Martes, Disyembre 31, 2013

New Year's Resolution!


Paninindigan ko ang New Year's Resolution na ito galing sa isang magaling na writer. :))

1. HUWAG MAGPAPAGAMIT
-kung walang magpapagamit, walang manggagamit. tama naman, 'di ba? kaya dapat hindi maging tanga. taon-taon ko na lang sinasabi 'to sa sarili ko pero hanggang ngayon, isa pa din ito sa mga problema ko. ang masangkot sa isang gamitan dahil sa ibang tao. iyong mga taong lalapit lang sa'yo kapag may kailangan sila sa'yo pero kapag wala ka nang silbi, iiwasan at iiwan ka na nila. 'di ba, isang katangahan ang tawag sa ganoon? kaya this 2014, sisiguruhin kong maiiwasan ko na 'to at mas magiging mautak na ko sa pagtitiwala sa mga taong makakasalamuha ko. :)

2. HINDI NA MAGPAPAUTO
-sorry, likas na uto-uto talaga ako. kaunting drama lang ang gawin mo sa harap ko, bibigay na ko at papayag sa gusto ng mga 'taong' nakakasalamuha ko at nagsasabing 'kaibigan' ko daw sila. pero this 2014, mawawala na ang uto-uto side ko. hindi siguro maiiwasan minsan pero pipilitin kong bawasan ang pagiging uto-uto alang-alang sa sarili ko. :)

3. HINDI NA MAGPAPAKATANGA
-hindi rin maiiwasan ang isang 'to dahil sabi ko nga, lahat ng tao may side talaga ng pagiging tanga. nasa nature na yata iyon pero kung mababawasan ang pagpapakatanga lalo na sa mga maling tao, mas better. :) mas mapagtutuunan ko ang sarili ko. :)

4. MAMAHALIN ANG SARILI
-ito ang ultimate goal ko sa 2014! Bukas, umpisa na ng Project: Me, myself and I ko. Meaning, babawas-bawasan ko na ang pag-prioritize sa ibang tao lalo na sa mga 'manggagamit' at 'friendly users'. This 2014, pag-aaralan ko nang mahalin ang sarili ko. Susubukan kong ibalik ang Nikka Bianca na baby princess ng Papa ko. Iyong Nikka Bianca na hindi nega at hindi emo dahil alam ko na ngayong wala naman ibang makakatulong sa'kin kundi ang sarili ko. Sa 2014, walang lovelife, walang complications, walang fake friends na iintindihin. Mas magiging wais na ko sa mga pagkakatiwalaang tao. :)

5. MATUTONG SUMAGOT NG 'NO'!
-Hahaha nakakatawa 'to, 'di ba? Pero oo, kasama 'to sa mga babaguhin ko sa 2014. Kung noong mga nakaraang taon ay oo lang ako ng oo sa mga sinasabi at inuutos sa'kin pati na din sa mga favor na hinihingi ng mga fake friends ko, ngayong taon, matututo na kong tumanggi lalo na kapag hindi ko naman trabaho at hindi na kaya ng katawan ko. 'Napaka-healthy' ko pa naman kaya bibigyan ko naman ang sarili ko ng pagkakataong magpahinga. I owe it to myself! Palagi ko na lang kasing pinagkakaitan ang sarili ko na magpahinga. :))))

6. MAGSULAT NG MADAMI AT MAKABULUHAN
-okay, inimbento ko lang 'to pero kasama 'to sa mga gusto kong ma-achieve! Gusto kong makapagsulat ng mga nobelang makaka-satisfy sa mga magbabasa. Hindi iyong sarili ko lang ang sina-satisfy ko sa tuwing magsusulat ako. I owe to them din naman dahil binibili din nila ang mga gawa ko. Syempre, I want to develop my writing skills. I want to improve as a writer. At alam kong marami pa akong kakaining bigas bago ko ma-achieve ang goal na iyon pero kung ngayon pa lang, susubukan ko na eh di mas madali ko siyang matututunan at makukuha. :)

7. BE STRONG! BE BITCHY!
-isa pang inimbento ko 'to! bakit? nakakapagod kasing maging mabait! madaming nagsasabing madami ang umaabuso sa'kin dahil masyado daw akong mabait. hindi naman siguro kasalanan kung gano'n man ako 'di ba? wala naman akong magagawa eh, ganoon talaga ako pinalaki ng mga magulang at kamag-anak ko. pero ngayon, i want to try something. i want to be somehow, bitchy! magpapaka-bad girl ako ng kaunti. titingnan ko lang kung sino sa mga 'kaibigan' at mga mahal ko sa buhay ang tatanggap pa din sa'kin kahit na masama na kong tao. :))))))) Sa Be Strong naman, taon-taon ko nang new year's resolution 'yan. dahil sa sobrang 'bait' ko, natututo akong magkimkim ng sama ng loob para sa ibang tao. hindi ko maipapangako na hindi ko na magagawa 'yan pero hangga't sa kaya ko, magpapakatatag ako. magiging strong ako, para sa sarili ko. :)

ilan lang 'yan sa mga new year's resolution ko para sa 2014! Hahaha akchali, most of the time ay go with the flow lang ako. kung anong mangyayari, eh di mangyari. sabi nga kasi nila, lahat ng nangyayari sa buhay ay may reason. ibig sabihin, kung anong gusto ni papa god, iyong ang mangyayari. nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa kaya keep the faith always! :)

love lots,
-Nikka Bianca 2.0-
-stronger, girly, braver, bitchy, bad-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento