“For the first time, I cared for somebody's happiness more than myself.”
Parehong galit sa isa’t isa sina Francesca at Marcos. Sa lalaki isinisisi ni Francesca ang lahat ng masasamang nangyari sa kanya. Pagkatapos siyang paibigin nito at makuha ang gusto nito ay basta na lang itong umalis at nawala na parang bula.
Pagkalipas ng maraming taon, sinubukan niyang nakawin ang isang mahalagang bagay rito upang iligtas ang buhay ng taong kumupkop at nagmalasakit sa kanya. Ngunit binalikan siya ni Marcos at gusto nitong pagbayarin siya sa ginawa niya. Gusto nito na muli silang magpakasal. Kapalit niyon ay sasagutin nito ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot sa taong kumupkop sa kanya.
Ayos na sana ang lahat. Ngunit sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya ito, unti-unti na namang nahuhulog ang loob niya rito.
Paano kung malaman nito ang isang lihim na kahit kailan ay hindi na masosolusyunan pa? Tatanggapin pa rin ba siya nito? Isa pa, ni hindi niya alam kung kaya nitong suklian ang pag-ibig niya rito…
---super saya ko nang lumabas 'tong first book na 'to. :) it's like, 'wow, this is it!' do'n nag-umpisa ang motto na 'think positive. :)) walang bagay sa mundo ang nakukuha nang hindi pinaghihirapan. so, kailangan lang pagsikapan at siguradong makukuha mo rin ang nararapat para sa'yo. may plano si papa god para sa lahat. all you have to do is wait for your chance. :)
-nDr-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento