Lunes, Enero 28, 2013

Issues, issues, issues.

issues! paulit-ulit na issues! walang tigil na issues. kung sino man ang nagpauso ng issues na iyan, magbigti na. walang kuwenta. pasakit lang sa buhay ng tao.

"Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan kung hindi ka rin naman nila tatanggapin sa kung sino at ano ka talaga. Iyong bigla na lang mang-iiwan kapag wala ka nang silbi sa kanila. Isang kaibigan lang, puwede na. Basta tanggap ka at alam mong kahit hindi kayo madalas magkita o magka-usap, presence lang niya, secured ka na at alam mong hindi ka nag-iisa."

totoo! totoong-too talaga iyang issue na iyan. hindi na natapos-tapos iyan sa part ko. palagi na lang akong may friend issues. ayoko na maging sobrang bait. lagi na lang akong naiiwan sa ere. bahala na muna. ayoko na nang ako na lang ng ako ang gumagawa ng paraan para mag-work yung friendship na yun. nakakasawang maging mabait lalo na kung alam mong wala rin namang patutunguhan dahil sa huli, ikaw din ang maiiwang mag-isa.

xoxo
-nikka-

Miyerkules, Enero 16, 2013

Recollection ^^

yay! me again. ^^ ama-share lang my happiness. super saya ng recollection namin. ang dami kong natutunan at hopefully tuloy-tuloy na ang pagkauntog sa ilang mga bagay at issues na meron ako sa sarili ko. :)

NEGATIVE VIBES. alisin na iyan. isa iyang characteristic ng TOXIC PEOPLE. hindi mo dapat hinahayaan na kainin ka ng mga negative thoughts mo. dapat palaging think positive. isipin mo na kaya mong gawin lahat. kung kaya ng iba, kaya mo din kaya tiwala lang sa sarili. ^^

DELAY GRATIFICATION. pagpo-postpone mo ng mga pleasures mo. puwede mo namang makuha iyan basta alam mo ang mga priorities mo sa buhay. ^^

LOVE YOUR PARENTS. importante iyan. ang mga magulang hindi napapalitan. kapag nawala iyan, wala na. kaya dapat, mahalin natin ang mga magulang natin. actually guilty ako diyan dahil feeling ko hindi ko napaparamdam sa mama ko na mahal ko siya. nawawala ang mga kaibigan o ang boyfriend/girlfriend pero ang magulang, hindi mawawala iyan. ^^

KATAMARAN. isang major addiction iyan na nakakasira ng buhay. bakit? dahil habang hindi mo ginagawa ang mga bagay na kailangan mong gawin, magsa-suffer ka din ng mga consequences.

LOVE YOURSELF. bago ka pumasok sa isang relasyon o bago ka magmahal ng ibang tao, pag-aralan mo munang mahalin ang sarili mo. paano ka magbibigay ng pagmamahal sa iba kung ang sarili mo nga hindi mo mapahalagahan? hindi mo magawang mahalin, 'di ba? Remember: The greatest love of all is to love yourself. ^^

madami pa akong natutunan eh. ang hirap lang i-explain. basta ang importante, nabuksan iyong isip ko sa mga dapat kong gawin, sa mga dapat kong i-prioritize. sa mga dapat kong matutunan pa. hopefully, unti-unti ko siyang magawa. i want to grow as a person na magiging proud ako, someday. :)

xoxo
-nikka-

Lunes, Enero 14, 2013

tinkerbell!

dahil napanood ko ang PITCH PERFECT movie, gagawan ko ng sarili kong version ang movie. susubukan kong gumawa ng series na related do'n. HAHAHAHA. sana lang magawa ko siya. ipo-post ko na lang dito kapag nagawa ko na iyong pinaka-plot niya.

at mukhang uunahan niya si zeke. ^^ baka sa february ko na magawa si ezekiel pero susubukan ko pa din. puwede naman mag-multi-tasking eh. HAHAHAHAHAHA. ganyan talaga kapag nage-enjoy ka sa ginagawa mo. walang busy-busy. chos~ kung gusto mo talaga, palaging may paraan, kapag ayaw madaming dahilan. 'yan ang palaging tatandaan. LOL

xoxo
-nikki delrosario-

Lunes, Enero 7, 2013

Suddenly, It's Love

Suddenly, It's Love. Bagong manuscript na sinusulat ko. Actually, super late na nga ito. Dapat last year ko pa siya naisulat pero dahil dakilang tamad ako at busy sa school, naudlot iyon ng naudlot. Grabe!

Super malapit ang loob ko sa story na 'to kasi medyo based on true story 'to. Malapit sa puso ko sina Ethan at Celine hindi lang dahil hindi nila ako pinahirapang gawin ang story nila, iyong totoong tao sa pagitan ng pangalan nilang dalawa, mahalaga din sa'kin. May gusto din akong patunayan sa story na 'to. May mga bagay nga lang talaga na ayaw kong aminin pero kapag natapos ko sigurong isulat 'tong story na 'to at ma-approve, makakahinga talaga ako ng maluwag. Kaya sisiguruhin kong maganda ang kalalabasan niya. Ie-edit ko talaga ng bonggang-bongga ang story na 'to hanggang sa ma-satisfy ako.

Sana lang matapos ko siya this week. Konting kembot na lang naman. Konting tiis na lang. Sana patuloy na maging mabait sina Ethan at Celine at nang mapalitan ko na din ang wallpaper at screensaver ng cellphone ko. hihihihi.

xoxo
-nikki del rosario-

Martes, Enero 1, 2013

A Special Message for a Special Friend!

yeah, so, here I am again. I don't know what to write. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. pero... bahala na nga. 'wag na lang pansinin ang mga sinasabing walang kuwenta.

FOR ABBY a.k.a MARIONE ASHLEY

It's been two or three years since I met you. You don't know how much you mean to me. You are not just a friend but a sister to me. You're always there through my ups and downs. Kahit alam kong masyado nang matigas ang ulo ko, nandiyan ka pa din. Sa sobrang tigas ng ulo ko, alam kong gusto mo na akong itapon sa pinakamalayong lugar o ihulog sa bangin pero hindi mo pa din ginawa. Pinagpapa-sensiyahan mo pa din ako kahit alam kong nauumay ka na sa mga rants  ko tungkol sa kaibigan o sa problema sa puso.

Ikaw ang nag-encourage sa'kin para magsulat. Kahit na alam kong walang kasiguruhan ang pinasok kong career, sinubukan ko dahil alam kong kasama naman kita dito.

Hindi mo alam pero ikaw ang madalas na nagco-comfort sa'kin kapag tinotopak ako. Makausap lang kita, kahit facebook, twitter o text ayos na. Gagaan na ang pakiramdam ko at mawawala na ang kung ano mang negative vibes sa katawan ko.

Hindi man tayo madalas magkita, palagi mong pinararamdamam sa akin na nasa paligid ka lang, handang makinig sa mga rants ko kahit alam kong masakit na ako sa ulo dahil sa katigasan ng ulo ko. Mga naging kaaway ko, na-consider mo ding kaaway mo. At very thankful ako dahil nagkaroon ako ng kakampi sa katauhan mo.

Thank you dahil nakilala kita. Thank you dahil nagkaroon ng isang Abigail sa buhay ko na alam kong tanggap ako. Iyong hindi ko kailangang magpanggap sa katauhang hindi ako para lang matanggap ng taong nasa paligid ko. Sa harap mo, puwede akong maging topakin, baliw, moody, tahimik, maingay dahil alam kong tanggap mo ako.

I'm so sorry kung may mga times na hindi kita ma-comfort kapag alam kong may problema ka. Pero hindi ibig sabihin niyon na wala akong pakialam. I always care for you. You are important to me.

For me, you are very very special. At alam mong nandito lang ako palagi para sa'yo. Through ups and downs. Hindi kita iiwan. You know you can count on me anytime. Kahit tumanda pa tayo, walang iwanan. Friends forever. okay?

I Love You, Abby. And I'm looking forward to spending more years with you as my special friend/sister.

-Ate Ian/Nikki/Nikka-