it's been a year since the first time I passed my first manuscript in PHR.
super nakakaaning ang experience na 'yon dahil hindi naman talaga ako nagsusulat ng super habang nobela. i mean, what the heck? 24 thousand words? 0.o hanggang fanfictions lang naman talaga ako. super short pa. pero dahil sa pange-encourage ng isang kaibigan na itago natin sa pangalang MARIONE ASHLEY, nauto akong subukang magsulat at magpasa ng nobela.
super nosebleed ang pagsusulat pero dahil masaya ako habang ginagawa ko siya, okay lang. ninamnam ko na lang ang pakiramdam na kahit papa'no nalalabas ko ang mga nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsusulat. :) and look where it leads me. at least, hindi man naa-approve ang mga stories na ginagawa ko, hindi pa rin ako sumusuko. sabi nga ng mga naging kaibigan ko at ng ibang mababait na writers "think positive" and "try and try until you succeed". kaya kahit nakaka-frustrate ang magsulat at maghintay ng feedbacks, hindi ko pa rin talaga tinitigilan ang nakahiligan at nakasanayan ko nang gawin. :)
so... anong sense ng blog na 'to? wala lang. kalokohan lang naman 'to eh. hahaha. ang gusto ko lang talagang sabihin... more years to come para kay nikki sa pagsusulat. hangga't masaya siya sa ginagawa niya, 'wag siyang susuko. tama?
-nikki del rosario-
pagbutihin mo pa, nikki, nandto kming mga readers mo :) slamt ng marami sa pagbabahagi ng iyong talento :)) oha oha, congrats anhee-chan :D keep it up, more power and god bless.. love ya
TumugonBurahin