CHAPTER
ONE
BAHAGYANG idinilat ni
Simon ang kanyang isang mata nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa kanya.
Napa-ungol siya at bumiling ng higa sa kabilang panig ng kanyang kama nang
makita ang mukha ng kanyang inang si Rachel Jimenez.
May ideya na siya kung bakit ito ang
mismong gumi-gising sa kanya. Kadalasan ay ang mga kasambahay lamang ang
pumapasok sa kanyang silid para gisingin siya pero kapag ang ina na niya ang pumasok
doon at ginising siya sa napaka-agang oras ay alam niyang importante iyon.
Umupo siya at sumandal sa headboard ng
kama habang kinukusot ang kanyang mata ‘tsaka siya tumingin dito. "What is
it 'Ma?" tanong niya sa inaantok pang tinig. Masakit pa ang kanyang ulo
dala ng kalasingan nang nagdaang gabi. Madaling araw na siya naka-uwi dahil
hindi siya pinayagan ng kanyang kaibigang si Neil na umuwi hangga't hindi ito
nakakatulog. Iniintindi na lamang niya ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang
matalik na kaibigan.
“You’re Dad wants to talk to you.”
malambing ang boses na sabi nito. Gano’n talaga ang boses ng kanyang ina. Hindi
nga niya alam kung may kakayahan ba itong magalit o nagawa na ba nitong magalit
sa buong buhay nito. Hindi pa naman kasi nila nakikita itong nagtaas ng boses,
nainis o nagalit kahit minsan.
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.
“Me?” paniniguro niya. Bakit naman siya gustong kausapin ng Daddy niya? The
high and mighty Manuel Jimenez wants to talk to him? Tumawa siya ng mapakla.
“Himalang gusto niya akong makausap.” patuyang sabi niya.
Kahit noon pa mang bata siya ay hindi na
naging maganda ang pakikitungo ng kanyang ama sa kanya. Hindi niya alam kung
bakit malayo ang loob nito sa kanya. Sa kanya lang naman ito gano’n dahil
malapit ito sa dalawang nakatatanda niyang kapatid na sina Philip at Chris.
Sinubukan naman niyang makipaglapit dito
ngunit palagi lang siya nitong itinataboy. Malamig palagi ang pakikitungo nito
sa kanya at ang mga kalokohan lang niya ang palaging nakikita nito. Ginawa niya
ang lahat para mapansin nito. Nagsikap siya sa kanyang pag-aaral at sumali siya
sa Philippine Football Team para kahit papaano ay may maipagmalaki siya dito
ngunit wala bale-wala pa rin iyon dito. Kaya naman nagsawa na din siyang
paluguran ito at hinayaan na lang na gano’n ang pakitungo nito sa kanya.
Gusto na sana niyang bumukod ng tirahan
upang makalayo siya dito ngunit ayaw naman siyang payagan ng kanyang ina at mga
kapatid. Sa kanilang tatlong magkakapatid ay siya lang ang wala pang full-time
job dahil kahit papaano ay may kinikita naman siya sa pagiging isang freelance
photographer. Ngunit kahit naman gano’n ay hindi siya humingi ng kahit na anong
pera sa kanyang mga magulang at mga kapatid simula nang makapagtapos siya. Ang
perang mayroon siya ay ang nakuha niya sa sariling paghihirap niya at sa trust
fund na iniwan sa kanya ng Lola niya at
nakuha niya noong tumuntong siya sa edad na disi-otso.
Bumuntong hininga ito. “Sige na naman
anak. Baka importante ang pag-uusapan ninyo kaya puntahan mo na siya sa study
room. Alam mo na ayaw niya ng pinag-hihintay.”
Bumuntong hininga din siya. Alam niya
‘yon. Pero dahil hindi siya sanay na kinakausap ng kanyang ama ay hindi niya
maiwasang mag-alinlangan kung pupuntahan ba niya ito o hindi. Tiningnan niya
ang kanyang ina. Mahal niya ito at ayaw niyang makitang nasasaktan ito. Lahat
ay gagawin niya kahit na ang makipag-usap sa kanyang ama para lang ipakita sa
kanyang ina na ginagawa niya ang kanyang parte bilang anak.
Tumayo na siya at dumeretso sa banyo.
Naghilamos at nagmumog lang siya at bumalik na siya sa kanyang kwarto. Hindi na
siya nag-abalang magpalit ng damit dahil mag-uusap lang naman sila. Hindi na
naman siguro pupunahin pa ng kanyang dakilang ama ang suot niya. Naabutan niya
ang mommy niya na tinutupi ang kanyang kumot. “Mommy iwan mo na ‘yan. Ako na
lang ang mag-aayos niyan pagbalik ko dito.” pigil niya dito. Hinawakan pa niya
ang mga kamay nito para siguruhing titigil nga ito sa ginagawa. Hinila na niya
ito palabas ng kanyang silid at pinuntahan ang daddy niya sa study room.
Akmang bubuksan na niya ang pinto nang
pigilan siya ng mommy niya. Kunot-noong tiningnan niya ito. “Ikaw na lang ang
pumasok sa loob at ipaghahanda ko pa kayo ng almusal sa kusina.” nakangiting
sabi nito at hinaplos ang kanyang pisngi.
Nagtataka siya sa kanyang ina. Bakit
parang may iba sa ikinikilos nito? Parang may alam ito na hindi niya alam.
Kahit na naguguluhan pa din siya ay hinayaan na niya itong iwan siya doon at
pumasok na sa loob. Ang inaasahan niya ay ang daddy lang niya ang tao sa loob
ng silid pero hindi pala. Nandoon din ang kanyang mga kapatid at isa pang
lalaki na sa tingin niya ay nasa singkuwenta na ang edad.
“Simon...” tawag sa kanya ng daddy niya sa
pormal na tinig.
Tiningnan niya ito. Pormal na pormal ang
mukha nito. Binaling niya ang tingin sa kanyang mga kapatid. Tahimik na
nakamasid din sa kanya ang mga ito. Parang sinasabi ng mga hitsura ng mga ito
na maging ang mga ito ay walang alam sa kung bakit sila nandoon lahat.
Akmang hahakbang na siya palapit sa mga
ito ng biglang bumukas ang pinto ng study. Dahil hindi naman siya umalis sa
kanyang pwesto at dahil sa biglang pagbukas no’n ay natamaan siya sa likod
dahilan para sumubsob siya sa sahig. Napangiwi siya. Pakiramdam niya ay nabali
ang spinal cord niya sa lakas ng pagkakatama sa kanya ng pintuan.
Agad naman siyang dinaluhan ng mga kapatid
niya. “Okay ka lang ba Mon?” tanong ng kanyang Kuya Chris. Maging ito ay
nakangiwi habang nakalapat ang isang kamay nito sa kanyang likod.
“Mukha ba ‘kong okay?” halos pabulong na
sagot niya dito. Hindi niya magawang tumayo dahil masakit talaga ang kanyang
likod. Maging si Philip ay hindi tumigil sa paghimas sa nasaktan niyang likod
para marahil mabawasan ang sakit niyon.
“Kuya okay ka lang?” tanong ng boses ng
isang babae.
Nilingon niya ito. At sinalubong siya ng
nag-aalalang tingin ng isang dalagitang sa tingin niya ay nasa labing-dalawang
taong gulang pa lamang. Maganda ito. Sa tingin niya ay hindi ito purong
Pilipino dahil singkit ang itim na itim na mga mata nito.
Tango lang ang isinagot niya dito at
sinubukan niyang tumayo. Tinulungan naman siya ng mga kapatid niya at
inalalayan siya hanggang sa pag-upo sa sofa kung saan nakaupo ang mga ito. Muli
niyang tiningnan ang batang babae sa kanyang harap. Nakaupo na ito sa tabi ng
lalaking bisita ng daddy niya at nakatingin sa kanya. May kung ano sa paraan ng
tingin nito sa kanya na nakapagpa-ngiti sa kanya.
Ang cute nito. Mukha itong manyika. Maputi
at makinis ang balat nito. Matangos ang ilong nito at manipis ang mala-rosas na
labi nito.
Gumanti naman ito ng ngiti. Natigilan siya
ng makita niya ang ngiti nito. Pantay ang maliliit at mapuputing mga ngipin at
lumitaw ang mga malalalim na biloy sa magkabilang pisngi nito. Mukha itong
isang batang nagkaroon ng isang bagong kaibigan kung makatingin sa kanya.
Kumikislap pa ang mga mata nito na wari’y tuwang-tuwa sa ginawa niyang
pag-ngiti dito.
Narinig niyang tumikhim ang kanyang ama.
Nang tingnan niya ito ay mataman siya nitong tinitingnan. “What do you want to
talk about, Dad?” pormal na tanong niya dito. Hindi iyon ang oras para
makipagngitian siya sa kung sinuman ang batang nasa harap niya.
“I want you to meet Enrique Lee.”
Pagpapakilala nito sa lalaking nakaupo sa katapat ng sofang inuupuan nilang
magkakapatid. “He’s a good friend of mine from Korea and this girl beside him
is his only girl, Monica Lee.” anitong itinuro ang batang babae. Bahagyang
lumambot ang ekspresyon ng mukha nito nang tingnan ang batang babae.
Yumukod ang babae sa kanila. “Annyeonghaseyo yorobeun. Jeirumun Monica
Lee imnida, Nica for short.”
Pagpapakilala nito sa lenggwahe ng mga ito.
“I told you not to speak in Korean
anymore. We’re in the Philippines so you should speak in Filipino all the
time.” saway dito ng ama nito.
Sumimangot lang ang dalaga. “Arasseo.” anito. Hindi man niya
maintindihan ang sinasabi ng dalaga ay natutuwa siya sa paraan ng pagsasalita
nito ng Korean. He found it adorable actually. Cute.
“Nice to meet you little girl.”
Nakangiting sabi niya dito.
Nagsalubong ang makakapal na kilay nito.
“Little girl?”
Napakunot-noo siya. Sa paraan ng
pagkakatingin nito sa kanya ay parang may sinabi siyang hindi maganda o
nakaka-offend para dito. Tiningnan niya ang kanyang ama na tahimik lang na
nakamasid sa mga nangyayari. “She’s already twenty-four.” Sabi nito sa
seryosong tinig.
Gulat na muli niyang tiningnan si Nica.
“Twenty-four ka na?” kompira niya dito. Wala sa hitsura nito na lagpas beinte
na ang edad nito. Ang akala pa naman niya ay nasa dose-anyos pa lang ito.
“Ayaw niya na tinatawag na little girl.”
anang daddy nito na tagilid ang pagkakangiti.
“I’m sorry.” hingi niya ng paumanhin dito.
Tumango lang ito at hindi na ulit
nagsalita. Nawala na ang kislap sa singkit na mga mata nito at hindi na din ito
ngumiti.
“Ano ba ang pag-uusapan natin, Dad?” basag
ni Philip sa namuong katahimikan sa paligid.
Tumikhim muna ang kanyang ama bago
nagsimulang magsalita. “As I’ve said earlier, Enrique is a good friend of mine.
Babalik na siya ng Korea bukas para asikasuhin ang mga negosyo nila doon at
gusto niyang iwan dito sa Pilipinas si Nica.” maikling paliwanag nito.
“What’s that got to do with us? I mean
bakit kailangan mo pang ipaalam sa’min ‘yan, Dad? As if naman may magagawa pa
kami kung nakapag-decide ka na di ba?” ani Chris. Sa kanilang tatlong
magkakapatid ay ito lang ang may lakas ng loob at tapang na sumagot-sagot sa
kanilang ama. Hindi naman ito pinipigilan ng daddy nila kaya hindi na lang sila
umiimik ni Philip. Kakampi kasi nila ang kanilang panganay na kapatid kaya ayos
lang sa kanila ang minsang pagiging mahigpit nito.
“She’s staying here.” deklara ng kanilang
ama.
Tumango-tango lang ang mga kapatid niya
pero siya ay hindi umimik. Kahit naman subukan niyang magsalita o magbigay ng
opinyon ay hindi rin siya pakikinggan nito o papansinin man lang. Katulad nga
ng sinabi ng Kuya Chris niya, walang nakakapigil sa daddy nila sa mga desisyong
binibitiwan nito.
Muli niyang tiningnan ang dalaga. Tahimik
pa rin ito at nakatingin sa direksyon niya ngunit alam niyang lagpas-lagpasan
sa kanya ang tingin nito. Parang ang lalim ng iniisip nito at hindi na nito
napapansin ang mga kasama nito sa paligid.
“Gusto lang niyang magbakasyon muna dito
dahil matagal na siyang hindi nakakadalaw dito sa Manila. Besides, andito ang
mga kaibigan at kabanda niya dahil nagtayo na ng bar and restaurant ang isa sa
kanila. Matagal na nga niya akong inuungutan na gusto niyang bumalik dito pero
dahil sa hectic ang schedule ko ay hindi kami agad nakaalis ng Korea.”
paliwanag ng ama ni Nica.
“Wala ka bang ibang ginagawa sa Korea at
gusto mong pumunta dito?” tanong ni Philip.
“Nandito ang mga kaibigan ko. Trabaho ko
na ring itinuturing ang pagkanta at pagbabanda kasama sila kaya nang minsang
kausapin nila ako at sinabihan na gusto nila akong pauwiin dito para pabalikin
sa banda naming ay pumayag na ko. Hindi ko na kasi makita ang sarili ko na iba
ang ginagawa bukod sa nakasanayan kong trabaho eh.” paliwanag naman ni Nica.
May nababasa siyang pangungulila sa mga mata nito. Siguro ay dahil name-miss na
nga nito ang mga kaibigan nito. At sa hindi niya malamang kadahilanan ay
nakaramdam siya ng kakaibang excitement sa isiping sa kanila mananatili ang
dalaga.
“If she wants to stay here then why not?”
singit niya habang nakatingin ng deretso kay Nica. Nang tumingin ito sa kanya
ay wala na ang pangungulilang nakita niya sa mga mata nito at napalitan ‘yon ng
pagkairita.
“If my Dad wants me to stay here then i’ll
stay here. And besides Tito Manny already said yes so be it.” mataray na sabi
nito habang sinasalubong ang titig niya.
Nagkibit balikat lang siya. May kakaibang
ugali ang babaeng ito na lalong nagpapatindi ng kanyang kuryosidad. He wants to
know more about her. He wants to be friend with her. That’s what he realized
while looking at her dark eyes.
“So that’s settled then.” pinal na sabi ng
kanyang ama bago binalingan ang kaibigan nito. “You don’t have to worry about
your daughter, Erick. Hangga’t nandito siya sa amin ay ligtas siya. At hindi
naman siguro siya malulungkot dito dahil marami naman siyang puwedeng
pagkaabalahan bukod sa trabaho niya.” dagdag pa nito.
Ngumiti si Mr. Lee ‘tsaka bumaling sa
kanilang magkakapatid. “Kayo na ang bahala sa dalaga ko. I know she’s safe
here.”
“Bakit kung magsalita ka Daddy parang
naghahabilin ka na?” ani Nica sa nagbibirong tinig habang nakangisi ito.
Ginulo lang ni Mr.Lee ang buhok ng anak
nito at inakbayan. “Syempre matagal din tayong hindi magkikita. I just want
them to assure me that you’re in good hands.” natawa ito ng simangutan ito ng
anak nito.
Ang sarap panoorin ng mga ito na maglambingan
ng gano’n. Halatang malapit ang mga ito sa isa’t-isa at normal na ang mga
ganoong pag-uusap ng mga ito kagaya ng nangyayari ngayon. Napalingon silang
lahat ng bumukas ang pinto ng silid at sumungaw ang mukha ng kanyang ina.
“Kakain na. Tapos na ba ang usapan?” nakangiting sabi nito sa kanila.
Sa pagkagulat niya ay biglang nagliwanag
ang mukha ni Nica at patakbong lumapit sa mommy niya. Kumapit ito sa braso nito
at nang muling humarap sa kanila ay nakangiti na ito. “Kain na tayo. Gutom na
ako eh.” pagyayaya nito at nauna na sa paglabas ng silid kasabay ang kanyang
ina.
Iiling-iling na sumunod naman ang dalawang
matanda na ngayon ay magkaakbay na. “Sa tingin ko ay mag-eenjoy nga ang anak mo
dito.” sabi ng daddy niya kay Tito Erick.
“Sa tingin ko din. Ngayon pa lang ay
nagpapasalamat na ako sa asawa mo Manny dahil napapangiti niya si Monica.” may
lungkot siyang nababanaag sa mukha nito.
“Maligo ka na muna bago ka sumalo sa
agahan. May practice game pa kayo mamayang alas-kwatro ng hapon di ba?” imporma
sa kanya ng Kuya Chris niya.
Wala sa sariling tumango lang siya habang
ang isip niya ay lumilipad sa kung saan. Kahit na hindi na niya nakikita si
Nica ay parang nakaukit na ito sa isip niya kahit na wala pa naman silang isang
oras na magkakilala. Parang napaka-gaan ng loob niya dito at tuwang-tuwa siya
sa iba’t-ibang ekspresyon nito habang nag-uusap-usap sila. Gusto niyang lalo
pang mapalapit dito.
Bakit siya nakakaramdam ng mga banyagang
damdamin simula nang makita niya ang mukha nito? Bakit gusto niyang makilala pa
ito? Bakit gusto niyang maging malapit dito? Bakit parang naaakit siya sa
magandang ngiti nito? Bakit parang mahal na niya ito?
Bigla niyang ipinilig ang kanyang ulo.
Kung ano-ano na ang mga tanong na pumapasok sa kanyang utak. Imposibleng
makaramdam kaagad siya ng pagmamahal sa isang babaeng ngayon lang niya
nakilala. Una ay hindi pa niya alam ang totoong kahulugan ng salitang
pagmamahal. Hindi pa naman siya nagmamahal ng totoo kahit madami na siyang
naging karelasyon. Pangalawa ay hindi siya naniniwala sa ‘love at first sight’
kaya imposible ang huling tanong na pumasok sa isip niya.
Tinapik niya sa balikat ang dalawang
kapatid at bumalik na sa kanyang silid. Ligo lang ang katapat ng kung anuman
ang nararamdaman niya. Inayos muna niya ang kanyang kama ‘tsaka siya naligo.
Kalilimutan na niya ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isip. Hindi lang
naman sa kanya ibinilin ang babaeng iyon kaya wala siyang responsibilidad na
bantayan at i-entertain ito sa lahat ng oras. Nandiyan pa naman ang mga kapatid
niya at mga magulang niya para alalayan ito at tulungang makapag-adjust kung
kailangan pa nga ba nito niyon.
Mabilis na nag-ayos siya ‘tsaka lumabas ng
silid bitbit ang kanyang sports bag at susi ng kotse niya. Nagsalo-salo na
silang kumain at pagkatapos ay sabay-sabay silang magkakapatid na nagpaalam sa
kanilang mga magulang na aalis na. Papasok na rin kasi ang mga ito sa
kanya-kanyang mga trabaho.
Hindi na niya nagawang makapagpaalam kay
Nica dahil ang buong atensyon nito ay nasa kanyang ina na giliw na giliw dito.
“Mag-iingat kayo.” bilin ng mommy nila.
Hinalikan nila nito sa pisngi bago lumabas
ng bahay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento