ABALA si Nickie sa
pag-aayos ng mga gamit niya nang araw na ‘yon. Sinasabayan pa niya ang kantang
tumutugtog sa laptop niya habang inilalagay sa malalaking bag at mga kahon ang
mga ‘yon.
Tatlong araw na ang nakararaan nang sa wakas
ay magkaro’n siya ng lakas ng loob na puntahan ang mga magulang niya at
makipag-usap sa mga ito. Nagkakuwentuhan pa sila ng matagal-tagal at
nagbalitaan ng mga bagay na nangyari sa kanila nang mga araw na hindi sila
magkakasama. Ang gusto pa nga ng mga ito ay doon na sila matulog ni Nicko nang
gabing ‘yon. Sinabi na lang niya sa mga ito na babalik siya kinabukasan at may
pasok pa ang binata sa opisina kaya hindi nila puwedeng pagbigyan ang mga ito.
Wala sa sariling napangiti siya nang
maalala si Nicko. It’s been three days since that little incident between them
outside her parent’s house. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan
kung ano ang nangyari at bigla na lang siyang hinalikan nito.
Hindi naman sa nagrereklamo siya.
Honestly, she loved it. Hindi naman ‘yon ang unang beses na nahalikan siya nito
pero pakiramdam niya ay first kiss niya ‘yon. Well, technically, iyon ang first
real kiss na namagitan sa kanila ni Nicko at masasabi niyang nakakaadik pala
ang mga labi nito.
Humagikgik siya sa pilyang ideya na
pumasok sa isip niya. How she loved that man. Hindi niya alam kung anong gayuma
ang ginawa nito sa kanya at hindi na mawala ang nararamdaman niya para dito.
Kahit noon pa ay gano’n na siya kabaliw dito. Hindi nga lang niya sinasabi ‘yon
dahil natatakot siya na baka layuan siya nito. At least ngayon, nagagawan niya
ng paraan para ma-in love ito sa kanya. Malaking advantage ang pagiging slave
nito para magawa niya ‘yon.
Inilabas niya ang mga naipon niyang
koleksiyon sa de kahoy na cabinet na ipinagawa niya. Ayaw kasi niya nang
nadudumihan ang mga koleksiyon niya kaya niya naisipang ipagawa ang cabinet na
‘yon. Karamihan sa mga naipon niya ay mga palaka. Iba’t-ibang uri ng gamit,
basta may mukha ng palaka ay iniipon niya.
“Bakit ang dami mong palaka?” tanong ng
baritonong tinig na nagpagulat sa kanya. Sapo ang dibdib na nilingon niya ang
pinto at parang gustong tumalon ng puso niya palabas sa ribcage niyon nang
masilayan ang guwapong mukha ni Nicko na nakasandal sa gilid ng pinto ng
kuwarto niya habang nakahalukipkip. Halatang galing ito sa opisina.
“’Wag ka ngang nanggugulat diyan. Baka
atakihin ako sa puso nang wala sa oras eh.” pagtataray niya dito kahit na ang
totoo ay gusto niya itong daluhungin ng yakap at pupugin ng halik ang buong
mukha nito. “What are you doing here?”
Nagkibit balikat ito at nagsimulang
lumakad palapit sa kanya. “I’m here to help you pack your things. I’m your
slave, remember?”
“Oo nga pala. Okay, ikaw na ang mag-ayos
ng mga ‘yan.” utos niya dito.
Agad naman itong sumunod. Inililis nito
ang manggas ng suot nitong long sleeves bago inumpisahang ayusin ang mga gamit
niya. “Seriously, sa dinami-dami ng mga puwede mong i-collect, bakit si keroppi
pa ang napili mo? Dati si pikachu na may hepa ang kinikolekta mo ngayon naman
si keroppi.” tanong nito habang nakatuon ang atensiyon sa paglalagay ng mga
gamit sa kahon.
Nagkibit-balikat siya bago umupo sa gilid
ng kama. “Nag-umpisa lang naman akong matuwa kay Kerokeroppi no’ng malaman kong
takot si Les sa palaka eh. Natatandaan mo siya? ‘Yong classmate ko na kasama sa
team ng tennis club?”
Bigla itong tumigil sa ginagawa at hinarap
siya. Nakasimangot ito. “Ano? Paki-ulit nga ang sinabi mo.”
Kumunot ang noo niya. “Alin do’n?”
“When did you start collecting these
stupid frogs?”
“Hey! Don’t call them stupid! Wala namang
ginagawa sa’yo ang mga palakang ‘yan ah.” saway niya dito.
“Dahil lang ayaw ng Lessander na ‘yon ng
palaka, natuwa ka na? And just that? Nangolekta ka na ng mga ‘to?” patuloy na
pagtatanong nito.
“Ano bang problema mo? Bakit bigla ka na
lang nagagalit?” naiinis na tanong niya. Kanina lang ay maganda naman ang mood
nito pagkatapos ngayon ay magagalit ito nang hindi man lang niya alam ang
dahilan?
“Stop collecting this freaking frogs,
understand? Itatapon mo na ang lahat ng mga ‘to.” Kumuha ito ng malaking
plastic at inilagay doon ang mga gamit niyang makitaan nito ng mukha ng palaka.
Hindi pa ito nakontento, kinalat pa nito ang mga gamit niyang naayos na niya at
tiningnan kung may makikita pa itong mukha ng palaka do’n.
“Bakit ba pinag-iinitan mo ‘yang mga
palakang ‘yan? Inaano ka ba nila?” naningkit ang mga mata niya nang may
maalala. “Sa mga palaka ka ba galit o sa dahilan kung bakit ako nangongolekta
ng mga ‘yan? Nagseselos ka kay Les no?” panunudyo niya dito. Dumapa siya sa
kama para makalapit siya dito. Ipinatong niya ang baba sa mga kamay niya habang
nakatukod ang mga braso niya sa kama.
Naiinis na lumingon ito sa kanya dahilan
para magkalapit ang mga mukha nila. Nahigit niya ang hininga nang
makipagtitigan ito sa kanya. “What if I am? Anong gagawin mo? Itatapon mo na
‘tong mga palakang ‘to?” naghahamong tanong nito.
Hindi siya makasagot. Hindi dahil hindi
niya alam ang isasagot kundi dahil masyadong malapit ang mukha nito sa kanya.
Napakabilis ng kabog ng dibdib niya. Isang maling galaw lang niya ay may
posibilidad na maglapat na ang mga labi nila. Napalunok siya.
Mukhang naramdaman nito ang kabang
nararamdaman niya dahil lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. “I’m asking
you a question, honey.”
Wala sa sariling napatango siya.
Ngumiti ito ng malapad at dinampian ng
masuyong halik ang labi niya bago ito lumayo sa kanya at itinuloy ang pag-aayos
ng mga gamit niya. Ilang minuto rin siyang nakatunganga lang do’n at hindi
makagalaw.
What
the hell just happened?
Pumikit siya ng mariin
at patihayang humiga sa kama. Hindi na niya pinansin si Nicko na abala pa rin
sa ginagawa nito. Sinapo niya ang dibdib na hindi pa din tumitigil sa pagtibok
ng mabilis. Shit na malagkit!
Kinikilig talaga siya sa mga nangyayari sa
kanila. Ang dati nang nararamdaman niya para sa binata ay lalong tumindi at
lumalim. Well, hindi naman siguro masamang mag-assume na kahit papa’no ay may
nararamdaman na rin ito para sa kanya kung ang mga kilos nito ang pagbabasehan.
Napapiksi siya nang maramdaman ang
pagpisil na ‘yon sa tungki ng ilong niya. Bumangon siya at umupo sa kama habang
hinihimas ang nasaktang ilong. “Masakit ‘yon ha.” nakasimangot na reklamo niya.
“Kasi naman wala na naman sa earth ang
utak mo.” ani Nicko na umupo sa tabi niya. “Labas tayo mamaya.” biglang sabi
nito mayamaya.
Napalingon siya dito dahil sa sinabi nito.
“Pakiulit nga.”
Itinukod nito ang mga kamay sa kama at
inilapit ang mukha sa kanya. “Ang sabi ko labas tayo mamaya.” ulit nito sa
sinabi kanina sa mas malakas na boses.
Inilapat niya ang isang palad sa mukha
nito at inilayo ‘yon sa mukha niya dahil baka hindi siya makapagpigil at siya
na ang humalik dito. “Narinig ko na.” tumayo siya at nakapamaywang na hinarap
ito. “Saan naman tayo pupunta?”
Nagkibit-balikat ito. “Kahit saan. Ikaw,
saan mo ba gustong pumunta?”
Saglit siyang nag-isip. Mayamaya ay
nakangisi siya nang muli itong balingan. “Alam ko na kung saan tayo pupunta.”
Kumunot ang noo nito. “Saan?”
“Basta. Pero…” tiningnan niya ang suot
nito. “Magpalit ka ng damit ha? ‘Yong casual lang. Hindi bagay ‘yan sa
pupuntahan natin mamaya.”
Naningkit ang mga mata nito. “Anong
kalokohan ‘yan, Dominique?” tanong nito. Nasa anyo nito ang pagdududa.
“Wala.” pagmamaang-maangan niya. “Kanina
tinatanong mo ko tapos ngayon ganyan ang hitsura mo.” tinalikuran na niya ito.
“Diyan ka na nga. Ayusin mo na ‘yang mga gamit ko tapos umuwi ka na sa bahay
n’yo.”
Ngunit bago siya tuluyang makalabas ng
kanyang silid ay hinapit na siya nito sa baywang at niyakap mula sa likuran.
Nahigit niya ang hininga at hindi nakapag-react sa ginawa nito. Bumalik sa
alaala niya ang namagitan sa kanila sa labas ng bahay ng mga magulang niya
pagkatapos niyang kausapin ang mga ito.
“Hey! Lumayo ka muna sa’kin. Ang baho ko
kaya.” aniya nang makabawi. Bigla niyang naalala na hindi pa nga pala siya
naliligo dahil tinapos pa niya ang pag-aayos ng mga gamit niya.
Ngunit imbes na lumayo ay lalo lang nitong
hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “Hmmm…”
Pinalo niya ang mga braso nitong nakayakap
sa kanya. “Nicko, ano ba?” saway niya dito.
“’Wag kang malikot. Hindi ka naman mabaho
eh.” bulong nito sa tapat ng tainga niya. That simple gesture sent shiver down
her spine. Nanlalambot na siya dahil sa nararamdaman niya.
“Maliligo na muna ako. Sige na.”
“Dito ka muna. Five minutes lang then I’ll
go home na.”
Hindi na siya nagsalita at hinayaan na
lang ito sa gusto nito. Gusto rin naman niya ‘yon kaya hahayaan na lang niya na
makulong siya sa mga bisig nito. Pumikit siya at ninamnam ang pakiramdam na
makulong sa mga bisig ng lalaking minamahal.
“NA-MISS ko ‘to,
Nickie. Promise.”
Natawa si Nickie dahil sa sinabing ‘yon ni
Nicko. Kasalukuyan silang nasa gitna ng field ng La Salle. Pagkatapos nilang
bumili ng sandamakmak na pagkain ay doon na sila dumeretso. Mabuti na lang at
pinapasok sila ng guard at may mga estudyante pang naroroon kaya hindi sila
nahirapan.
“Dahan-dahan naman. Mabulunan ka niyan
sige ka.” humiga siya sa damuhan. “Sana kasama rin natin si M dito. Nakaka-miss
‘yong magkakasama tayong tatlo habang kumakain dito eh.”
“Okay lang ‘yan. ‘Wag na si M at istorbo
lang ‘yon sa date natin eh.”
Nilingon niya ito at nginisihan. “Eh di inamin
mo rin na date ‘to. Magde-deny ka pa kanina eh.”
Nagkibit-balikat ito habang patuloy sa
pagsubo ng carbonara na binili nila sa Red Ribbon. “Wala lang. Trip lang naman
‘yon eh.”
Bumangon siya at inagaw ang kinakain nito.
“’Wag mo kong ubusan. Ang takaw mo naman eh.”
Umungol ito tanda ng pagpoprotesta.
Nginuya muna nito ang nasa bibig at uminom ng tubig bago siya muling
binalingan. “Ikaw naman kasi sabi ko sa’yo dagdagan natin ‘yong order eh. Tapos
ngayon aagawan mo ko ng pagkain.” parang batang reklamo nito.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “May
reklamo ka do’n?”
“Wala ‘no. Sino nagsabing nagrereklamo ako?” ngumiti ito ng matamis. “Sige lang kumain ka lang diyan. Damihan mo at nang tumaba ka naman.” udyok pa nito sa kanya.
“Wala ‘no. Sino nagsabing nagrereklamo ako?” ngumiti ito ng matamis. “Sige lang kumain ka lang diyan. Damihan mo at nang tumaba ka naman.” udyok pa nito sa kanya.
Natawa na lang siya. Ang cute talaga nito.
Kung bakit ba kasi ngayon lang niya nakikita ang totoong ugali ni Nicko? Palagi
kasi itong nagsusungit kapag nasa paligid siya. Mabibilang nga yata sa kamay
ang mga pagkakataong nakita niya itong ngumiti ng masuyo sa kanya. Pero kahit
gano’n ay wala namang nagbago. Mahal pa rin niya ito. Kahit yata maging
kriminal pa ito ay mamahalin pa rin niya ito eh.
Umisod siya palapit dito at iniumang ang
paper plate na naglalaman ng carbonara. “’Ayan na po, subo na.”
Inilayo lang nito ang mukha. “’Wag na. Sige
na kainin mo na ‘yan.” tanggi nito.
Lumabi siya. “Niloloko lang naman kita eh.
‘Eto naman nagtatampo agad.”
Ngumiti ito at pinisil ang ilong niya.
“Hindi naman ako nagtatampo eh. Kumain ka na lang, okay? Madami pa naman tayong
pagkain dito eh.”
Umingos lang siya at tinalikuran na ito.
Kung ayaw nitong subuan niya ito, eh di ‘wag. Siya na lang ang kakain ng
carbonara na ‘yon.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito
pagkatapos ay naramdaman na lang niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa
baywang niya. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya. “Nagtampo na naman ang
baby ko.”
Huminga siya ng malalim dahil biglang nagkabikig sa lalamunan niya at bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Hindi na talaga siya masasanay sa mga kakaibang nararamdaman niya para sa binata.
Huminga siya ng malalim dahil biglang nagkabikig sa lalamunan niya at bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Hindi na talaga siya masasanay sa mga kakaibang nararamdaman niya para sa binata.
“Hindi naman ako nagtatampo. Kakain lang
ako.”
“Sige lang kumain ka lang diyan. Dito lang
ako.” bulong nito at ibinaon ang mukha sa leeg niya.
“Pa’no kaya ako makakakain niyan kung
andiyan ka?”
“Naiilang ka?”
Napakagat-labi siya dahil ramdam na ramdam
niya ang mainit na hininga nito sa sensitibong parte ng leeg niya. “Oo.”
pag-amin niya.
Nag-angat ito ng mukha. “Bakit ka
naiilang?”
Bakit nga ba? “Basta. Naiilang ako.”
kunwari ay pagtatapang-tapangan niya kahit na gusto na niyang lumubog sa
kinauupuan niya. Pupusta siyang pulang-pula na ang mukha niya.
Kinuha nito sa kanya ang hawak na paper
plate pagkatapos ay pinilit siya nitong humarap dito. Tinitigan siya nito sa
mga mata. “Bakit ka naiilang? Hindi kaya dahil may feelings ka rin para
sa’kin?” panghuhula nito.
Hindi siya nakasagot at nagbaba lang ng
tingin pero mayamaya lang ay biglang bumalik ang tingin niya dito. “Rin?”
kunot-noong tanong niya. “What do you mean ‘rin’?”
“Ano sa palagay mo ang ibig sabihin
niyon?”
“Don’t tell me…”
“What?” panghihimok nito.
“Ako pa ba ang kailangang magsabi? Hindi
ba dapat ikaw na ang nagsasabi niyon?” nakataas ang isang kilay na aniya.
Bumuntong hininga ito. “Okay fine. I love
you. Satisfied?”
Natameme siya. So, tama pala ang hinala
niya. May karapatan naman pala siya para mag-assume dahil may nararamdaman na
rin ito para sa kanya. Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa dahil sa
nag-uumapaw na kaligayahang nararamdaman niya nang mga sandaling ‘yon.
“Hey! Anong nangyari sa’yo? Gano’n na ba
talaga ang epekto ng pagsasabi ng I love you ngayon?” natatarantang hinawakan
nito ang mukha niya at pinunasan ang mga luhang hindi niya namalayang tumulo na
pala. “Stop crying, Nickie.”
Natatawang isinubsob niya ang mukha sa
dibdib nito. Hindi pa siya nakontento at tuluyan na niyang pinakawalan ang
damdamin niya. Niyakap niya ito ng mahigpit. “Bakit ngayon mo lang sinabi
‘yan?” garalgal ang tinig na tanong niya dito.
Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso
nito sa katawan niya habang hinihimas ang likod niya. “Ang akala ko naman
nararamdaman mo na ‘yon eh. Hindi ba halatang mahal kita? Hindi ko kasi alam
kung pa’no sasabihin sa’yo kaya dinadaan ko na lang sa gawa.”
“Siyempre hindi naman ako puwedeng
mag-assume eh. Pa’no pala kung mali ako ng akala? Eh di napahiya ako at
nasaktan.”
“Okay. I’m sorry. Kasalanan ko. Hindi ko
lang talaga alam kung pa’no ang gagawin ko eh. Hindi pa naman kasi ako nai-in
love sa buong buhay ko. Ngayon pa lang.” nahihiyang sabi nito.
Hanggang sa maghiwalay sila ay tatawa-tawa
pa rin siya. “At least nasabi mo na, di ba? Wala namang nawala sa’yo no’ng
sinabi mong mahal mo ko. Ang sweet nga eh.” pang-aasar niya dito.
Namula ang pisngi nito. “Nasabi ko na
ngang mahal kita pero ikaw hindi mo pa sinasabi sa’kin na mahal mo rin ako.”
“Kailangan pa bang itanong ‘yan? Noon pa
man mahal na kita kaya dapat alam mo na ‘yon eh.” aniya.
Tiningnan siya nito sa mga mata na parang
inaarok kung totoo nga ba ang sinabi niya. “You really love me? Kahit nasaktan
kita noon?” paniniguro nito.
Tumango siya. “Sa tingin mo ba kakausapin
pa kita kung hindi kita mahal?” hinawakan niya ang T-shirt nito at hinila ito
palapit sa kanya. “Kahit na ano pa siguro ang gawin mo talagang hindi na ko
makakawala pa sa’yo. Kaya wala na kong magagawa kundi mahalin ka habang buhay.”
Unti-unting lumawak ang ngiti sa mga labi
nito at bago pa niya mahulaan ang susunod nitong gagawin ay niyakap na siya
nito. “I love you, Dominique.” sigaw nito.
Natawa siya. “You don’t have to shout,
Nicko. Baka isipin nilang may kasama akong baliw.” pang-aasar niya dito kahit
na nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha niya.
Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya
ay ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito. “Kahit magmukha pa kong
baliw habang buhay okay lang sa’kin. Basta malaman lang ng lahat kung ga’no
kita kamahal.” punong-puno ng pagmamahal ang mga mata nitong nakatingin sa
kanya.
Hinampas niya ito sa braso. “Nakakainis ka
naman. Pinapaiyak mo ko eh.”
He chuckled. Tinuyo nito ang mga luha niya
at pinakatitigan siya. “I love you, baby.”
“I love you too, Nicko.” nakangiting sagot
niya.
And there, in the middle of the field. He
gave her the sweetest kiss in the world.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento