Martes, Hulyo 23, 2013

Post Birthday... Speech?! LOL

Sareeh! Wala lang talaga akong magawa. Sabi ko nga magpo-post ako ng blog about sa birthday ko pero since tinamad ako, ngayon ko lang siya nagawa. LOL as if naman may naghihintay 'di ba? XD

Wala akong ine-expect no'ng birthday ko. As in. Same same lang. Magse-celebrate with friends pero since may pasok ako that day, after class ko na sila nakasama. But before i went to school, nagsimba na ako. Eh hindi ako kontento sa pagsisimba kaya nagpunta pa ako kay St.Pio para magdasal pa ulit. With Rhoma and Majhora. Namangha pa ko nang makita ko ang bagong foot bridge na may CCTV. high tech na. XD sosyalin ang eastwood eh. chos~

Sa school, wala din akong ine-expect. Greetings lang from schoolmates, classmates and friends. Parang last year lang. Pero nang sabay-sabay kaming kumakain ng mga classmates ko sa classroom dahil thirty minutes lang ang lunch break namin since may class kami, nagulat ako sa pinalabas nilang video. XD super unexpected dahil katulad nga ng sinabi ko, wala akong kahit na anong ine-expect. pero dahil mababaw ang kaligayahan ko, sobrang natuwa ako. effort din iyon kaya dapat lang na i-appreciate. Hindi ko man alam kung saan nila nahagilap ang iba sa mga pictures do'n, keri lang. XD maganda naman iyong mga kinuha nilang pictures eh. LOL na-touch ako kasi sanay akong ako ang kasabwat sa mga surprise na gano'n. hindi ako sanay na binibigyan ng surprise gift or whatever kaya sa mga friends kong nag-effort para sa video na iyon, thank you very very much.

at ito nga po ang video na ginawa nila for me. :)

After class and after going to St.Pio, nagpunta kami sa SM San Lazaro to meet with our other friends/co writers. :) Syempre sila na naman ang kasama ko kaya malamang enjoy na naman iyon. Walang pakialam kung bumabagyo na at siguradong wala nang masasakyan basta makapag-lakwatsa lang. HAHAHAHAHA oh well, ganyan naman kami palagi eh. walang pakialam sa ibang bagay basta magkakasama kami. Kahit na wala kaming ginawa kundi mag-kuwentuhan, kumain, mag-kuwentuhan, mag-laitan at magtawanan, okay lang. Enjoy naman eh.

So... ang gusto ko lang talagang sabihin, walang special sa birthday ko. Special lang siya kasi blessing siya from god na nadagdagan na naman ako ng 1 taon sa mundo at buhay pa ko. Kasi everyday is a blessing from HIM naman eh. :) Medyo sad lang kasi hindi ko napuntahan ang papa ko to celebrate with him. Iyon kasi ang isa sa mga nakasanayan ko na taon-taon, ang puntahan ang papa ko sa cemetery para kuwentuhan at iyakan ng kung ano-ano kapag birthday ko. :)

Sa lahat po ng mga nakaalala sa special day ko kahit na dahil lang iyon kay Facebook, thank you po. Ang pag-type pa lang ng 'Happy Birthday' ay effort na. Kaya super thank you. :) Iyon ang isa sa mga nakakapagpasaya ng araw ng isang birthday celebrant. :) Thank you din sa mga nagbigay ng letters and gifts. :) Bawal man sa'kin ang ilan sa mga natanggap kong gifts, keri lang, kinain ko naman lahat eh. Sabi nga nila, mas masarap uminom at kumain ng bawal. LOL

So... that's all. God bless everyone. Kung sino man ang mga makakabasa nito. XD :)

xoxo
-nikka/nikki-

PICTURES:

with my coursemates. :))) tambay-tambay sandali.

letters! letters! i love letters!

chocolate! a gift from jecca!!!

from R-L: bianca, carnae, karen, nikka, abby, majh, rhoma, jaja, jecca :)

team camp speed! sayang kulang kami ng isa!

a gift from... carnae and bianca. bawal 'yan eh. XD

classmates and my super love adviser. <3 :)

the controversial soju! LOL buti na lang nagawan ng paraan para hindi ako tablan ng allergy everytime na umiinom ako nito. XD

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento