MAY NGITI sa mga labi
ni Nickie nang magmulat siya ng mga mata nang araw na ‘yon. Nanggigigil na
niyakap niya ang paborito niyang Pikachu throw pillow bago siya nagpasyang
bumangon.
It’s already been two weeks since the day
of her engagement. Hanggang nang mga sandaling ‘yon ay hindi pa rin siya
makapaniwala na opisyal na siyang fiancé ni Nicko Hendrick Alvarez.
Parang kailan lang, ginagawa lang niyang
biro ‘yon kapag gusto niyang magpapansin dito. Kahit na kasi matagal na nilang
alam na ikakasal silang dalawa ay hindi naman niya inintindi o sineryoso ‘yon.
They didn’t act like a real couple in front of many people dahil iyon ang bilin
sa kanila ng kani-kanilang ama nila.
Mabilis siyang naligo at nag-ayos ng
sarili. Iyon ang araw na isasama sila ni Ysab ---ang kanilang wedding
coordinator--- sa opisina nito para doon pag-usapan ang mga kakailanganin nila
sa kanilang nalalapit na kasal. Hindi makakasabay si Nicko sa kanya dahil
marami raw itong gagawing trabaho.
Isa na itong junior engineer kasama si
Miguel sa construction company ng pamilya Raneses. Matagal nang nagtatrabaho
ang mga ito sa kompanyang ‘yon dahil kay Tito Vincent, ang ama ni Miguel. Hindi
pa man nakakatapos ang mga ito ay kinuha na Tito Vincent ang mga ito dahil
nakikitaan diumano ng ginoo ang mga ito ng potensiyal para maging isa sa mga
magagaling na engineers sa bansa.
Hindi naman siya tumututol doon dahil
nakikita naman niya na determinado ang mga ito na mapagbuti ang ginagawa at
makakuha ng matataas na marka sa mga subjects ng mga ito. Kaya nga proud na
proud siya nang makapasa ang mga ito sa board exam.
Nang makontento sa kanyang hitsura ay
masayang lumabas siya ng kanyang silid at pakanta-kanta pa habang bumababa ng
hagdan. Naabutan niya ang mga magulang sa dining area. Humalik siya sa pisngi
ng mga ito bago umupo sa tabi ng mommy niya.
“You looked lovely, sweetie.” puri ng
kanyang ina sa kanya.
“Thank you, mommy. Hindi mo na kailangang
sabihin ‘yan dahil matagal ko nang alam na maganda ako. Mana yata ako sa’yo.”
pagmamayabang niya. Humarap pa siya sa kanyang amang abala sa pagbabasa ng
diyaryo at hinawakan ito sa braso. “Di ba, Dad?” nakangising tanong niya dito.
Ibinaba nito ang hawak na diyaryo at
tumingin sa kanya. “Ano ‘yon?”
Lumabi siya. “Hindi ka naman nakikinig,
dad eh.” pagmamaktol niya at bumitiw sa pagkakahawak sa braso ng ama.
Natawa ito. “I’m just joking. Of course
you’re beautiful. Wala yatang pangit sa lahi natin.”
“Talaga?”
“Oo naman.” Pinisil nito ang ilong niya.
“Kaya ‘wag na manghaba ang nguso mo dahil hindi bagay sa’yo, okay? Sige ka
kapag sumimangot ka diyan papangit ka. Baka umurong na si Nicko sa kasal n’yo.”
pananakot pa nito.
Inungusan niya ito. “Kahit naman umurong
siya matutuloy pa din ang kasal eh. As if naman hahayaan ko pa siyang makawala
sa’kin.” pagbibiro niya.
Iiling-iling na lang ang mga ito. Masayang
ipinagpatuloy na nila ang pagkain. Pagkatapos niya ay nagpaalam na siya sa mga
ito at sumakay sa bagong kotse na graduation gift sa kanya ng mga magulang
niya. Hindi alam ni Nicko na pupuntahan niya ito opisina kaya malamang na
magagalit ito sa kanya pero wala naman siyang nakikitang dahilan para magalit
ito. Wala namang masama sa ginagawa niya at dapat lang na masanay na ito dahil
magiging asawa na rin naman siya nito.
Pagkaparada niya sa sasakyan ay agad siyang
bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng gusali. Alam na alam na niya ang
kanyang pupuntahan kaya hindi na niya kailangan pang magtanong. Isa pa, kilala
na siya ng mga guwardiya doon. Bawat madaanan niyang kakilala ay binabati niya.
At nang makarating siya sa kuwarto kung saan ang opisina nina Nicko ay nagbigay
muna siya ng warning knocks bago niya dahan-dahang binuksan ang pinto.
Agad namang nag-angat ng tingin ang
dalawang taong nando’n sa silid na ‘yon. Hindi naman nagulat si Nicko nang makita
siya nito. Kunot-noong tumingin lang ito sa kanya. “What are you doing here?”
seryosong tanong nito sa kanya.
Nagkibit-balikat siya habang naglalakad
palapit dito. Nang matapat siya sa mesa ni Miguel ay nginitian niya ito ng
matamis. “Good morning, M.” bati niya.
“Morning, princess.” ganting bati nito.
Nang makalapit siya sa mesa ng fiancé
niya, agad siyang dumukwang upang bigyan ito ng halik sa pisngi ngunit mabilis
na iniiwas nito ang mukha. Sinimangutan lang niya ito. In a way, sanay na rin
siya sa mga gano’ng gawain nito dahil noon pa man, gano’n na ito sa kanya. Pero
okay lang ‘yon sa kanya dahil naniniwala siyang mapapalambot rin niya ang animo
batong puso nito. At marami na siyang oras at araw para gawin ‘yon.
Umupo na lang siya sa upuan na nasa tapat
ng mesa nito. “How’s your work?” malambing na tanong niya dito.
“I’m asking you, little girl. What are you
doing here?” ulit nito sa tanong nito sa kanya imbes na sagutin siya.
“Sinusundo lang kita.” simpleng sagot niya.
Nagsalubong ang mga kilay nito.
“Sinusundo? Bakit mo ko susunduin eh nagtatrabaho ako?” masungit pa ring tanong
nito sa kanya.
“We will go to Ysab’s office today,
remember?” pagpapaalala niya dito.
Bumuntong-hininga ito. “Hindi ako puwede
ngayon. Marami kaming trabaho at hindi ako puwedeng basta na lang umalis. Kung
gusto mo, ikaw na lang ang pumunta kay Ysab then sabihin mo na lang sa’kin
after kung anong mapag-uusapan n’yo.”
Pumalatak siya. “Hindi ba puwedeng samahan
mo naman ako? Hindi lang naman kaya ako ang ikakasal dito.”
“I don’t have time for that, Dominique and
you know that. Intindihin mo dapat ‘yon.” anitong hindi na inalis ang tingin sa
trabaho nito.
Napapadyak na siya dahil sa inis.
“Nakakainis ka talaga kahit kailan. Panira ka ng mood.” Padabog na tumayo siya
at lumapit sa mesa ni Miguel. “Ikaw na lang ang sumama sa’kin tutal mukhang
wala talagang balak sumama ‘yang best friend mo eh.”
Pumalatak ito nang tumingin kay Nicko.
“Pare, hindi mo talaga sasamahan si Nickie?” naiinis na ring tanong ni Miguel
dito.
Tumingin din siya dito para makita ang
magiging reaksiyon nito ngunit nagkibit-balikat lang ito at bale-walang
itinuloy ang kung anumang ginagawa nito. Lalong sumama ang loob niya dito. At
lalong tumitindi ang pagnanais niya na mapaamo ito.
Iiling-iling na pinatay ni Miguel ang
computer at kinuha ang susi ng kotse nito. “Ako na lang ang sasama sa kanya
kung ayaw mo. Bahala ka diyan.”
Hindi na niya tinangka pang lingunin man
lang ang masungit niyang fiancé dahil naiinis talaga siya dito. Mukhang
mahihirapan siyang makuha ang puso nito na parang pinaglihi sa bato pero hindi
niya ito susukuan.
“Ituro mo na lang sa’kin ang office ng
wedding coordinator n’yo.” ani Miguel nang makasakay na sila sa sasakyan nito.
Tumango lang siya at nanahimik na sa
kinauupuan. Mag-iisip siya ng ibang paraan para lalong inisin si Nicko. Alam
naman niya ang tingin nito sa kanya at gagawin niya ang lahat para magbago ang
tingin nito sa kanya. Kung ang akala nito ay basta na lang siya susuko,
nagkakamali ito. Tingnan lang niya kung saan tatagal ito.
Bigla siyang napangisi sa ideyang pumasok
sa isip niya.
NAGPALINGA-LINGA si
Nickie sa paligid pero hindi pa rin niya makita ang hinahanap. Nangangawit na
ang leeg at panga niya sa kakahintay doon.
Biyernes nang araw na ‘yon. At alam niyang
pupunta sa bar na ‘yon sina Nicko at Miguel kaya naman ginawa niya ang lahat
para pumayag ang pinsan niyang si Mark na samahan siya doon.
Palagi pa rin siyang pinagsusungitan ni
Nicko at hindi na talaga niya nagugustuhan ‘yon. Kaya niyang pagtiisan ang
kasupladuhan nito pero ang bale-walain siya nito na parang hindi siya nakikita
ay sobra na. Wala pa silang naaayos sa kasal nila dahil hindi siya pumupunta sa
opisina ni Ysab. Naisip kasi niya na hindi siya pupunta doon nang hindi kasama
ang binata. Kahit na palaging available si Miguel para samahan siya ay hindi pa
rin siya palagay dahil lumalabas na parang siya lang ang interesado sa kasalang
‘yon.
“Couz, wala pa ba ‘yong hinihintay mo?”
tanong sa kanya ni Mark na nakaupo sa tabi niya. Sinundo niya ito sa opisina
para doon na sila tumuloy.
Bagsak ang mga balikat na umiling siya.
“Nakakainis naman. Gusto ko namang tawagan o i-text si Miguel pero baka
makahalata si Nicko. Alam mo naman ang lalaking ‘yon, napakalakas ng
pakiramdam.”
Tinapik siya nito sa balikat. “Okay lang
‘yan. Maaga pa naman eh. Marami ka pang oras para maghintay.
Bumuntong-hininga siya. “Ang hirap naman
kasing ligawan ng lalaking ‘yon. Hindi mo alam kung ano ang gusto. Lahat na
sinubukan ko pero walang umubra kahit isa. ‘Eto na nga lang ang last straw ko
eh. Kapag hindi pa umepekto sa kanya ang strategy na ‘to wala na. Susuko na ko.
Bahala na siya sa buhay niya.” pagmamarakyulo niya.
Inabala na lang nilang magpinsan ang mga
sarili nila sa panonood sa mga taong pumapasok sa loob ng bar. Madaming tao
nang gabing ‘yon dahil walang pasok kinabukasan. Karamihan sa mga nando’n ay
mga yuppies.
Mayamaya ay nagpasintabi si Mark na
pupunta muna ito sa banyo kaya naiwan siya doong mag-isa. Muli niyang tinungga
ang iniinom niyang strawberry daiquiri. Nakaka-dalawang baso na siya niyon
ngunit wala pa rin ang mga hinihintay niya. Todo effort pa naman ang ginawa
niya para sa gabing ‘yon kahit na hindi siya komportable sa suot niya. Kanina
pa nga niya hinihila pababa ang mini skirt na suot niya.
“Hi there.”
Kunot-noong nilingon niya ang
pinanggalingan ng tinig na ‘yon. Isang lalaki ang nakatayo sa likod niya at
abot-tainga ang ngiti habang nakatingin sa kanya. “Yes?” tanong niya.
“Mukhang mag-isa ka lang, Miss. Gusto mong
samahan muna kita dito?”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “And why
do you want to do that?”
Nagkibit-balikat ito. “Wala lang. Pangit
naman kasing tingnan kung ang isang napakagandang dalagang katulad mo ay
mag-isa lang sa ganitong lugar. Marami pa namang mga sira ulong lalaki diyan sa
tabi-tabi.”
Tuluyan na niyang hinarap ito. Ipinatong
niya sa bar counter ang siko niya. “I can take care of myself, thank you.”
malambing na wika niya.
“But I insist. Makikipag-friends lang
naman ako.” pamimilit pa rin nito.
Akmang sasagot pa siya nang biglang may
magsalita sa likod niya. “She’s not alone pare.” anang baritonong boses na
‘yon.
Agad lumuwang ang ngiti niya nang lumingon
dito. Ang madilim na mukha ni Nicko ang nabungaran niya. Matalim na tingin ang
ibinibigay nito sa lalaking kausap niya. “Hey, what took you so long?”
malambing na tanong niya dito.
Niyuko siya nito. “Who is he?” tanong nito
imbes na sagutin ang tanong niya.
Bahagya lang niyang nilingon ang lalaki
bago ibinalik ang tingin sa binatang hindi maipinta ang mukha. Nagkibit-balikat
siya. “Wala lang. Nakikipag-kilala lang. Akala kasi niya mag-isa lang ako.”
bale-walang sagot niya.
Saglit siya nitong tinitigan sa mga mata
bago muling tumingin sa lalaki. “Thank you but she’s not interested.” He said
flatly. “And by the way, she’s taken.” dagdag pa nito at itinaas pa ang kamay
niya para ipakita rito ang suot niyang engagement ring. Lihim siyang kinilig sa
inakto nito. Lumabas kasi ang pagka-possessive nito.
Mukhang
magtatagumpay na ko sa pagkakataong ‘to!
Kitang-kita niya ang disappointment na
dumaan sa mukha ng lalaki bago bagsak ang balikat na lumakad palayo sa kanila.
Hindi na lang niya ito pinansin. At least nandito na ang hinihintay niya. Muli
niyang tiningnan si Nicko. “Kanina ka pa? Kasama mo si M?” sunod-sunod na
tanong niya.
He
glared at her. “Sinong kasama mo? Anong ginagawa mo dito?” sunod-sunod ding
tanong nito. Tiningnan nito ang suot niya. “At bakit ganyan ang suot mo?”
Lihim siyang napangiti dahil sa nakikitang
reaksiyon sa guwapong mukha nito. “What’s wrong with my outfit? Sinubukan ko
lang naman magsuot ng ganito eh.” malambing na sagot niya.
“Well, hindi ko gusto ‘yang suot mo. Kung
hindi mo napapansin, maraming lalaki sa paligid ang kanina pa pinagpipiyestahan
‘yang hita mo.”
Inismiran niya ito. “Eh ano naman ngayon?
Wala namang peklat ang legs ko ha? Makinis naman kaya anong masama kung
tumingin sila? Hindi naman nila ‘yan makukuha?” pamimilosopo niya.
Tiningnan siya nito ng matalim. “I’m not
joking, Dominique.” Hinawakan siya nito sa braso at pinilit tumayo. “You’re
going home. Now.” matigas na sabi nito.
“Pero wala pa si Mark. Siya ang kasama ko
eh. Baka hanapin ako no’n.”
Agad nitong inilabas ang cellphone nito at
may kung sinong tinawagan. Pagkatapos niyon ay muli siyang hinarap nito. “Okay
na. Natawagan ko na si Mark.”
Akmang magsasalita pa siya pero naunahan na siya nito. “And as for M, he’s just around. Pinahanap ko na rin siya kay Mark.” iyon lang at hinila na siya nito palabas ng bar.
Akmang magsasalita pa siya pero naunahan na siya nito. “And as for M, he’s just around. Pinahanap ko na rin siya kay Mark.” iyon lang at hinila na siya nito palabas ng bar.
Lihim siyang kinikilig dahil nagtagumpay na
siya sa pagkakataong ‘yon. Hindi nito nagustuhan na may ibang lalaki siyang
kausap at sinita nito ang suot niyang sa buong buhay niya ay ngayon lang niya
nasubukan.
“Anong inginingiti-ngiti mo diyan?”
masungit na tanong nito nang mapansin ang ngiting nakapaskil sa labi niya.
“Nothing. I’m just happy, that’s all.”
Nagdududang tiingnan siya nito. “Sa
susunod, ayokong pupunta ka sa mga bar na hindi ako kasama. Naiintindihan mo?”
Kunwari ay nadismaya siya. “Pa’no kung
lalabas kami ni Mark? Marami ka pa namang trabaho. Di ba? Pa’no kita yayayain?”
Nagtagis ang bagang nito bago
bumuntong-hininga. “I’ll find time.” simpleng sagot nito.
“Really?” nagdududang tanong niya.
Tumango ito. “Basta kapag aalis ka or
whatever, magsasabi ka sa’kin, okay?”
Sunod-sunod na tango ang naging sagot niya
dito. Pagkatapos ay kampante siyang sumandal sa kinauupuan. Mukhang sumuko na
ito sa kakulitan niya at sa mga ginagawa niya para lang makuha ang atensiyon
nito.
Sana lang ay magtagumpay na siya sa
pagkakataong ‘yon at magtuloy-tuloy na ang pagbabago nito ng pakikitungo sa
kanya.
Nakangiting pumikit siya at hinayaan na
lang itong magmaneho pauwi sa bahay nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento