Being alone is not an easy task. A person needs a lot of courage to do this.
Sabi nga nila, no man is an island pero paano kung iyong taong iyon ay mas pipiliin na i-seclude ang sarili niya mula sa iba? Bakit ba naiisip ng isang tao na umalis sa 'group of people' sa minsan niyang kinabilangan? Simple lang, dahil nararamdaman or either pinararamdam sa kanya ng mga taong iyon na hindi siya belong. Madali lang maramdaman iyan lalo na kung mago-observe ka lang and poof, malalaman mo na kung gusto ka ba nilang i-belong sa 'circle of friends' na iyon o pinag-titiisan ka lang nila. Minsan naman, paranoid ka lang para isipin iyon pero madalas, tama ang instinct or conclusion ng mga taong gano'n.
Bakit ko nga ba sinasabi 'to? At bakit ganito ang blogpost ko? As usual, nonsense eh. Wala na naman akong magawa, bored ako kaya guguluhin ko ang blog ko. LOL At ngayon, ang gusto ko lang talagang sabihin ay gusto kong manahimik. Marami nang nangyari these past few days at sobrang naaapektuhan na ako. Dumadagdag kasi siya sa problemang pinagdadaanan ko ngayon. Nananahimik lang ako pero naaapektuhan ako talaga ng mga lumalabas na reviews sa mga new writers. Idagdag pa ang kung ano-ano ring sinasabi ng ibang senior writers na hindi nakakatulong sa mga new writers. Kaya sa halip na makisali, mananahimik na lang ako. Hahayaan ko na lang silang mag-post ng mag-post. Isang malaking challenge naman talaga ang mga reviews para sa mga writers, iyon nga lang maganda pa din iyong hindi masyadong harsh iyong words na ginagamit. Tao din naman po kami, nasasaktan. Kung hindi po ninyo nagustuhan iyong mga gawa namin, say it in a nice way. Tatanggapin naman po namin iyon. Besides, dapat nga po kaming magpasalamat sa mga bumibili ng mga gawa namin kasi kahit baguhan kami, sinusubukan pa ding bilhin ang mga gawa namin. Iyon lang po ang akin. Siguro nga pinalalaki lang ng iba ang issue ng mga reviews, pero sana 'wag na lang patulan para walang gulo. Tahimik pa ang buhay nating lahat.
Oh 'di ba nonsense nga ang blogpost na 'to? LOL Ang sasabihin ko lang naman talaga ay mawawala muna ko sa internet world... Well, maliban kay google at mga educational sites. May mga bagay lang akong kailangang gawin nang ako lang mag-isa. May mga bagay na dapat solusyunan nang ako lang mag-isa. At kailangan ko lang mag-internalize for my own good. :)
God bless you all. :)
xoxo
-nikki/nikka-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento