dahil isa siyang bipolar... katulad ko. LOL masungit ang kapatid ko. mahiyain? parang hindi naman, makapal kasi ang mukha niya. tahimik siya most of the time. like me, gusto niyang palagi siyang isolated sa iba. simula nang tumira na uli kami sa iisang bubong, palagi lang kaming nakakulong sa mga kuwarto namin. Hindi kami lumalabas unless tawagin kami ng lolo't lola namin. LOL so much for being sister and brother, huh? well, ganyan kasi kaming dalawa.

Hindi showy ang kapatid ko. Kapag may gusto siyang iparamdam sa'yo, kailangan mo muna siyang intindihing mabuti bago mo ma-realize na gano'n pala ang gusto niyang iparating sa mga ginagawa niya. pero dahil sanay na ako sa kanya, alam na alam ko kapag nag-aalala siya sa'kin, kapag naglalambing siya sa'kin at kapag may kailangan siya sa'kin. well, nata-touch ako kapag nararamdaman kong nagre-reach out ang baby brother ko sa'kin these past few months na bumalik ako dito sa lolo't lola ko. sa tingin ko naman, mas naging close kami base on my observation. aminado naman kasi ako na bine-baby ko siya palagi at ayokong napapagod siya. well, ganyan ko kasi ipakita sa kanya na mahal ko siya. bata pa kami, ganyan na ko sa kanya. ako kasi ang mas transparent sa feelings ko at gusto ko, nararamdaman niya na mahal ko siya at nandito ako palagi para sa kanya.

Mas mature man siyang mag-isip at kumilos sa'kin, okay lang. Atleast sa pamamagitan niyon, nararamdaman ko na importante din ako para sa kanya at nararamdaman ko ang pag-aalala at pagmamahal niya para sa'kin. Super opposite man kami, deep in our hearts we know that we can live with that as long as we're together. ganoon naman talaga ang magkapatid, nagtutulungan at hindi nag-iiwanan. syempre, may ibang pamilya na nga ang mama namin, maghihiwalay pa ba kami? LOL syempre hindi na. :)))

pero ang wish ko lang talaga, magkaro'n na ng lovelife ang kapatid ko. nakakasakit na kasi ng ulo na hanggang ngayon, single pa din siya. siguro nga hindi pa siya ready pero sana maging ready na din siya. :P pero syempre, dadaan sa butas ng karayom ang kung sinumang babaeng dadaan sa buhay niya. sorry, nagkaro'n siya ng ateng protective eh. LOL

PS: magkakaro'n ng story 'tong kapatid kong 'to. well, nando'n siya sa isang story ko na lalabas under PHR. doon n'yo siya unang makikilala.

Isa pang PS: magulo ang blogpost ko no? LOL nonsense pa din kahit pinipilit kong hindi gawing nonsense? sorry, bipolar eh. -_- :)))
-super woman and super man-
-mr. complicated-


xoxo
-nikki del rosario-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento