Sabado, Setyembre 7, 2013

Education Department Grand Day-off!!!

It was a blast! Super biglaan ang event na 'to na dapat ay ngayong araw namin gagawin pero dahil sa iilang mga dahilan, kahapon kami lumakad. I mean the whole education department together with our adviser. Hindi namin ine-expect na magiging successful ang event namin kahapon.

We went to Rizal Park to conduct our little 'Amazing Race' there. As in buong Rizal Park nilibot namin. Mula Children's Playground, Dambana ni Lapu-lapu, Dambana ni Rizal, Lights and Sounds, Chinese and Japanese Garden, Quirino Grandstand, National Museum. Grabe! Super tiring pero masayang araw! Dahil nag-enjoy ang lahat sa ginawa namin. Nagkalabasan ng mga totoong ugali, nalaman kung sino-sino ang mga competitive na mga parte ng 'family' namin at kung ano-ano pa. Nag-enjoy sila sa bawat task na ipinagawa namin sa kanila.

After ng event, sabay-sabay kaming nag-lunch sa Japanese Garden. Congratulations sa Yellow Team (Melvin, Maron, Eloisa, Kim, Janet) dahil sila ang kauna-unahang champion ng unang Amazing Race ng Education Department. May mga bonds na namuo sa event na 'to kaya inaasahan na din namin simula ngayon na mas magiging close pa ang bawat isa sa mga educ students ng LCC-C. Parang mini team building na din kasi ang ginawa namin eh.

Ang saya kasi kahit kaming mga organizers ay napagod sa pinaggagagawa namin. Naulanan pa kami at tumakbo-takbo din kami. O diba, ang saya? Walang sakit-sakit basta magawa ang mga tasks na binigay sa'yo. :) After namin sa Rizal Park, nanood kami ng fireworks display sa Mall of Asia! Iilan na lang kaming natira pero nag-enjoy din kami dahil talaga namang nakaka-relax panoorin iyong fireworks. At halatang nag-enjoy din naman ang ibang coursemates namin.

Nagkaro'n man ng ilang hindi pagkakaintindihan at inisan, sana lang maayos din 'to. We're family kaya kahit anong away o gulo pa 'yan, dapat ayusin natin 'yan. Masyado nang maraming plastic sa mundo para dagdagan pa 'yan kaya chill lang guys okay? Ang isipin na lang natin, nag-enjoy tayong lahat dito.

One of the craziest and the most tiring moments ever! Pero one of the happiest moment din. :) sana maulit pa. :) iyong wala na akong sakit para sasali din ako sa mga maglalaro. :P

-nikka-


after the 'Amazing Race' game. :)

WHITE TEAM

BLACK TEAM

BLUE TEAM

YELLOW TEAM

THE ORGANIZERS

before we went to Mall of Asia



Fireworks!!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento