PALINGA-LINGA sa paligid si Simon habang kinakausap
sila ng kanilang coach.
Ang sabi
ni Nica nang nagdaang gabi habang magkausap sila sa cellphone ay maaga raw ang
flight nito pabalik ng Pilipinas nang araw na iyon upang makapanood ng game
nila. Ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang laban ngunit wala pa rin ito.
Hindi
niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng matinding kaba sa isiping wala pa ang
kanyang nobya doon. Kanina pa rin niya tinatawagan ang cellphone nito pero ring
lang iyon ng ring. Nasa’n na ito? Hindi ba ito natuloy na makauwi dahil sa ama
nito? May nangyari bang masama dito? Bakit hindi man lang ito magpadala ng
mensahe o tumawag sa kanya kung mahuhuli ito ng dating. Hindi siya
makapag-concentrate dahil sa pag-iisip dito.
Bahagya
pa siyang nagulat nang may tumapik sa balikat niya. Si Rob ‘yon. “Okay ka lang
ba?” tanong nito.
Tumango
lang siya.
Mukhang
hindi naman ito naniwala sa kanya dahil tinawag nito si Aly. Agad naman iyong
lumapit sa kanila. Binulungan ito ni Rob pagkatapos ay iniwan na siya nito sa
kanilang team captain. “Problema mo, Simon?” tanong nito sa kanya sa seryosong
tinig.
Nag-alinlangan siya kung sasabihin niya rito ang nararamdaman niya
ngunit wala namang mangyayari kung sosolohin niya iyon kaya napagpasyahan
niyang magsabi na ng totoo dito. “Si Nica kasi hindi pa dumadating eh. Ang sabi
niya tatawag siya kapag nandito na siya sa Manila pero hanggang ngayon wala pa
rin siya. Kinakabahan na ako.”
Umiling-iling ito. “Tinawagan mo na ba sina Renzo? Baka alam nila kung
nasa’n na si Nica.” suhestiyon nito.
Dali-dali
niyang kinuha sa bulsa ng shorts niya ang kanyang cellphone at nag-dial. Ngunit
nakakailang tawag na siya ay hindi naman sinasagot ni Renzo ang cellphone nito.
Bagsak ang mga balikat na binalikan niya si Aly at umiling.
Tinapik siya nito sa balikat. “’Wag kang
masyadong mag-alala. Baka na-traffic lang ang mga iyon. Or na-delay lang ang
flight ni Nica pabalik. Relax lang buddy.”
Huminga
siya ng malalim at umupo sa isang bench doon. Paano siya makakapag concentrate
sa laban nila kung ang isip niya ay lumilipad sa girlfriend niyang hindi pa
nagpaparamdam. He needed to see her before the game. Pinayapa niya ang kanyang
sarili. Inisip na lang niya ang mga dahilang sinabi sa kanya ni Aly. Posible
namang na-delay lang ang flight nito o na-traffic lang ito sa daan.
Ngunit
nagsimula na ang laban ay wala pa rin ni anino nito sa paligid. Iniwan niya ang
kanyang cellphone kay Patrick at binilinan ito na i-check ang cellphone niya
maya’t-maya kung may tawag o text ang dalaga at senyasan siya para alam niya
kung dumating na ito. Natapos ang first half ng game at mayroon na silang isang
puntos. Wala man lang siyang nagagawa habang nasa field dahil maya’t maya ang
sulyap niya kay Patrick. Hindi niya maibigay ang buong atensiyon niya sa
ginagawa.
Nagpapahinga siya sa bleacher nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot
agad niya iyon. Si Renzo ang tumatawag. “Hello?”
“Pare
pasensya ka na hindi ko masagot ang tawag mo, nagmamaneho kasi ako. Nandito na
kami sa labas ng stadium kasama si Nica. Ang traffic kasi eh ‘tsaka delayed pa
‘yong flight namin kaya---“ hindi na nito natapos ang pagpapaliwanag dahil
dali-dali siyang tumakbo at pinuntahan ang mga ito. Agad naman niyang nakita
ang mga ito na naglalakad papasok.
Sinalubong
niya ng mahigpit na yakap ang nobya. “What took you so long? Why aren’t you
answering my calls? You don’t know how worried I am just because you are not
here yet.” tuloy-tuloy siya sa pagsasalita at hindi na inalintana na
basang-basa siya ng pawis.
Pilit na kinalas nito ang mga braso niyang
nakapulupot dito. “Basa ka ng pawis Simon eh.” reklamo nito.
“I’m
sorry. I can’t help it. Kanina pa kita hinihintay eh.”
“I’m
sorry. I’m so sorry for being late.” hinging paumanhin nito. “Kumusta ang laban?”
“One
point na ang team namin. Zero naman ang sa kalabang team.” pag-iimporma niya
rito. Hinawakan niya ito sa isang kamay at iginiya papunta sa gilid ng field.
Nang makalapit sila ay binatukan siya ng malakas ni Aly.
“Ouch.”
“You
deserve that, you idiot.” naiinis na sabi nito. “Bigla ka na lang umaalis nang
hindi nagpapaalam.”
“Sorry
Kuya Aly. Kasalanan ko po eh.” nakangiwing singit ni Nica sa nakaambang
panenermon ni Aly sa kanya.
Hindi na
umimik si Aly pagkatapos nitong tingnan ang kanyang nobya. Tahimik na tumalikod
na ito at bumalik sa tabi ng iba pa nilang teammates. Pinaupo niya si Nica at
ang mga kaibigan nito sa bakanteng bleacher. “Dito lang kayo ha. Gusto ko
nakikita kita habang naglalaro ako.”
Narinig
niya ang impit na tili ni Cola. “Ang sweet talaga ni Simon.” sabi nito.
“Opo.
Hindi po ako aalis dito.” sabi naman ni Nica at nginitian pa siya ng matamis.
Bago siya
umalis ay ginawaran niya ito ng isang halik sa labi. “Good luck charm. I missed
you baby. I’ll win this game for you.” nakangising habol niya.
Nakita pa
niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito bago siya tuluyang nakalayo sa mga
ito.
NANG bumalik si Simon sa mga kagrupo nito ay hindi
na siya tinantanan ng tukso ng mga kaibigan niya.
“I missed
you baby.” panggagaya ni Renzo sa sinabi ni Simon. Humagikgik naman si Cola sa
iginawi ni Renzo
Inirapan
lang niya ang mga ito. Ang totoo ay tinanghali siya ng gising nang umagang
iyon. Kung hindi pa pumasok ang kanyang ama sa loob ng kanyang silid ay hindi
pa siya magigising. Nang lumapag naman ang eroplanong sinasakyan niya sa NAIA
ay nahirapan siyang hanapin ang kinaroroonan nina Renzo idagdag pa ang traffic
kaya na-late sila sa pagpunta sa Rizal Memorial Stadium.
Natahimik
lang ang mga kaibigan niya nang ianunsiyo ang pagsisimula ng second half ng
laban. Natutok na ang pansin ng lahat sa nagaganap sa gitna ng field. Hindi
niya mapigilan ang mapasigaw kapag nasa team ng red phoenix ang bola. Noon niya
napagtanto na nakakatensiyon pala ang manood ng football game kapag totoong
laban na iyon.
Napapangiwi siya sa tuwing bumabagsak si Simon. Alam niyang hindi birong
sakit ang nararamdaman nito at iniinda lang nito iyon. Literal na napatayo at
napatalon siya sa tuwa nang maka-goal ang kanyang nobyo.
Tiningnan
niya ang oras. Ilang minuto na lang at matatapos na ang laro. Mukhang kampante
na ang ibang players ng Red Phoenix at pinaglalaruan na lamang ng mga ito ang
mga kalaban. At nang sa wakas ay tumunog ang whistle hudyat na tapos na ang
game. Nagkaingay sa paligid at naghiyawan ang mga tao. Panalo ang team nina
Simon. Nakita niyang tumatakbo ang mga ito palapit sa mga nagkakagulong mga
teammates ng mga ito.
Nagulat
siya nang lagpasan ni Simon ang mga teammates nito at tuloy-tuloy itong tumakbo
palapit sa kanya. Binuhat siya nito at iniikot-ikot sa ere. “We won! We won!”
sigaw nito.
“Hey!
Ibaba mo ko Simon.” natatawang saway niya rito. Pati ang mga kaibigan niya ay
natatawa na rin dahil sa ginagawa ni Simon. Nang maibaba siya ng binata ay
walang kakurap-kurap na hinubad nito sa harap nila ang jersey shirt nito.
Nakita niyang dagling tinakpan ni Renzo ang mga mata ni Cola habang siya ay
napatunganga na lang dito.
Hindi
halata na may itinatagong abs si Simon kahit na ano ang suot nito. Ngayon lang
siya nakakita ng hubad na katawan ng isang lalaki kaya naman hindi niya
maikurap ang kanyang mga mata. Kung hindi pa pumitik si Simon sa tapat ng mga
mata niya ay hindi pa niya iaalis ang tingin sa abs nito.
“B-Bakit ka ba naghuhubad sa harap ko?
Magsuot ka nga ng T-shirt.” saway niya rito. Bukod sa hindi niya mapigilang
sulyapan ang magandang tanawing nakikita niya ay alam din niyang maraming babae
ang ngayon ay nakatingin na rin sa binata. At tama nga ang hinala niya nang
ilibot niya ang tingin sa paligid.
Hinampas
niya ito sa dibdib nang ngisihan lang siya nito. “Sinabing magsuot ka ng
T-shirt eh. Ang daming nakakakita diyan sa katawan mo.”
Sa
pagkaasar niya ay namaywang pa ito at lalong iniliyad ang matipunong dibdib
nito. “Bakit ba? Ang init kaya.”
“Kapag
hindi ka nagsuot ng damit lalayasan kita dito.” banta niya. Nang lingunin niya
ang kanyang mga kaibigan ay wala na ang mga ito. “Saan naman nagpunta ang mga
iyon?” bulong niyang mas sa sarili itinatanong.
“Nilayo
ni Renzo si Cola.” anang boses ni Simon. She glared at him. Nagpeace sign naman
ito sa kanya bago hinawakan ang kamay niya at hinila siya palapit sa mga
teammates nito.
Isa-isa
niyang binati ang mga ito. Tinanong siya ni Anton kung puwedeng sa bar na lang
ni Choi ganapin ang after party ng mga ito at kung puwede silang tumugtog para
sa mga ito. Tinawagan muna niya si Choi at ipinaalam dito ang request ng buong
team. Agad namang pumayag ang kaibigan niya kaya napagpasyahan na doon na sila
dumeretso pagkatapos magpalit ng mga ito.
“Kina
Renzo na ako sasabay ha?” imporma niya kay Simon.
Sumimangot ito. “Kanina mo pa sila kasama eh. Sa akin ka na lang
sumabay.”
“Nasa
kotse ni Renzo ‘yong mga gamit ko.”
“Kunin na
lang natin mamaya tutal doon din naman ang punta nila eh.”
“Ang
kulit mo talaga.” Iiling-iling na sabi niya ngunit pumayag na rin siya para
matapos na ang usapan. Nagpaalam itong mag-a-ayos muna at babalikan na lang raw
siya nito. Pinuntahan naman niya sina Renzo upang doon na lang hintayin ang
binata.
ISINARA ni Choi ang
bar nito nang gabing iyon at ginawang eksklusibo para sa selebrasyon ng
pagkapanalo ng Red Phoenix sa laban ng mga ito.
Masayang kantahan at sayawan ang ginawa
nila. Umuulan rin ng mga pagkain nang gabing iyon. Pagkatapos tumugtog ng
Domino ay nagpasya si Nica na maupo na lang sa isang sulok dahil nag-uumpisa na
sumakit ang ulo niya. Mukhang napadami yata ang nainom niyang vodka at sinabayan
pa ng pagod kaya sumama ang pakiramdam niya.
Nang lapitan siya ni Choi ay humingi siya
ng gamot para sa sakit sa ulo.
“Gusto mong magpahinga muna sa opisina
ko?” prisinta nito.
Hindi na siya nagdalawang isip at sumama
na siya rito. Nang makapasok sa pribadong opisina ni Choi ay agad na ibinagsak
niya ang kanyang sarili sa sofa. Humiga siya roon at ipinikit ang kanyang mga
mata. “Kapag hinanap ako ni Simon pakisabi na lang na nandito lang ako, Kuya.”
“Sige. Hintayin mo iyong gamot mo at
nagpakuha na ‘ko kay Garen. Ikaw kasi inom ka ng inom eh. Ayan tuloy ang
napapala mo.” panenermon nito.
Ikinumpas niya ang kanyang kamay para
patigilin ito sa pagsasalita. “Awat muna sa sermon, Kuya Choi. I just want to
rest. Mamaya mo na ako sermunan kapag okay na ko.”
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito
pagkatapos ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sa wakas ay
matatahimik na ang mundo niya kahit sandali lang. Ngunit hindi pa nagtatagal ay
muling bumukas ang pinto. “Nica what happened? Are you okay? Anong masakit
sa’yo?” anang nagpa-panic na boses ni Simon.
“Si, ‘wag kang maingay. Matutulog ako.”
saway niya rito.
Naramdaman na lang niya ang kamay nito na
hinahaplos ang kanyang pisngi. “I’m sorry. Nag-alala lang ako nang sabihin ni
Choi na masama raw ang pakiramdam mo.” may narinig siyang napunit bago muling
narinig ang tinig nito. “Uminom ka muna ng gamot bago ka matulog.” anito.
Bahagya lang niyang iminulat ang kanyang
mga mata at bumangon. Inalalayan naman siya nito bago inilapit sa bibig niya
ang maliit na gamot. Sinubo niya iyon at pinainom siya nito ng tubig bago siya
muling inihiga. “Just sleep as long as you want, baby. I’m just here beside
you.” bulong nito sa tapat ng tainga niya. Naramdaman niya ang labi nito sa
kanyang noo. Napangiti siya.
Bago siya tuluyang nilamon ng antok ay
naramdaman pa niya ang paghawak nito sa mga kamay niya.
NANG magising si Nica
ay wala na si Simon sa tabi niya. Luminga-linga siya ngunit wala siyang
nakitang tao sa loob ng opisina ni Choi maliban sa kanya.
Lumabas siya at dumeretso sa loob ng bar.
Nakita niya si Simon na kausap sina Garen at Choi. Lumapit siya sa mga ito.
Agad siyang nginitian ni Simon nang makita siya nito. “Gising ka na pala.
Kumusta ang pakiramdam mo?” inalalayan siya nitong makaupo sa bakanteng stool
sa tabi nito.
“Maayos na.” Tumingin siya sa paligid.
“Nasa’n na sila?”
“Umuwi na. Tayo na lang ang nandito.” ani
Garen.
Tiningnan niya ang kanyang relo at
napangiwi siya nang makita ang oras. Tiningnan niya ang mga kasama niya at sa
pamamagitan no’n ay humingi siya ng tawad sa mga ito. Tinawanan lang siya ng
mga ito. “Okay lang iyon. Atleast nakapagpahinga ka.” sabi ni Choi.
Inabutan siya ng isang basong tubig ni
Garen. “Inom ka muna ng tubig.”
Mayamaya ay tumayo na si Simon at
hinawakan siya sa mga kamay. “Uwi na tayo.” yaya nito.
Tumango lang siya bago nagpaalam kina Choi
at Garen. Ang akala niya ay uuwi na sila kaya nagtaka siya nang iba ang daan
ang tinatahak ng sasakyan ni Simon. Nang tanungin naman niya ang binata ay
ngiti lang ang isinagot nito.
Nang ihinto nito ang sasakyan ay inilibot
niya ang tingin sa paligid. Nasa Umak sila. Ano naman kaya ang gagawin nila
doon sa ganoong oras? At bakit wala man lang siyang nakitang guwardiya sa gate?
Ang alam niya ay bawal pumasok doon kapag ganoong oras.
Binuksan ni Simon ang pintuan sa gawi niya
at inalalayan siyang bumaba. Nakarating sila sa gitna ng field. Nakabukas ang
mga ilaw doon. Kunot-noong tiningnan niya si Simon. “Anong ginagawa natin
dito?”
Bilang sagot ay inilahad nito ang isang
kamay sa kanya. “May I have this dance?”
“Pero wala namang tugtog eh.” naguguluhan
na siya sa nangyayari. Ano na naman kaya ang naisip na kabaliwan ng lalaking
ito?
Nasagot ang tanong niya nang may
pumailanlang na tugtog. Dinig sa buong field ang malamyos na musika. “May music
na. Puwede na ba kitang maisayaw?” tanong uli nito.
Tiningnan niya ang nakalahad na kamay nito
bago inabot iyon. Ipinulupot nito ang isang kamay nito sa baywang niya
samantalang ang libreng kamay niya ay ipinatong niya sa balikat nito. Kasabay
ng magandang tugtugin, pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap.
She realized that she missed Simon very
much. Ang mga yakap, halik at pag-aalaga nito sa kanya. She terribly missed
him. Ito ang naging lakas niya noong panahong nahihirapan siyang pamahalaan ang
kompanya ng kanyang ama.
Lagi nitong pinapaalala sa kanya na proud
ito sa kanya at sigurado itong proud din sa kanya ang kanyang ama dahil
nakakaya niyang hawakan ang negosyo nila habang nagpapagaling ang daddy niya.
Sa mga panahong pagod na pagod na siya at
gusto na niyang sumuko, boses lang nito ang kailangan niya upang magkaroon siya
ng bagong lakas ng loob at bilib sa sarili na magagawa niya ang kanyang
responsibilidad. Palagi rin itong nakaalalay sa mga ginagawa niya at binibigyan
siya ng mga suggestions kapag alam nitong kailangan niya.
“You catch the moon in your eyes, and my
heart goes wild. As we say goodbye to our friends, who are here to share our
joys and tears celebrate the years. I was a child when I knew i would love
someone like you. Were stars in your world waiting for your star to shine thru.
Now there’s one from the two.
And I want you here by my side all of the
time, i need your love so true. ‘Coz if you were out of my life i would survive
but baby, what good is that without you.”
“I terribly missed you baby.” madamdaming
bulong nito sa kanya.
“I missed you too.”
“Just remember that I’m always here for
you. Hinding-hindi kita iiwan kahit kailan.”
Tiningnan niya ito sa mga mata. “You are
one of my strengths and weaknesses Simon. You gave me happiness. Palagi kang
nandiyan para sa’kin. Ikaw ang naging kasa-kasama ko noong hindi ko kasama ang
Daddy ko. Hindi ako nakaramdam ng lungkot habang hindi ko siya kasama dahil
palagi kang nandiyan para pasayahin ako.
“I will forever be thankful that God gave
you to me. Nagpapasalamat ako na ikaw ang ibinigay niya sa akin para mahalin
ko.”
“And I will forever be thankful to God for
giving you to me. Hinding-hindi ko kailanman pagsisisihan na ikaw ang minahal
ko. Ang pinili ng puso ko. You are perfect for me. You are the only woman for
me and nothing can change that.”
Hindi na niya napigilan ang pamumuo ng mga
luha sa kanyang mga mata. Nag-unahan sa pagpatak ang mga iyon at malayang
naglandas sa kanyang mga pisngi. Masuyo namang pinahid ng mga daliri nito ang
mga luha niya. Maging ito ay parang maiiyak na rin.
“I love you Monica.” madamdaming pahayag
nito.
“I love you too Simon. And I promise to
love only you, forever.” pangako niya dito.
Napatingin siya sa kalangitan ng mapansing
may kung anong lumilipad doon. Nakita niya ang iba’t-ibang kulay ng mga lobo na
may nakasabit na “I LOVE YOU” sa telang nakatali sa tali ng lobo. Niyakap niya
ng mahigpit si Simon. Gumanti naman ito ng yakap.
Nang maglapat ang kanilang mga labi ay
napayapa ang kanyang pakiramdam. Kontento na siya. Maayos na ang kanyang ama at
kasama na niya ang lalaking pinakamamahal niya. Wala na siyang mahihiling pa.
---WAKAS---
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento