another nonsense blogpost from yours truly. :)
medyo gusto ko lang mag-explain para sa mga classmates/friends kong madalas kong kasama. nagtatanong kasi sila kung bakit napaka-bitter ko when it comes to relationships. hindi naman po sa bitter ako. takot lang po talaga ako sa rejections dahil madami na po akong naranasang gano'n. takot din akong masaktan kasi kahit sino naman po sa'tin maga-agree kapag sinabi kong nakakapagod masaktan, 'di po ba? kung sa pamilya, kaibigan at kung saan-saan pa, nasasaktan na tayo sa isang relasyon pa? 'di ba? may point naman talaga ako? LOL sige na nga, sabihin na din po nating bitter talaga ako sa mga ganyan pero hindi naman po iyon lang ang dahilan kung bakit iniilagan ko ang mga usaping relationships ngayon eh. don't get me wrong, masaya ako para sa mga kaibigan kong masasaya sa mga relasyon at love lifes nila pero sana 'wag na lang po kayong magtanong tungkol sa sarili kong love life dahil ngayon pa lang, sinasabi ko na po sainyo na susungitan, ngingitian (ng plastik at sarcastic) at tatawanan ko lang po kayo. :)
sa marriage naman, hindi din sa takot akong magpakasal. LOL ang weird lang kasi na sa tuwing lalabas ako ng school namin, kasal ang lagi kong nabubungaran sa katabing simbahan ng school. HAHAHAHAHAHA okay, para sa'kin weird talaga iyon. mapa-hapon, umaga, tanghali puro kasal na lang. laging sinasabi ng mga classmates/friends ko na sign na daw iyon para magpakasal ako. hello? boyfriend nga wala, asawa pa kaya? patawa lang sila masyado. XD hindi ako against sa mga kasal dahil para sa'kin, sacred ang bagay na iyan. pero sa tingin ko, hindi talaga ako para diyan. :) kaya... be happy at god bless sa mga taong nagpakasal, magpapakasal at gustong magpakasal. :) god will always be by your side to guide you and your marriage. :)
PS: sabi ko sainyo super nonsense ang blogpost na 'to eh. XD gusto ko lang talagang mag-share. sana, para sa mga makakabasa nito, pakitigilan na po ako sa mga usaping ganyan ha? nananahimik po ako. :) thank you. :)
xoxo
-nikka-