It was a success! Worth it ang lahat ng pagod, puyat, sakit ng ulo, stress, away-away, inisan, galitan at kung ano-ano pang nangyari sa buong course namin ng isang buwan nang dahil sa event na 'to. para sa'min, normal na lang ang magaway-away kami tuwing darating ang paghahanda namin para sa buwan ng wika dahil dito namin mararamdaman ang lahat ng ka-buwisitan sa mundo dahil magsasabay-sabay ang mga kailangan naming gawin pero sa huli, nagkakaayos-ayos din naman kami. So yeah, normal na lang po sa'min ang mga ginagawa namin.
In behalf of the whole Future Mentor's Society, I would like to thank Mr. Ronald Christopher Liwanag for making our video presentation. Malaking tulong ka sa'min, Ron at mahal na mahal namin ang gawa mo. magaling ka talaga kaya super thank you. :) sa susunod ulit. :P
Sa mga estudyanteng sumuporta sa event namin simula sa poster making contest, sa pandekokong pinoy, sa pag-cheer sa mga artists and dancers and the whole staff, super thank you. moral support na moral support at ramdam namin ang pagdamay n'yo sa paghihirap namin guys.
Sa mga professors na tumulong sa'min at natuwa sa ginagawa namin at nanonood sa mga practice namin tuwing gabi, thank you din po. Thank you sa pag-excuse sa'min sa ibang klase namin. Babawi na po kami since tapos na ang event namin. Babawi kaming lahat sa exam next week.
Next event ulit! Sana lalo pa kaming dumami para kaunti na lang ang gagawin ng bawat isa sa'min at sana medyo mature naman ang mga education students next year para maiwasan ang mga pagtatalo at pagkaka-inisan. :)
thank you.
-nikka-
EDUC dancing 'Piliin mo ang Pilipinas!
the 'Panaderos and Panaderas' of La Consolacion College-Caloocan
GO EDUC!!!!!
buddle fight!!!
ISDS featuring Ram and Belle singing 'Piliin mo ang Pilipinas'
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento