Huwebes, Abril 19, 2012

...bored...

super nonsense blog entry again from yours truly. ;)

i'm just wondering, why am i so affected when it comes to "FRIENDS" issues??? hahaha. so lame. i mean, pati ba naman ang gano'ng bagay ay pinoproblema ko pa? pathetic, right? gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko.

gusto ko lang malaman kung may mali ba talaga sa'kin kaya wala akong tunay na kaibigan o talagang tanga lang ako dahil madali akong magtiwala sa mga taong akala ko kaibigan ko 'yon pala ay hindi.

puwede naman sigurong sabihin na lang nila na "may kailangan lang ako sa'yo kaya ako lumalapit sa'yo pero ayokong makipag-kaibigan sa'yo" or "hindi dahil mabait ako sa'yo o madami kang binibigay na kung ano-ano sa'kin, magkaibigan na tayo. hindi ko gustong makipag-kaibigan sa isang katulad mo". masasakit na salita pero mas mabuti na 'yong ganyan kesa pinaaasa n'yo ang ibang tao sa mga ipinapakita n'yo sa kanila na karamihan ay pretensions lang pala.

minsan, mas maganda pa ang mag-isa na lang kaysa makisalamuha sa mga tao kung hindi mo naman alam kung sino sa kanila ang mapagkakatiwalaan. mas maganda pang matawag na loner kaysa makisama sa mga taong ayaw naman sa'yo.

'one is enough, two is too much.' kung hindi ka pa ba naman matuto sa mga past experience mo sa mga mapagpanggap na friends, aba tanga ka nga. masokista pa. dahil kahit alam mong tine-take for granted ka lang nila, pilit mo pa ring isinisiksik ang sarili mo sa kanila. 'no man is an island' pero kung mga taong whatever lang naman ang mga makikilala mo, mas magandang maging island ka na lang.

that's all. bow.

-nDr-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento