CHAPTER ONE
“SAY CHEESE!”
Abot hanggang tainga ang lapad ng ngiti ni
Nickie habang nakatingin sa camera. Mahigpit siyang naka-abrisite sa braso ng
dalawang lalaking kasama niya. Sina Miguel Antonio Raneses at Nicko Hendrick
Alvarez, anak ng mga malalapit na kaibigan ng kanyang ama ay ang masasabi
niyang tanging mga lalaking naging malapit sa kanya sa buong buhay
niya---maliban sa Papa niya--- kahit na marami ang lumalapit sa kanya. Mahigpit
na bilin kasi ng kanyang ama sa mga ito na bantayan siya kahit na iba ang
kursong kinukuha niya sa kurso ng mga ito.
Kaya hanggang ngayong nakatapos na sila ng
kolehiyo ay hindi man lang nadagdagan ang mga kaibigan niya. Bukod kina Miguel
at Nicko ay wala na siyang masasabing iba pang kaibigan niya.
Hinarap niya si Miguel. “Picture tayo, M.”
malambing na hiling niya dito. ‘M’ ang nakasanayan nilang itawag dito dahil
‘yon lang daw ang gusto nitong maging palayaw nito. Naiinis nga ito kapag
tinatawag nila ito sa buong pangalan nito.
Nakangiting inakbayan siya nito. “Sure,
princess.” pagpayag nito gamit ang nakasanayan nitong endearment sa kanya.
Binalingan nito ang tahimik na si Nicko. “Step back, bro.”
Walang imik na tumabi naman ito. Pagkatapos nila ni Miguel ay mabilis na nilapitan niya si Nicko at ikinawit ang kanyang braso sa braso nito. “Tayo naman, Nicko.” excited na sabi niya.
Walang imik na tumabi naman ito. Pagkatapos nila ni Miguel ay mabilis na nilapitan niya si Nicko at ikinawit ang kanyang braso sa braso nito. “Tayo naman, Nicko.” excited na sabi niya.
Wala pa ring imik na sumunod ito. Nang sa
wakas ay matapos sila ay nagsiuwian na sila pero bago siya pumasok sa kotse ng
mga magulang niya ay muli niyang tinawag si Nicko. Nilingon siya nito. “Bakit?”
tanong nito.
Ngumiti siya. “Wala lang. Hindi pa kasi
kita nababati ng congratulations eh.” aniya. Dumukwang siya at hinalikan ito sa
pisngi. “Congratulations, Nicko.”
Tumango lang ito ngunit hindi naman
nagsalita kapagkuwan ay ikiniling ang ulo sa mga magulang niya. “Sige na
sumakay ka na sa kotse n’yo. Hinihintay ka nina Tita Monick.” utos nito sa
kanya.
Nakangiting tumango naman siya. Dumukwang
siya sa nakabukas na pinto ng backseat at sinilip ang daddy nito. “Ba-bye Tito
Spencer.” paalam niya dito.
Kumaway naman ito sa kanya. Muli niyang
binalingan si Nicko na halata ang pagkainip sa mukha. Nakangiting kumaway siya
dito bago siya tumakbo pabalik sa kanilang sasakyan. “Buti na lang natitiis mo
ang kasungitan ni Nicko, hija.” may himig pagbibirong sabi ng mommy niya.
Sumandal siya sa sandalan at pumikit.
“Okay lang ‘yon, mommy. Kahit naman masungit si Nicko, mabait ‘yon. Hindi nga
lang halata.” depensa niya. Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ang pinsang
si Mark na siyang naging driver nila nang araw na ‘yon. “Di ba, Mark?”
“Oo na.” pakikisakay nito sa kanya kahit
na alam niyang alam din nito ‘yon. Hindi man gano’n kalapit ito at si Nicko,
nagkakasundo naman ang mga ito sa ibang bagay. Kahit na dalawang taon ang tanda
ni Mark sa kanila ng binata ay nakikibagay pa rin ito sa kanila.
Ito rin ang katulong ng kanyang ama sa
pamamalakad ng negosyo nila. Foods and beverages ang line of business ng
pamilya niya at sa ngayon, isa na ang Del Rosario Foods and Beverages, Inc. sa
mga kinikilalang mapagkakatiwalaan pagdating sa pagbebenta ng mga pagkain at
inumin.
“So, ano na ang balak mo ngayong
naka-graduate ka na?” tanong ng daddy niyang nakasakay sa passenger’s seat.
“Wala pa dad. Pag-iisipan ko pa po kung
ano ang magandang gawin. Iniisip ko kasi na maging freelance illustrator na
lang para sa bahay lang ako magta-trabaho pero gusto ko rin namang
ma-experience ang magtrabaho sa office.” Nagkibit-balikat siya. “Bahala na po.
Besides, kaga-graduate ko lang naman eh. Magpapahinga na lang po muna ako.”
“Okay. Pero maganda pa rin ‘yong habang
fresh graduate ka pa lang, magkaro’n ka na rin ng trabaho. Mahirap nang
makakuha ng trabaho ngayon. Kung pumayag ka lang sana na i-take over na lang
ang business natin, hindi ka na sana mahihirapan.” panenermon sa kanya ng ama.
“Yeah, yeah. Alam ko na ‘yan dad. At
sinabi ko na rin sa’yo, hindi para sa’kin ang mga ganyang trabaho. Baka ako pa
ang maging dahilan ng pagbagsak ng business natin.” umurong siya palapit sa mommy
niya at inihilig ang ulo sa balikat nito. “Mommy gisingin mo po ako kapag nasa
bahay na tayo ha?”
“Sure, baby. Matulog ka na muna.”
“CONGRATULATIONS,
Engineer Miguel and Engineer Nicko!”
Pinagpingki ng mga magkakasalo sa mesa ang
mga bote ng beer na iniinom nila. Nasa Fiama sila nang gabing ‘yon para sa
selebrasyon ng pagkakapasa nina Miguel at Nicko sa Board Exam ng mga ito.
Apat lang silang magkakasama doon pero
mukhang okay lang ‘yon sa dalawang binata. Si Nickie lang ang nag-iisang babae
doon ngunit hindi naman siya naiilang dahil sanay na siya sa mga ganoong
pagkakataon. Palagi naman kasi siyang nakikisingit sa mga lakad ng mga ito at
hindi naman nagrereklamo ang mga ito kapag ginagawa niya ‘yon.
“So, ano na ang plano n’yo ngayon?” tanong
ng pinsan niyang si Mark habang muling nagsasalin ng beer sa baso nito.
Nagkibit-balikat si Miguel. “Gano’n pa
rin. Stay kami sa company ni daddy. Magiging junior engineers na kami since
Pasado na kami sa board exam. That’s what dad told us when he hired us. Di ba,
Nick?” anitong siniko si Nicko.
Tumango lang si Nicko. “Maganda rin kasi
ang offer sa’min ni Tito Vincent kaya do’n na lang kami. Mas magandang tulungan
na lang namin siya sa kompanya kaysa humanap pa kami ng iba.” sagot naman nito.
“Eh ikaw Nickie kumusta ang pamamahinga mo?”
tanong sa kanya ni Miguel.
Nagkibit-balikat siya. “Ayos lang naman. I
haven’t made up my mind pa din kung anong gagawin ko eh.” sagot niya.
“Make up your mind, faster. Hindi maganda
na patagalin mo pa ang sinasabi mong pamamahinga mo bago ka maghanap ng trabaho.”
ani Nicko sa seryosong tinig.
Sumimangot siya. “Alam ko naman ‘yon. Kaya
nga nag-iisip na ko eh.” depensa niya sa sarili. Kahit kailan talaga kontrabida
ito sa buhay niya.
Mayamaya ay naka-isip siya ng kapilyahan. Umisod siya sa tabi ni Nicko at umabrisite dito. “Kaya mo naman akong buhayin ‘pag kasal na tayo di ba? Kaya okay lang kung matagalan bago ako makahanap ng trabaho.” malambing na wika niya.
Mayamaya ay naka-isip siya ng kapilyahan. Umisod siya sa tabi ni Nicko at umabrisite dito. “Kaya mo naman akong buhayin ‘pag kasal na tayo di ba? Kaya okay lang kung matagalan bago ako makahanap ng trabaho.” malambing na wika niya.
Umiling-iling lang ito ngunit hindi
sumagot. Sanay na ito sa mga gano’ng banat niya kaya siguro nananahimik na lang
ito. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Unang taon pa lang nila sa kolehiyo ay
alam na nilang pareho na nakatakda silang ikasal sa hinaharap dahil sa
kasunduan ng kanilang mga ama.
Ang gusto kasi ng mga ito ay magpatuloy
ang taling nagbibigkis sa pagkakaibigan ng mga pamilya nila. At dahil pareho
sila ni Nicko na nag-iisang anak ay sila ang nakatakdang tumupad ng kasunduang
‘yon.
Ayos lang naman ‘yon sa kanya dahil
matagal na rin naman niyang gusto ang binata. Unang beses pa lang niyang nakita
ito ay nagkaro’n na siya ng instant crush dito. Sino ba naman kasi ang hindi
makakapansin sa guwapong lalaking ‘to?
He has dark chinky eyes. Matangos ang
ilong nito at manipis ang mapula nitong labi. Alam niyang mas marami pa ang mas
guwapo kaysa rito pero para sa kanya ay ito na ang pinakaguwapong nilalang na
masisilayan ng mga mata niya. Anong magagawa niya? She’s a woman in love. At
kahit sino pa ang iharap sa kanya ay si Nicko pa rin ang nagtataglay ng lahat
ng ‘pinaka’ para sa kanya.
“Kailan nga ba nila ia-announce ang formal
engagement n’yong dalawa? Graduate na naman kayo eh kaya wala nang rason para
patagalin pa ‘yon.” tanong ni Mark.
“Ang sabi ni daddy, isasabay daw ‘yon sa
anniversary party ng company next month.” sagot naman niya.
Tumango-tango lang ito at hindi niya alam
kung bakit bigla na lang silang natahimik lahat. Parang may anghel lang na
dumaan sa gitna nilang apat at bigla na lang silang naubusan ng sasabihin.
Mayamaya ay tumayo si Miguel at nakangiting tumingin sa kanila. “Let’s party.
Bigla na lang kayong tumahimik diyan eh.” anito.
Tumayo na rin si Mark. “O-order pa ko ng
maiinom natin. Diyan muna kayo.” paalam nito.
Nang maiwan sila ni Nicko doon ay hindi na
rin niya alam kung ano ang sasabihin. Kaya hinayaan na lang niyang manahimik
silang dalawa at hinintay na lang ang dalawa pa nilang kasama na makabalik
doon.
Kahit kailan ay hindi talaga niya gusto
ang naiiwan mag-isa kasama si Nicko dahil pakiramdam niya ay kaluluwa lang ang
kasama niya.
“CONGRATULATIONS on
your second anniversary, kumpadre.”
“Thank you, kumpadre.” sagot ng daddy ni
Nickie pagkatapos kamayan ang isa sa mga bisita nito.
Nasa Dusit Hotel sila nang mga oras na
‘yon para sa selebrasyon ng second year anniversary ng Del Rosario Food and
Beverages, Inc. Kanina pa siya nangangawit sa suot niyang three inches na high
heels. Hindi naman kasi siya sanay magsuot ng mga gano’ng sapatos. Kadalasang
sinusuot niya ay mga rubber shoes at tsinelas lang pero dahil ayaw naman niyang
gumawa ng eksena sa event na ‘yon ay titiisin niya ang sakit na nararamdaman.
Isa pa, importante sa kanya ang gabing ‘yon dahil doon magiging opisyal ang
lahat sa pagitan nila ni Nicko.
Maaga silang dumating sa venue dahil gusto
ng daddy at mommy niya na maging maayos ang kalalabasan ng event na ‘yon.
Katulong ng kanyang ama si Mark sa pagpapatakbo ng kompanya nila kaya abala rin
ito at dahil do’n kaya wala silang oras para makapag-usap na dalawa. Wala pa
rin ni anino ni Nicko o ni Miguel kaya nabubugnot siya. Wala kasi siyang
makausap na kakilala niya.
Nang matapos ang walang katapusang
pagpapakilala sa kanya ay nag-excuse siya sa mga magulang niya at naupo sa isa
sa mga bakanteng silya doon. Wala na siyang pakialam kung nasa’n siya at kung
ano ang suot niya, basta na lang niya hinubad ang suot na sapatos. Wala naman
sigurong masama kung ipapahinga muna niya ang mga paa niya mula sa killer shoes
na ‘yon.
Ngunit talaga yatang inaasar siya ng
pagkakataon dahil hindi pa man siya nakakatagal sa kinauupuan ay nakita na
niyang naglalakad palapit sa kanya sina Miguel at Nicko. As usual nakompleto na
naman ang araw niya dahil nakita na niya ang kanyang apple of the eye. Pero
masakit na talaga ang mga paa niya. Pupusta siyang mamaya lang ay may paltos na
ang mga ‘yon.
“O, anong ginagawa mo diyan? Para kang
pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang ganda-ganda pa naman ng ayos mo tapos
sinasayang mo lang sa pag-upo sa isang tabi.” nagtatakang tanong ni Miguel sa
kanya. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi niya.
Lumabi siya. “Masakit na ang mga paa ko
eh. Hindi naman kasi ako sanay magsuot ng mga ganitong sapatos. Tapos
nangangati pa ko sa suot ko.” pagsusumbong niya dito. Isang simpleng blue
balloon dress ang suot niya pero dahil hindi siya sanay ay naaalibadbaran pa
rin siya.
Natawa ito. “Eh sino ba naman kasi ang
nagsabing magsuot ka ng ganyan?”
Tiningnan niya ito ng matalim. “Gago ka
ba? Ano naman ang isusuot ko kung sakali?” naiinis na bulyaw niya dito.
“Hey! Stop saying bad words.” saway sa
kanya ni Nicko. “Ayusin mo ang sarili mo. Kung masakit ang paa mo, tiisin mo na
lang muna hanggang sa matapos ang event.” utos nito pagkatapos ay tinalikuran
na sila.
“Tingnan mo ‘yang best friend mo, wala talagang
puso. Hindi man lang naawa sa mga paa ko.” nagmamaktol na sabi niya. “Tapos
hindi man lang ako pinuri sa ayos ko. Nagpaganda pa naman ako tapos parang
bale-wala lang sa kanya.”
“Hayaan mo na. Parang hindi ka naman
nasanay sa ugali ng bugnuting ‘yon.”
“Pasalamat siya love ko siya, kundi
pinugutan ko na siya ng ulo.” biro niya na ikinatawa nito. Maski siya ay natawa
rin sa sarili niyang biro. Wala naman siyang choice kundi magtiis kaya kahit
masakit sa loob niya ay isinuot na niya ulit ang nakamamatay na sapatos niya.
Magkasabay silang bumalik ni Miguel sa
kinaroroonan ng mga magulang niya. Hindi siya masyadong nahirapan dahil
inalalayan siya nito habang naglalakad siya. Hindi na lang niya ipinahalata sa
mga ito ang kasalukuyang kalbaryo niya. Hindi nagtagal ay nag-umpisa na rin ang
programa. Madami ang dumalo sa pagtitipong ‘yon. Karamihan ay mga nakatrabaho
na ng mga magulang niya at ang iba ay malalayong kaibigan ng daddy niya.
Wala naman siyang hilig sa mga gano’ng
klase ng pagtitipon kaya pinagkasya na lang niya ang sarili sa mga pagkaing
nakahain sa mesang inookupa nila. Kanina pa nga siya sinasaway ni Nicko na
katabi niya dahil siya pa ang nangunguna sa pagkuha ng pagkain oras na mailapag
na ‘yon sa mesa. Hindi naman niya ito pinapansin at tuloy-tuloy lang sa
ginagawa. Minsan lang siyang sipaging kumain kaya lulubos-lubusin na niya.
Pagkatapos kumain ay tinawag na ang
kanyang ama at si Mark para sa speech ng mga ito. Tahimik ang lahat habang
nagsasalita ang daddy niya. Lahat ay matamang nakikinig sa mga sinasabi nito at
kasama na siya doon. Malakas na palakpakan ang nakuha nito pagkatapos ng speech
nito.
Mayamaya ay nagpasintabi siya sa mga ito
na pupunta siya sa rest room ngunit nakakailang-hakbang pa lang siya ay tinatawag
na ng emcee ang pangalan niya. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakatayo na
rin si Nicko at naglalakad na papunta sa makeshift stage.
Lihim siyang napapalatak. Ano ba ‘yan? Hindi man lang muna ako
hinayaang mag-retouch.
Nang mapansing napapatingin na sa kanya
ang mga bisita ay agad siyang ngumiti at marahang naglakad palapit sa stage.
Ayaw na niyang ma-torture ang mga paa niya dahil lang sa lihim na pagnanais
niyang magmadali. Alam na niya ang mangyayari at sa totoo lang ay iyon lang ang
parteng hinihintay niya sa event na ‘yon.
Lalo pang lumuwang ang ngiti niya nang
ilahad ni Nicko ang kamay nito at alalayan siya paakyat ng stage.
“Thank you.” bulong niya sa malambing na
tinig.
Ngunit deretso na ang tingin nito at hindi
man lang siya tiningnan. Lihim siyang napasimangot. Ang sarap talagang tadyakan
ng lalaking bato na ‘to. Hindi man lang ngumiti kahit pakitang-tao lang. Hindi
na lang niya ‘yon pinansin at tumayo ng tuwid.
“Ladies and Gentlemen, this event is
actually a double celebration. One is the second anniversary of the company and
the other one is the announcement of my daughter’s engagement with the man
beside her, Nicko Hendrick Alvarez. Let’s give them a round of applause.”
Bahagya siyang yumukod upang magbigay ng
pasasalamat sa mga bisita. Nang balingan niya ang kanyang future groom ay
bahagya lang nakataas ang isang sulok ng labi nito at katulad niya ay yumukod
din ito pagkatapos ay hinarap siya nito.
Mula sa bulsa ng pantalon nito ay may
inilabas itong kahita. Biglang nanlamig ang mga kamay niya at pakiramdam niya
ay namamawis ang mga ‘yon.
This
is it!
Isang diamond ring ang inilabas nito mula
sa maliit na kahita at isinuot ‘yon sa palasinsingan niya. Muli nilang narinig
ang malakas na palakpakan ng mga tao nang tuluyan nang maisuot sa kanya ang
singsing.
Muling nagsalita ang kanyang ama. “Enjoy
the rest of the evening, people.” anito at sabay-sabay na silang bumaba ng
stage at bumalik sa mesang inookupa nila.
Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya
habang pinaglalaruan ang singsing na suot niya. Finally, official na siyang
fiancé ng lalaking gusto niya. Magkakaro’n na siya ng access na gawin ang mga
ginagawa ng mga normal na couple na nakikita at napapanuod niya.
Buong gabi na silang naging abala sa mga
taong gustong kumausap at bumati sa kanila kaya napagod siya ng husto. Hindi na
nga siya nagkaro’n ng pagkakataong makausap man lang si Nicko o si Miguel dahil
sa kapaguran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento