MAAGA pa lang ay
pumunta na si Nicko sa bahay ng kanyang ama para makausap ito. Nilunok na niya
ang lahat ng pride niya at siya na ang unang lalapit dito.
Naabutan niya itong nagkakape sa garden. It’s now or never, Nicko. Huminga muna
siya ng malalim bago lumapit dito.
“Dad…” tawag niya sa pansin nito.
Lumingon ito sa kanya at bagaman hindi ito
nanatiling Seryoso ang mukha nito, kitang-kita naman niya ang pagkislap ng
katuwaan sa mga mata nito. “What brought you here, hijo?” seryosong tanong
nito.
Umupo siya sa kaibayong silya at tumingin
ng deretso dito. “I want to clear things up between us, dad.”
“What do you mean?”
“Dad, you know what I mean. Tayong dalawa
na lang ang natitirang magkasama sa mundong ‘to, hindi dapat tayo nagkakagalit.
Kung ano man ang mga naging kasalanan ko sa’yo, I’m so sorry. Sorry for being
so stubborn. Ayoko lang kasi na parang robot lang ako na susunod-sunod sa lahat
ng mga iu-utos mo. I have my own life, dad. You should learn how to live with
that.
“I respect you and I love you.
Naiintindihan mo ba ko dad? I just don’t want to lose another loved one. Wala
na nga si mommy pati ba naman ikaw mawawala din dahil lang sa samaan ng loob?”
tuloy-tuloy na pagsasalita niya.
Sa pagkagulat niya ay tumawa ito. Sa
tinagal-tagal ng panahon ay ngayon lang uli niya ito narinig na tumawa ng
gano’n. And honestly speaking, nakakagaan ‘yon ng loob. Pero sa tingin niya ay
hindi ‘yon ang oras para tumawa ito.
“Dad, be serious. Ang dami-dami kong
sinabi tapos pagtatawanan mo lang ako?” frustrated na aniya.
Tumikhim ito at huminga ng malalim bago
muling tumingin sa kanya. “Sino ba naman kasi ang nagsuksok sa kukote mo na
galit ako sa’yo?” namamanghang tanong nito.
Napaisip siya. Saan nga ba niya nakuha ang
ideyang galit ito sa kanya. “Hindi ko alam. Nararamdaman ko kasi na simula
no’ng namatay si mommy, parang naging distant ka na eh. Puro trabaho na lang
ang inaatupag mo. Tapos kung itrato mo ko, parang isa lang ako sa mga empleyado
mo.”
Iiling-iling na pumalatak ito. “I’m not
mad at you, son. I never did and I never will. You’re my only son at mahal na
mahal din kita. Kahit na ga’no pa katigas ang ulo mo, hindi mababawasan no’n
ang pagmamahal ko para sa’yo. And about treating you differently after your mom
died, I’m sorry. Hindi naman ‘yon ang intensiyon ko kung bakit naging gano’n
ako sa’yo.
“I just want you to learn. Gusto kong
lumaki kang maging matatag at malakas. Not just physically but emotionally. I’m
sorry for hurting you in the process. Alam mo namang hindi expressive ang daddy
mo.”
Saglit siyang hindi nakapagsalita at
hinayaan ang utak niyang iproseso ang mga sinabi ng kanyang ama. Kapagkuwan ay
tumayo siya at lumapit dito. Niyakap niya ito ng mahigpit. “I’m so sorry, dad.
I really am. All this time pala ay katigasan ng ulo at pride lang ang pinairal
ko. I’m sorry.”
Tinapik nito ang braso niya. “It’s okay,
son. I’m glad na lumaki kang matatag at matibay ang loob. I only want what’s
best for you. And about deciding who you’ll marry---“
“It’s okay, dad. Wala nang problema sa
issue na ‘yan.” putol niya sa sasabihin pa nito.
Inilayo siya nito dito at nagtatakang
tiningnan siya. “What do you mean?”
“I decided to marry Nickie.” deklara niya.
Halatang natuwa ito sa ibinalita niya.
“Really? Alam na ba niya ‘yan?”
“Of course. Ang totoo niyan dad, kami na
ulit. Wala yatang makakatanggi sa charm ko.” pagyayabang niya. Masaya siya na
nakakausap na niya ng gano’n ang daddy niya. Na para bang magkaibigan lang
silang nag-uusap ng kung ano-anong bagay.
Tinawanan siya nito. “Buti hindi siya
nauntog at kinalimutan ka.” pang-aasar nito sa kanya.
“Ginamitan ko siya ng gayuma eh.”
“Anong klaseng gayuma naman ang ginamit
mo?”
“Kiss and charm. Perfect combination ‘yon,
dad. And very effective naman ‘yon in my case.”
Tumango-tango ito. “Mukhang tinamaan ka
talaga kay Nickie.”
“Matindi, dad. Sa sobrang tindi nagawa
kong magpaka-cheesy para lang sa kanya.” pag-amin niya.
Pumalatak ito. “Wala na pala ang macho at
suplado image mo eh. Titiklop ka rin pala sa charm ni Dominique.” patuloy na
pang-aasar nito.
“And because of that, I need your help.”
“Anong klaseng tulong naman?”
“I will propose to her. This time, I want
to give her the best proposal she deserved.”
“May naisip ka na bang idea?”
Bumalik siya sa pagkakaupo. “Gusto ko sana sa birthday niya. Para double celebration na, kompleto pa ang mga taong malalapit sa’ming dalawa.”
Bumalik siya sa pagkakaupo. “Gusto ko sana sa birthday niya. Para double celebration na, kompleto pa ang mga taong malalapit sa’ming dalawa.”
Tumango-tango ito. Mayamaya lang ang
naging abala na silang mag-ama sa pagpa-plano kung pa’no siya magpo-propose kay
Nickie.
EXCITED si Nickie sa
magaganap na simpleng dinner party na inihanda ng kanyang mga magulang para sa
twenty-second birthday niya.
Ang gusto talaga ng mga ito ay gawing
engrande ang party niya katulad ng taon-taon nilang ginagawa ngunit tumanggi
siya. Sa pagkakataong ‘yon ay ang mga mahal lang niya sa buhay at malalapit sa
kanya ang gusto niyang makasama. Not that she became anti-social, pero mas
gusto niyang kunin ang pagkakataong ‘yon para personal na pasalamatan ang mga
ito sa hindi pag-iwan at pagdamay sa kanya sa oras na kailangan niya ang mga
ito.
Isang simpleng sapphire blue na tube dress
ang suot niya. Humahakab ‘yon sa balingkinitan niyang katawan at hanggang tuhod
lang ang haba. Aaminin niyang na-miss niyang magsuot ng mga gano’ng klase ng
mga damit. Hindi tulad noong engagement party nila ni Nicko, hindi na siya
nangangati sa suot niyang dress.
Isa pa sa mga inaabangan niya ay ang
pagkikita nila ni Nicko. Bihira na silang magkita mula nang maging abala ito sa
trabaho nito ngunit hindi naman ito pumapalya sa pagtawag sa kanya kapag may libreng
oras ito. Kung minsan nga ay nakakatulugan pa nilang dalawa ang pag-uusap sa
cellphone. Nangako naman ito na pupunta ito sa kaarawan niya.
Sa huling pagkakataon ay pinasadahan niya
ng tingin ang kanyang kabuuan sa salamin at nang makontento ay lumabas na siya
ng kanyang silid. Pagbaba niya ay naghihintay na sa kanya ang mga magulang
niya. Agad na nilapitan niya ang mga ito nang makababa siya.
“How’s my most beautiful princess in the
whole world?” nakangiting tanong ng kanyang ama pagkatapos niya itong yakapin.
“Medyo kabado pero sobrang saya.”
Masiglang sagot niya.
“Halata nga eh. You’re glowing, hija.”
tukso ng mommy niya.
Nahihiyang nginitian niya ito. “Halata ba
masyado, mom?”
Sabay na tumawa ang mga magulang niya. “Malala
ka na talaga, pinsan. In love na in love ka masyado.” tumatawang komento ni
Mark na kapapasok lang ng front door. Hinarap nito ang mga magulang niya.
“Let’s go? Handa na po ang personal driver ng royal family.” biro nito at
bahagya pang yumukod sa kanila.
Iiling-iling na nagpatiuna ng maglakad ang
mga magulang niya. Umabrisite siya sa braso ni Mark. “Ang guwapo mo namang
driver, pinsan.” puri niya dito.
Pinitik nito ang tungki ng ilong niya.
“Bolera ka talaga, Nickie.”
“Totoo naman ang sinasabi ko. Bakit,
nagdududa ka pa ba na guwapo ka? Sa tingin mo hahabulin ka ni Jam kung hindi ka
guwapo?” panunudyo niya dito. Naikuwento nito sa kanya ang tungkol sa babaeng
madalas mangulit dito. Ang tawag pa nga nito sa babae ay stalker. Hindi pa niya
nakikilala si Jam pero excited siyang makilala ito. Ito lang kasi ang
nakakapag-pawala ng poise ng pinsan niya.
Sumimangot si Mark. “Don’t say bad words.”
saway nito sa kanya.
“Affected ka lang eh.” patuloy na
pang-aasar niya dito.
Inismiran lang siya nito ngunit hindi na
sumagot. Tatawa-tawa siya habang tinitingnan ang mukha nito. Naging masaya at
maingay ang biyahe nila dahil hindi niya tinigilan ang pang-aasar kay Mark.
Tawa lang naman ng tawa ang mga magulang niya habang nakikinig sa kanilang
mag-pinsan. Isa ‘yon sa talaga namang na-miss niya nang umalis siya sa kanila.
Pagdating nila sa China town’s best
restaurant ay si Miguel pa lang ang tao do’n kasama ang ama nito at ang daddy
ni Nicko. Kumunot ang noo niya habang lumalapit sa kaibigan. “M, ‘asan si
Nicko?” bulong niya dito.
“Male-late daw siya ng dating. May
tinatapos lang daw siyang trabaho.” sagot nito.
Nadismaya siya sa isinagot nito sa kanya.
Ang inasahan pa naman niya ay ibibigay nito sa kanya ang buong araw nito para
sa espesyal na araw na ‘yon. Huminga siya ng malalim at inabala na lang ang
kanyang sarili sa pag-estima sa mga bisita niyang nag-uumpisa nang magdatingan.
Masaya siya dahil kompleto ang mga kaibigan niya doon. Sina Xander, Gale, Elle
at maging si Mama Iveca ay dumating din.
Sandaling nawala ang atensiyon niya sa
paghihintay kay Nicko nang sa wakas ay mag-umpisa na ang party niya. Madaming
inihandang sorpresa ang mga bisita niya para sa kanya. Maging ang mga magulang
niya---sa unang pagkakataon---ay kumanta sa harap ng mga bisita.
Manghang-mangha siya sa mga ito dahil ‘yon din ang unang pagkakataon na narinig
niyang nag-duet ang mga ito. And she must admit, they’re great.
Muling bumalik ang pag-aalala niya nang sa
wakas ay mag-umpisa silang kumain. Sinubukan niyang tawagan ito ngunit out of
coverage area ang cellphone nito. Nilapitan niya ang daddy ni Nicko. “Tito,
bakit wala pa po si Nicko?” nag-aalalang tanong niya dito.
He smiled sweetly and tap her head. “Don’t
worry hija, dadating si Nicko. He’ll never miss your special day for the
world.” pang-aalo nito sa kanya.
Lumabi siya. “Ang akala ko kasi maghapon
kaming magkakasama. Eh sabi po ni M, may tinatapos daw pong trabaho si Nicko
eh.”
The old man chuckled. “Don’t worry too much.
Just enjoy your party. Hindi mo mamamalayan, nandito na pala siya.” Pinisil
nito ang ilong niya. “Smile ka na Nickie, okay?”
Pilit ang ngiting tumango siya pagkatapos
ay bumalik na siya sa mesa nila. Lagot talaga sa kanya si Nicko kapag hindi ito
dumating. Maghihintay siya hanggang sa matapos ang party niya. Bumalik na siya
sa mesang inookupa nila at nag-umpisang kumain.
Hindi pa niya napapangalahati ang kinakain
niya ay biglang dumilim ang buong paligid. At bago pa siya makapag-react ay may
humawak na sa isang kamay niya. Magsasalita na sana siya nang bigla siyang
nakarinig ng tunog ng gitara.
Napangiti siya. Isa na naman siguro ‘yon
sa mga pakulo ng isa sa mga kaibigan niya o nang kung sino mang malapit sa
kanya. Hinintay niyang magliwanag ulit at umayos siya ng upo. Alam niya ang
kantang tinutugtog ng kung sino mang tumutugtog niyon.
“You’re stuck on me with my laughing eyes,
I can’t pretend though I try to hide. I like you, I like you… I
think I felt my heart skip a beat, I'm standing here and I can hardly breathe.
You got me yeah, you got me… The way
you take my hand is just so sweet, and that crooked
smile of yours. It knocks me off my feet.”
Napanganga siya nang mula sa kuwarto kung
saan inilalabas ang mga pagkain ay lumabas doon ang napaka-guwapong si Nicko.
May hawak itong gitara habang kumakanta. Kung nasa ibang pagkakataon siguro ay
malamang na pinagtawanan na niya ito dahil hindi bagay sa suot nito ang
ginagawa nito.
For Pete’s sake, the man is wearing a
three piece black suit. Pero kahit gano’n, hindi man lang nabawasan ang
kaguwapuhang taglay nito. Ang cute nga nito sa hitsura nito dahil para itong
school boy na nanghaharana sa nililigawan nito.
Unti-unti itong lumalapit sa kinaroroonan
niya habang nakasunod dito ang spotlight na hindi niya alam kung saan
nanggagaling. “Oh, I just can't get enough. How much do I need to fill me up? It feels
so good, it must be love, It's everything that I've been
dreaming of… I give up, I give in, I let go, let's
begin, 'Cause no matter what I do. Oh, my heart is filled with you”
Hindi niya alam kung papa’no magrereact
nang pumunta ito sa gitna ng function room na ‘yon. Tahimik naman ang mga tao
sa paligid at tutok na tutok sa pagkanta ng binata. Nang matapos ito sa
pagkanta ay iniabot nito kay Miguel ang gitara nito at muling tumayo nang
tuwid.
Tumikhim pa ito at huminga ng malalim bago
humarap sa mesang inookupa niya at ng mga magulang niya. Tagilid na ngiti nito
nang tumingin sa kanya. “Ah… Well, I think I need to apologize for being late.”
Tinaasan lang niya ito ng isang kilay
ngunit hindi siya sumagot. Nagkamot ito ng ulo bago nagpatuloy. “Nag-practice
kasi ako ng mabuti para sa surprise number na ‘to. Ayokong masira ang surprise
birthday gift ko para sa’yo eh.”
“Go straight to the point, man. Ang dami
pang sinasabi eh.” tudyo ni Miguel dito.
Nilingon nito ang kaibigan at binigyan ng
matalim na tingin bago ibinalik ang tingin sa kanya. “Hindi ko na siguro
kailangan pa ng speech since alam mo na naman ang lahat ng reasons why I love
you, right? And God knows how lucky I feel dahil hindi ka tuluyang nawala
sa’kin. Baka nabaliw na ko no’n.” tumawa ito pagkatapos sabihin ‘yon pero halata
namang kinakabahan ito. Kung bakit? Hindi din niya alam.
Nag-umpisa itong lumakad palapit sa kanya
at nang makalapit ay inilahad nito ang isang kamay nito. Tinanggap naman niya
‘yon. Sinenyasan siya nitong tumayo na agad naman niyang sinunod. “Ano ba ‘to,
Nicko?” bulong niya dito.
Imbes na sumagot ay iginiya siya nito sa
gitna. Mahigpit na hawak pa rin nito ang kamay niya nang humarap sila sa mga
bisita. Kapagkuwan ay humarap ito sa kanya. “Gusto kong gawing witness ang
lahat ng mga bisita mo dito para sa gagawin kong proposal.”
“Ha?” naguguluhang tanong niya. “Anong
proposal?”
“Marriage proposal.” nakangiting sagot
nito.
“Pero hindi na naman kailangan ‘yon since
you’re already my---“
“That’s different.”
“But still---“
“One more word from you, Dominique at hahalikan na kita.” banta nito.
“One more word from you, Dominique at hahalikan na kita.” banta nito.
Agad naman niyang itinikom ang bibig niya.
Hindi dahil sa banta nito kundi dahil hindi siya ready na mahalikan sa harap ng
maraming tao.
Nagpatuloy na uli ito sa pagsasalita nang
masigurong hindi na siya sisingit pa. “Iba ‘yong engagement na nangyari sa’tin
before. It’s our parents who set that up at isang arrange marriage ang tingin
ko do’n. This proposal that I’m making is on my own free will. Hindi ako
inuutusan or whatsoever. Naiintindihan mo?”
Tumango lang siya.
“Okay.” saglit itong hindi nagsalita bago
hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay niya kapagkuwan ay lumuhod ito sa
harap niya. Narinig niya ang pagsinghap ng mga tao sa paligid at ang iba naman
ay pumito pa. “Dominique Del Rosario, I don’t think I can live my life without
you, so, can you please do me a favor of spending the rest of your life with
me?”
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at
sunod-sunod na tango ang isinagot niya dito. “Kailangan pa bang itanong ‘yan?
Hindi na rin naman kita hahayaang makawala pa sa’kin no.” nakataas ang isang
kilay na sabi niya dito.
Natatawang tumayo ito at niyakap siya ng
mahigpit. “I love you so much, baby.”
“And I love you more, Nicko.” natatawa na
ring sagot niya habang nag-uumpisang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata.
Sobrang saya niya at ‘yon na ang pinaka-magandang regalong natanggap niya sa
buong buhay niya.
“’Asan na ang singsing, anak?” tanong ng
daddy ni Nicko nang maghiwalay sila.
Lalo
siyang natawa nang ngumiwi si Nicko bago may kung anong dinukot sa bulsa ng
pantalon nito. Ang dating engagement ring niya ang isinuot nito sa daliri niya
pagkatapos ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at tinuyo ang mga
luhang hindi pa rin tumitigil sa pagtulo.
“Kiss… kiss.”
“Well? They’re asking for a kiss. Are we
going to grant their wish?” tanong ni Nicko sa kanya.
Ngumisi siya. “Kailangan pa bang itanong
‘yan?” balik-tanong niya pagkatapos ay hinila niya ang kuwelyo ng suot nito at
siya na ang naglapat ng labi niya sa labi nito. Wala na siyang pakialam kung
maraming tao ang nanonood sa kanila. They’re going to get married anyway.
Hinapit siya nito sa baywang at
nakangiting tinugon ang halik na inumpisahan niya.
---WAKAS---
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento