Martes, Disyembre 31, 2013

New Year's Resolution!


Paninindigan ko ang New Year's Resolution na ito galing sa isang magaling na writer. :))

1. HUWAG MAGPAPAGAMIT
-kung walang magpapagamit, walang manggagamit. tama naman, 'di ba? kaya dapat hindi maging tanga. taon-taon ko na lang sinasabi 'to sa sarili ko pero hanggang ngayon, isa pa din ito sa mga problema ko. ang masangkot sa isang gamitan dahil sa ibang tao. iyong mga taong lalapit lang sa'yo kapag may kailangan sila sa'yo pero kapag wala ka nang silbi, iiwasan at iiwan ka na nila. 'di ba, isang katangahan ang tawag sa ganoon? kaya this 2014, sisiguruhin kong maiiwasan ko na 'to at mas magiging mautak na ko sa pagtitiwala sa mga taong makakasalamuha ko. :)

2. HINDI NA MAGPAPAUTO
-sorry, likas na uto-uto talaga ako. kaunting drama lang ang gawin mo sa harap ko, bibigay na ko at papayag sa gusto ng mga 'taong' nakakasalamuha ko at nagsasabing 'kaibigan' ko daw sila. pero this 2014, mawawala na ang uto-uto side ko. hindi siguro maiiwasan minsan pero pipilitin kong bawasan ang pagiging uto-uto alang-alang sa sarili ko. :)

3. HINDI NA MAGPAPAKATANGA
-hindi rin maiiwasan ang isang 'to dahil sabi ko nga, lahat ng tao may side talaga ng pagiging tanga. nasa nature na yata iyon pero kung mababawasan ang pagpapakatanga lalo na sa mga maling tao, mas better. :) mas mapagtutuunan ko ang sarili ko. :)

4. MAMAHALIN ANG SARILI
-ito ang ultimate goal ko sa 2014! Bukas, umpisa na ng Project: Me, myself and I ko. Meaning, babawas-bawasan ko na ang pag-prioritize sa ibang tao lalo na sa mga 'manggagamit' at 'friendly users'. This 2014, pag-aaralan ko nang mahalin ang sarili ko. Susubukan kong ibalik ang Nikka Bianca na baby princess ng Papa ko. Iyong Nikka Bianca na hindi nega at hindi emo dahil alam ko na ngayong wala naman ibang makakatulong sa'kin kundi ang sarili ko. Sa 2014, walang lovelife, walang complications, walang fake friends na iintindihin. Mas magiging wais na ko sa mga pagkakatiwalaang tao. :)

5. MATUTONG SUMAGOT NG 'NO'!
-Hahaha nakakatawa 'to, 'di ba? Pero oo, kasama 'to sa mga babaguhin ko sa 2014. Kung noong mga nakaraang taon ay oo lang ako ng oo sa mga sinasabi at inuutos sa'kin pati na din sa mga favor na hinihingi ng mga fake friends ko, ngayong taon, matututo na kong tumanggi lalo na kapag hindi ko naman trabaho at hindi na kaya ng katawan ko. 'Napaka-healthy' ko pa naman kaya bibigyan ko naman ang sarili ko ng pagkakataong magpahinga. I owe it to myself! Palagi ko na lang kasing pinagkakaitan ang sarili ko na magpahinga. :))))

6. MAGSULAT NG MADAMI AT MAKABULUHAN
-okay, inimbento ko lang 'to pero kasama 'to sa mga gusto kong ma-achieve! Gusto kong makapagsulat ng mga nobelang makaka-satisfy sa mga magbabasa. Hindi iyong sarili ko lang ang sina-satisfy ko sa tuwing magsusulat ako. I owe to them din naman dahil binibili din nila ang mga gawa ko. Syempre, I want to develop my writing skills. I want to improve as a writer. At alam kong marami pa akong kakaining bigas bago ko ma-achieve ang goal na iyon pero kung ngayon pa lang, susubukan ko na eh di mas madali ko siyang matututunan at makukuha. :)

7. BE STRONG! BE BITCHY!
-isa pang inimbento ko 'to! bakit? nakakapagod kasing maging mabait! madaming nagsasabing madami ang umaabuso sa'kin dahil masyado daw akong mabait. hindi naman siguro kasalanan kung gano'n man ako 'di ba? wala naman akong magagawa eh, ganoon talaga ako pinalaki ng mga magulang at kamag-anak ko. pero ngayon, i want to try something. i want to be somehow, bitchy! magpapaka-bad girl ako ng kaunti. titingnan ko lang kung sino sa mga 'kaibigan' at mga mahal ko sa buhay ang tatanggap pa din sa'kin kahit na masama na kong tao. :))))))) Sa Be Strong naman, taon-taon ko nang new year's resolution 'yan. dahil sa sobrang 'bait' ko, natututo akong magkimkim ng sama ng loob para sa ibang tao. hindi ko maipapangako na hindi ko na magagawa 'yan pero hangga't sa kaya ko, magpapakatatag ako. magiging strong ako, para sa sarili ko. :)

ilan lang 'yan sa mga new year's resolution ko para sa 2014! Hahaha akchali, most of the time ay go with the flow lang ako. kung anong mangyayari, eh di mangyari. sabi nga kasi nila, lahat ng nangyayari sa buhay ay may reason. ibig sabihin, kung anong gusto ni papa god, iyong ang mangyayari. nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa kaya keep the faith always! :)

love lots,
-Nikka Bianca 2.0-
-stronger, girly, braver, bitchy, bad-

Lunes, Disyembre 30, 2013

The People I want to thank the most!

Marami akong taong gustong pasalamatan na naging part ng 2013 ko pero 'etong mga taong 'to ang may pinaka-malaking part ng taong 'to. Hindi man nila alam, napakalaki ng naitulong nila sa'kin emotionally and spiritually. Kaya from the bottom of my broken heart, thank you very much! At sana, makasama ko pa kayo sa 2014 at sa mga susunod pang mga taon. :)


First, I want to thank my friends/co writers na walang sawang nagpapatawa at nagpapangiti sa'kin. Ang tatlo sa kanila ay mas naging ka-close ko simula nang simulan namin ang Camp Speed Series. Thankful ako dahil ilan sila sa mga totoong kaibigang natagpuan ko this year. Girls, thank you sa mga fangirl moments, overnight, bonding moments, brainstorming moments at sa lahat ng moments na kasama ko kayo. I hope magtagal ang friendship na meron tayo. Thank you for always being there for me, through ups and downs. Magkakaiba man tayo, nagkasundo naman tayong lima. Sorry sa mga pagkukulang ko bilang friend. Basta nandito lang ako palagi para sa inyo. I love you, Team CS!

Para sa PHR, thank you sa opportunity na makapagsulat ako ng ganitong mga libro. Hindi ko talaga in-expect na makakapag-sulat ako ng isang buong story at mapa-publish pa. :)) Hindi ako makakapag-promise na makakapagsulat pa ko ng madaming nobela pero hangga't masaya naman ako sa pagsusulat at hangga't kaya ko, gagawin ko. :)

Sa mga readers na nagbasa ng mga gawa ko na naging mga kaibigan ko na din, thank you for taking your time to read my works. :) Nakaka-inspire magsulat ng mas magaganda pang story kapag nakakabasa ng mga magagandang comments galing sa inyo. :) Pipilitin kong gumawa ng magagandang story pa para sa inyo. :)

At sa mga iba pang co-writers ko na naging kaibigan ko na din, thank you. :) Thank you for inspiring me to write cute and beautiful stories! More books for all of us and god bless always!

Kay Lola Mar na palaging nandiyan sa tabi ko, thank you. Isa ka sa mga taong tumanggap sa'kin kahit na rebelde akong apo at nagloko pa sa pag-aaral. Thank you sa mga advices at suportang nakukuha ko mula sa'yo sa lahat ng ginagawa ko sa buhay. Thank you for loving me and for guiding me, always. Thank you for being my friend, enemy, companion, mother, grandmother and a lot more. I love you, Lola! Hindi ko man palaging nasasabi sa'yo 'yan, ipaparamdam ko naman sa'yo araw-araw kung gaano ka kahalaga sa'kin. :)) (More pocketbooks to collect! Hahaha)

To my adviser, Mrs. Corazon Mahilum! Thank you for your guidance! Alam kong hindi madali ang pinagdaanan mo sa paggabay sa'kin. Alam kong marami kang sakit ng ulong dinanas at luhang iniyak sa'kin dahil sa pagiging pabaya kong estudyante noon. At ngayong bumalik na ako sa school, sisiguruhin ko na magiging proud ka na sa'kin. Lahat ng hirap at sakit ng ulo na naranasan mo nang dahil sa'kin, babawiin ko iyon sa paraan na makaka-graduate na ko this time. :) Sisiguraduhin ko iyan, ma'am kaya dapat ingatan mo palagi ang sarili mo pati na din ang health mo. Alam mong mahal na mahal kita at nire-respeto kita! Kaya natin ang lahat ng mga problemang dadaan sa buhay natin. Smile lang ng smile. :)

For ETHAN, goodbye! Hindi madali ang pinagdaanan ko nang dahil sa'yo. Marami akong iniyak dahil sa'yo. Naging lalo akong emo at nega nang dahil sa'yo. I want to hate you for all the things that you did to me but at the same time, I want to thank you for teaching me to be strong. Thank you at natuto ako sa maraming bagay nang dahil sa pagmamahal ko sa'yo. This time, no more you. At final na 'yan. Alam kong palagi kong sinasabi na magmo-move on na ko sa'yo pero this time, it's for real. No more you! I know, i owe it to myself. Sarili ko naman ang pagtutuunan ko ng pansin ngayon. Gusto ko lang talagang mag-thank you sa'yo dahil simula nang makilala kita, madami na akong natutuhan sa buhay at kung paano mag-mature. Marami kang naituro sa'kin at sana ganoon din ang magawa mo sa ibang tao. :) You'll always be special in my heart, first love. :) I hope we can be friends in the near future. :)




And for the new me, Hah! Be ready! The bitch is coming to town! New me, new me and new me! No more him, no more them. Puro ako naman! Sabi ko nga, I owe this to myself. It's time for me to rebuild the old Nikka Bianca and be a better Nikka Bianca in the near future. :)

Good bye, 2013!

It's the last day of the year! Yay! Tomorrow is the start of another year! Siguradong marami na ang naghahanda, samantalang ako mas gustong mag-blog ng mga nangyari sa'kin this year. Mas masaya, mas maagang nagre-reflect para makapag-set na agad ng new year's resolution. Sabi nga nila, read at your own risk dahil mahaba 'to. :))))))))))

Well, first of all I want to thank Papa God because of all the blessings that he gave me this year. Sa sobrang dami, hindi ko na mabilang. Sabi nga ng isang priest na kilala ko, hindi lahat ng binibigay ng Diyos sa buhay natin ay magaganda. Kadalasan, problema dahil sinusubukan niya ang faith natin maging ang katatagan ng loob natin. Dati, hindi ko alam iyon dahil napaka-isip bata ko pero ngayong nag-mature na ko, alam ko na ang ibig sabihin ng "Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan." Dahil lahat ng binibigay sa'tin ng Diyos ay may dahilan. Iyon lang iyon. :))) Kaya kung may mga pinagdaanan man akong problema this year, maso-solusyunan ko din kayo in time. :) Sabi nga nila, there's always a time for everything.

Gusto ko din mag-thank you sa lahat ng taong naging part ng 2013 ko. May mga umalis, may mga nag-stay, may mga totoo, may mga hindi. Kahit na ano pa kayo diyan, nagpapasalamat ako na nakilala ko kayo. Lahat naman ng taong dumadaan sa buhay natin ay may purpose, kailangan lang naman nating alamin kung ano iyon. :) Sa part ko, na-realize ko kung sino ang mga totoong kaibigan ko, kung sino iyong mga taong dapat kong pagkatiwalaan at iyong mga taong worth keeping. Madami na kong pinagdaanan when it comes to friendship, lahat na yata ng problema ng pagka-kaibigan ay naranasan ko na kaya alam ko kahit papa'no kung papa'no siya iha-handle in my own way. Pero may mga tao talaga na sinasabi lang nilang kaibigan ka nila pero kapag dumating iyong mga pagsubok sa pagkakaibigan ninyo, bibitawan pa din nila ang kamay mo at iiwan ka sa isang tabi. Hindi ba't napakasakit no'n para sa isang kaibigang sinusubukang patibayin ang pagkakaibigan ninyo? Well, at least alam ko na kung paano pumili ng mga taong dapat kaibiganin.

Sa mga taong nagawan ko ng mali, alam kong madami-dami kayo. Pati na din sa mga taong hindi ko nagawan ng mali pero sinisisi ako sa kung ano-anong dahilan. Humihingi ako ng sorry. Sana lang, magkaroon tayo pare-pareho ng magandang 2014 at sana maging masaya tayong lahat palagi. :)

Sa totoo lang, madami akong natutunan sa 2013 at feeling ko maa-apply ko siya sa 2014. Maybe I can say na mas pagtutuunan ko ng pansin ang sarili ko sa taong darating. Uumpisahan ko ang Project: Me, Myself and I ko. In short, pag-aaralan kong mahalin ang sarili ko kaya bye-bye muna sa pagpapahalaga masyado sa mga taong alam kong hindi naman ako pinahahalagahan.

Ang sabi nga sa status ng isang classmate ko. "Sa 2014, pahahalagahan ko na lang ang mga taong nagpapahalaga sa'kin." Simpleng sentence pero may malalim na meaning, 'di ba? Gusto ko din gawin iyan. Para in the near future, puwede ko nang masabi na I am a better Nikka Bianca! Gusto kong ibalik iyong dating ako na nawala dahil sa mga nangyari sa buhay ko this past years. :)

Ayokong isipin na hindi ko magagawa ang mga naisip kong new year's resolution. From now on, I want to be positive! Magagawa ko 'yan para sa mga taong nagpapahalaga at nagmamahal sa'kin. Para sa mga taong iniisip ang kapakanan ko. Para sa mga taong mahal na mahal ko at pinagkakautangan ko ng loob at para sa sarili ko. :)

Good bye 2013 and Hello 2014!

xoxo
-nikka version 2.0-

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Queen B!

Queen B! Bakit nga ba ganyan ang title ng blogpost na 'to? Wala lang, naisipan ko lang siyang gamitin once since feeling ko, ganyan talaga ako lately. The B stands for "Bitch"!

First. Honestly speaking, pinipilit kong maging ganyan pero hindi ko talaga kaya. Kahit nas-stress ako dahil sa kanila (hindi na ko magbabanggit ng pangalan dahil ayoko ng gulo at misunderstanding), i-approach lang nila ako lumalambot na agad ako eh. Hindi ko kayang panindigan iyong pagsusungit at paghihigpit ko sa kanila kaya lang ako ang nahihirapan. Alam kong may sarili silang mga isip pero kung pababayaan lang sila, anong kalalabasan ng "family" namin kung maiiwan silang gano'n? Malapit na kaming mawala at sila na lang ang mga iiwan do'n sa "family" na iyon and yet they're acting like kids na hindi marunong humawak ng responsibilities. Ayaw makipag-cooperate sa lahat ng bagay. COME ON PEOPLE! SUMALI PA KAYO SA "FAMILY" KUNG HINDI DIN PALA KAYO MAKIKISAMA, 'DI BA? sana sa ibang pamilya na lang kayo sumama at sumali para wala kaming pino-problema! Akala ko pa naman, magbabago na this year at sasaya na ang pamilyang binalikan ko pero wala pa din. MGA IRESPONSIBLE AND INSENSITIVE BASTARDS pa din ang karamihan sa inyo. Magbago na sana kayo, hindi habang buhay may sasalo sa inyo at may aasahan kayo!

Second. Ako, hindi ako nakikisali sa lahat ng gulo sa "family" na 'yan. As much as possible wala akong pinapanigan lalo na kapag wala naman akong alam. Kapag may narinig ako, nagtatanong ako, hindi basta gumagawa lang ng kuwento. Tapos ngayon, nasasali pa ko sa issue na 'yan na hindi ko alam na nage-exist pala? Hah! Please lang! Kapag talaga ako napagalitan bukas dahil sa simpleng pagtatanong ko, sasagot talaga ako. Dahil alam kong wala akong ginagawang masama. Madami akong naririnig pero hindi ako nagsasalita dahil hindi ko alam ang side ng "kalaban" ng karamihan sa mga nagku-kuwento. Kaya lang, nauubos din naman ang pasensya ko. Hindi porque mabait ako at oo lang ako ng oo sa inyo, aabusuhin n'yo na. Malalaki na kayo, kaya n'yo na dapat ang mga sarili n'yo.

KUNG NOON, NAGHE-HESITATE PA AKO NA IWASAN KAYONG LAHAT, NGAYON HINDI NA. PUNONG-PUNO NA TALAGA AKO. AS MUCH AS POSSIBLE, HINDI KO NA KAYO PAPANSININ. BAHALA NA KAYONG GAWIN ANG MGA IUUTOS SA INYO. GAGAWIN KO LANG KUNG ANONG SASABIHIN SA'KIN PERO OTHER THAN THAT, HINDI NA. KAYANIN N'YONG GAWIN 'YAN NANG MAG-ISA N'YO. KUNG MAPANSIN N'YO MAN NA NAGBABAGO AKO NG PAKIKITUNGO SA INYO, KASALANAN N'YO 'YAN. MGA ABUSADO KASI KAYO!

Camp Speed 8: The one who holds my heart

Title: Camp Speed 8: The one who holds my heart
Author: Nikki Del Rosario
Released Date: November 20, 2013

Kontento na siya habang yakap siya ng lalaking mahal niya at nagmamahal sa kanya. At alam niyang hindi siya mabo-bore kahit kailan basta ito ang kasama niya.


Hindi matawaran ang paghangang nararamdaman ni Akane Mishima kay Zeke Figuerroa, ang star player ng basketball team ng university nila. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang ipakilala siya ng isang kaibigan dito. Kakatwa ang mga pagkakataon na nagkikita sila ng binata. Kung hindi siya tinatamaan nito ng bola ay nababangga naman siya nito dahilan para bumagsak siya. Ngunit hindi naging hadlang ang mga insidenteng iyon para magkalayo sila. Sa halip ay naging daan pa iyon para lalo silang magkalapit sa isa’t isa. Handa na sana si Akane na aminin kay Zeke ang kanyang nararamdaman pero nakita niya itong may kahalikang babae. Dahil sa sakit ng kalooban ay pinili niyang lumayo na lang dito.
Pagkalipas ng pitong taon ay muling nagkita sina Akane at Zeke sa Camp Speed. Ngunit hindi inaasahan ni Akane na ganoon kalamig ang magiging pakikitungo nito sa kanya. May pag-asa pa kayang maibalik ni Akane ang pagmamahal na nararamdaman ni Zeke sa kanya noon kung mukhang may galit itong nararamdaman sa kanya?

-ndr-

Suddenly, It's Love

Title: Suddenly It's Love
Author: Nikki Del Rosario
Released Date: December 11, 2013

“Ngayong nalaman kong mahal mo pa rin ako, hindi ako papayag na mawala ka pa sa `kin.”

Nang minsang nahulog si Celine sa karisma ng isang Ethan Agoncillo ay sakit at pagkabigo lang ang natamo ng batang puso niya. Nagkamali siya noon ng hinala nang isipin niyang may katugon ang nararamdaman niya para dito. Bukod sa walang katugon ang pagmamahal niya rito ay kailangan pa nitong umalis ng bansa para magtrabaho. Magmula nang araw na iyon ay kinalimutan na rin niya ang pagmamahal niya para dito at nagpatuloy siya sa buhay niya nang wala ito.
Pagkalipas ng limang taon ay muling nakita ni Celine si Ethan. Wala pa ring nagbago rito. Ito pa rin ang dating Ethan na minahal niya noon. Ngunit mukhang kakainin niya ang mga sinabi niya noon na hindi na siya mahuhulog sa karisma nito. Naging malapit kasi uli ito sa kanya. Muling nanumbalik ang pagmamahal niya rito nang magpanggap silang magkasintahan sa harap ng pamilya at mga kamag-anak nila. Ang tanong na lang na kailangang sagutin ni Celine sa kanyang isip ay ito: hahayaan ba niyang umasa uli ang puso niyang may katugon ang nararamdaman niya o susulitin na lang niya ang pagpapanggap nila na magnobyo sila at mahalin ito nang lihim?

PS: makabili po sana kayo ng copy ng story nina Ethan at Celine. Thank you in advance. :)

-ndr-