Huwebes, Setyembre 19, 2013

A letter from a Dear Friend!

I was nervous a while ago because of my brain wrecking exam and defense. Natuyo at naubos yata ang lahat ng laman ng utak ko dahil sa mala-borad exam na midterm exam namin sa isang major subject, idagdag pa ang nakaka-kabang re-defense namin. buti na lang, okay na siya. nasagutan ko with flying colors ang exam ko (sana maka-recover agad ang utak ko bukas) at magre-revise na lang ako ng kaunti sa defense then okay na. :) final exam, seminar and field study na lang ang magpapasakit sa ulo ko! three semesters to go and I'm done! gusto ko lang talagang matapos 'to para... wala lang. para masaya. :)

anyway, after that, i went to SM San Lazaro to meet a friend (Hindi po galing sa kanya ang letter) na galing pa ng Laguna. Ang bait niya diba? Talagang lumuwas pa siya ng Manila para makasama ako. Ganyan siya ka-sweet. Wala naman kaming ginawa eh, nag-revise lang ako ng manuscript habang hinihintay namin si Marione Ashley na dumating. magpapapirma lang talaga kami ng pocketbook sa kanya. Nag-ikot-ikot lang din kami at naging instant ninang pa ang dear friend ko dahil lang sa isang stuff toy na binigay sa'kin ni... he-who-must-not-be-named. LOL nevermind his name, hindi na dapat banggitin.

back to the topic, may natanggap akong text from my high school close friend. hindi kami madalas nag-uusap ngayon at nagkikita dahil pare-pareho kaming busy but since I'm the youngest sa group, every now and then, may isa sa kanila ang nagpaparamdam talaga sa'kin. through text or facebook. minsan, bigla na lang silang magyayaya ng mini reunion or get together para lang maging updated sila sa mga nangyayari sa'kin. sorry po, spoiled talaga ako minsan sa mga high school friends ko. bunso nga eh. :) masyado silang protective pagdating sa'kin dahil... well, amin na lang iyon. :P

anyway high-way, hindi ko na ide-detalye ang conversation naming dalawa. kasi wala talaga akong kuwentang kausap minsan eh. :) 'eto lang ang ise-share ko since ito ang pinaka-touching sa lahat ng sermon at advice niya sa conversation namin.

"Di ako masaya kasi kaunti lang kayong mga ka-close ko talaga but when you look at it, okay din kasi iyong  kaunti na iyon, sila iyong mga nakakasama ko until the end. Mga taong totoo kahit na hindi ako ganoon kadalas nakakausap o nakakasama. Mga taong maaasahan sa anumang oras. Look for real friends at sa kanila mo ipakita ang totoong ikaw. Iyong mga taong kasama mo ngayon, bago mo sila lapitan ng husto, tignan mo din kung tatagal ba talaga sila sa buhay mo kasi kung hindi, why bother making friends with people who will eventually leave, right?"

sa part pa lang na iyan, gusto ko nang umiyak. kasi kahit na pinipilit ko siya na wala akong problema at okay lang ako, hindi siya nakikinig sa'kin. sinasabi pa din niya kung anong ibig gusto niyang sabihin. and since alam sa barkada namin na weakness ko ang friends, iyon palagi ang topic namin. Alam nila na hindi ako mahirap kaibiganin. Mababaw lang kasi akong tao, hindi ako namimili ng mga taong lalapitan at kakaibiganin kaya madali akong masaktan kapag iniiwan ako ng mga taong tinuturing ko talagang kaibigan. Madali din kasi akong magtiwala at maging attach sa isang tao eh na hindi ko talaga maalis sa sistema ko.

pero 'etong part na 'to ang talagang nagpalambot sa puso ko. "Mamili ka mabuti and don't get attached too much para hindi ka masaktan if ever man dumating na iyong oras na mawawala na sila. Learn to control your emotions."

i agree, ngayon kasi nagagawa ko na siya kahit papa'no pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa din iyong nikka na sobrang lambot para sa iba. hindi makatanggi kapag may nanghihingi ng tulong. ngitian lang, feeling close na agad. ganoon, kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag inaatake ako ng ganoong mood.

pero i'm still thankful kasi may mga tao pa din talaga na kahit na sinusungitan at mina-malditahan ko para lang lumayo sila sa'kin at para makaiwas na masaktan ako, hindi pa din nila ako iniiwan. kahit papa'no, may mga taong pinatutunayan sa'kin na walang tatagal sa ugali ko at iiwan ako kapag nakilala na kung sino talaga ako. I'm thankful to those people na nagpapalakas ng loob ko kapag dumadating iyong part na gusto ko na talagang sumuko.

Kaya para sa mga taong iyon, thank you very much. You don't know how happy and thankful I am to God to have you by my side. Salamat sa pananatili sa tabi ko kahit na ako na yata ang pinaka-imposibleng tao sa buong mundo. Thank you for loving me kahit na sobrang tigas ng ulo ko. Makakabawi din ako sa inyo, in time. Kailangan ko muna sigurong pag-aralang kilalanin ang sarili ko para naman masuklian ko iyong mga pinapakita ninyo sa'kin. I love you guys. :)

PS: seryosong blogpost talaga 'to ngayon. LOL sa tingin ko naman, may sense siya compare sa ibang blogpost ko. LOL

xoxo
-nikka bianca-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento