Biyernes, Abril 6, 2012

CHAPTER THREE


MABILIS na lumipas ang mga araw. Maraming natuklasan si Nica sa mga araw na nandoon lang siya sa bahay na iyon gaya na lang ng hindi pagkakasundo ni Simon at ni Tito Manny.
     Isang umaga ay nakasalubong niya si Simon paakyat sa taas ng bahay. “Hi.” nakangiting bati niya dito.
     Gumanti ito ng ngiti. “Hi.” ganting bati nito. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla man siyang nailang ay hindi na niya iyon pinahalata dito. “’Going somewhere?” tanong nito.
     “I’ll just go to the mall. Maglalakad-lakad lang sana ako.” aniya sa mahinang tinig. Bigla kasing nanlamig ang kanyang mga kamay at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam no’n sa tuwing magkikita sila ni Simon. Ano ba ang meron ito at napapabilis nito ang tibok ng puso niya? At bakit siya naaakit sa ngiti nito? Kinukulam ba siya nito?
     “Want me to come with you? I have nothing to do anyway.” prisinta nito.
     Nagkibit balikat na lamang siya para itago ang nararamdamang pagkailang sa harap nito. “Okay lang.” sagot niya.
     Lalong lumuwang ang pagkakangiti nito. “Great. Wait for me outside okay? I’ll just go and get something in my room.” hindi na nito hinintay ang sagot niya at basta na lang siya iniwan doon.
     Pinagpatuloy na lang niya ang pagbaba at lumabas na siya ng bahay. Hindi naman nagtagal ang kanyang paghihintay dahil bumalik din agad ang binata. Nagpalit lang pala ito ng T-shirt at walking shorts at patakbong lumapit sa kanya. “Let’s go.” nauna na ito sa kinapaparadahan ng kotse nito at pinagbukas pa siya ng pinto.
     “Mukhang hyper ka yata.” nakangiting puna niya dito.
     Nginitian lang siya nito bago lumigid sa kabila at sumakay sa driver’s seat. Pinaandar nito ang sasakyan. “Fasten your seatbealt, lady.” iyon lang at pinaandar na nito ang kotse.
     Hindi naman siya nabagot sa biyahe dahil naging madaldal si Simon. Ang dami nitong kwento at minsan ay nagbibitiw din ito ng mga jokes na kahit na corny ay natatawa siya. Masarap itong kausap at gentleman ito. Iyon ang ilan sa mga ugali nitong nakita niya habang kasama niya ito.
     “Ikaw naman ang mag-kwento. Pagod na ako eh.” biglang sabi nito nang makrating sila sa Mall of Asia. Naghanap sila ng parking space at nang maiparada ang sasakyan ay magkasabay silang naglakad papasok ng mall.
     “Ano naman ang ikukwento ko?”
     “Kahit ano. Tungkol sa sarili mo. Wala akong alam sa’yo bukod sa ikaw ang nag-iisang anak ng isa sa mga kilalang businessman sa Korea.”
     “Wala naman kasing pwedeng ikuwento tungkol sa akin eh. Hindi ko kilala ang mga relatives ko sa side ng mommy ko bukod sa lolo at lola ko na namatay na. Ulila na din ang daddy ko at dahil nag-iisang anak lang siya, wala na din akong nakilalang relatives sa side niya.”
     “Hmm. Eh nasa’n na ang mommy mo?” tanong nito.
     “Wala na ang mommy ko. Namatay siya because of car accident two years ago. Nabangga kasi ang kotse niya sa isang bus no’ng pauwi na siya sa bahay galing sa party ng isang friend niya. Dead on arrival siya nang dalhin siya sa ospital.” himalang nakakapag-kwento siya sa taong hindi naman niya masyadong kilala. Bukod sa daddy niya at sa mga kaibigan niya ay walang ibang nakakaalam ng mga bagay na ‘yon tungkol sa kanya. Siguro ay magaan lang talaga ang loob niya kay Simon kahit na noong una ay nainis siya dito dahil tinawag siya nitong little girl. Wala kasi siyang pinapayagang tumawag sa kanya ng gano’n bukod sa mommy niya. Ito lang ang tumatawag sa kanyan no’n at baby girl naman ang sa daddy niya.
     Tumango-tango lang ito. “Eh bakit dito sa Pilipinas ka iniwan ng daddy mo? Ang sabi mo wala kang kilalang relatives dito di ba?” tanong nito sa kanya.
     “Ang sabi ni Dadddy safe daw ako dito since nando’n naman ako sa bahay nina Tito Manny. Ang daddy mo rin naman ang nagprisinta na doon ako tumira sa inyo since ayaw akong payagan ni daddy na mag-rent ng apartment. Pero ang sabi niya bibili raw siya ng condo unit o isang town house para doon na lang ako titira at para may mauuwian siya kapag nagpupunta siya dito sa Pilipinas.” paliwanag niya.
     “Don’t you have a boyfriend in Korea? Hindi ka man lang ba niya pinigilan na umalis sa bansa n’yo dahil maiiwan nga naman siyang mag-isa do’n at mangungulila siya sa’yo kapag magkalayo kayo.”
     Nakakunot-noong tiningnan niya ito. “Ano naman ang magagawa ng boyfriend ko kung gusto kong pumunta sa ibang bansa o kahit saan mang lugar?” naaaliw na tanong niya dito. Natatawa na siya sa tinatakbo ng kanilang usapan.
     “Syempre kung talagang mahal ka niya, pipigilan ka niya o kung hindi naman ay sasama siya sa’yo dito para masiguro niya na hindi ka nag-iisa. Gano’n ang mga taong totoong nagmamahal.” may pagmamalaki pa sa boses nito habang sinasabi nito iyon.
     Hindi na niya magawang sumagot dito dahil hinila siya nito sa skating rink sa loob ng Mall of Asia. “Bakit dito mo ako dinala?” tanong niya dito. Iba din ang trip ng lalaking ‘to.
     “Ang sabi mo maglalakad-lakad ka lang sa mall. Eh imbes na wala ka lang ginagawa eh di mas maganda kung aliwin na lang kita.” sabi nito at nagbayad na ng entrance. Nagpatangay na lang siya rito tutal ay mukhang mas enjoy ang mag-ice skating.

PAGKATAPOS nilang magice-skate ay naglakad sila ng naglakad. Nang may makita siyang store na bilihan ng mga pocketbooks ay hinila niya ito sa loob. Pinigilan naman siya nito. “Anong gagawin mo diyan?” halatang naiilang na tanong nito.
     “Kakain?” sarkastikong sagot niya. Tiningnan niya ito. Parang hindi ito mapakali habang nakatingin sa naturang store. “May problema ba?” tanong niya.
     Tiningnan siya nito. “Hindi ko alam na nagbabasa ka pala ng mga ganyan.” anito habang nakangiwi.
     Tumaas ang isang kilay niya. “Anong masama sa pagbabasa ng pocketbooks? Dito nga ako natuto ng ibang malalalim na tagalog words eh.” lalong tumaas ang kilay niya nang maisip ang dahilan ng uneasiness nito. “Don’t tell me ngayon ka lang nakapasok dito?” tanong niya.
     Nakangiwing tumango ito. “Sa labas na lang kita hihintayin.” sabi nito at lumabas na ng naturang shop.
     Nakaramdam siya ng inis dito. Ano ba ang masama sa pagpasok sa gano’ng store? Nakakainis. Ang akala pa naman niya ay walang magiging problema ang lakad nila sa araw na ‘yon. Bumili na siya ng mga bibilhin niya at lumabas ng store. Naabutan niya itong tumitipa sa cellphone nito. “Halika na.” yaya na niya dito. Nauna na siyang naglakad. Umagapay naman ito sa kanya.
     “Galit ka ba?” tanong nito nang makaagapay ito sa kanya.
     “Hindi. Bakit naman ako magagalit?” balik tanong niyang hindi man lang ito tinitingnan.
     “Galit ka eh.” giit nito at sinundot siya sa tagiliran.
     Napakislot siya dahil sa ginawa nito. “Ano ba?” bulalas niya at agad tinakpan ang kanyang bibig nang makitang napalingon sa kanila ang mga tao. Tiningnan lang niya ng matalim si Simon at nagpatuloy sa paglalakad.
     “Sorry.” hinging paumanhin nito pero hindi niya ito pinansin. Naglakad siya ng naglakad hanggang sa mapadpad siya sa music hall. Nakasunod pa din si Simon sa kanya pero hindi pa rin niya ito pinapansin.
     Nagpalinga-linga siya sa paligid at naghanap ng puwede niyang puntahan para maibsan ang nararamdaman niyang inis para sa binata. Sa totoo lang, maliit na bagay lang naman ‘yon para ikainis niya pero naiinis pa rin siya dahil parang minamaliit nito ang mga manunulat an gumagawa ng mga romance novels. Siya ang naiinsulto para sa mga ito dahil wala naming masama o mali sa pagsusulat ng mga gano’ng klase ng mga libro.
     Naglakad-lakad na lang siya at nang makakita ng Starbcuks ay pumasok siya doon. Umorder muna siya bago naghanap ng mauupuan. Ipinatong niya sa bakanteng upuan ang plastic na naglalaman ng mga pocketbooks na binili niya. Kinapa niya ang kanyang bulsa para kunin ang kanyang cellphone. Tatawagan na lang niya si Renzo para papuntahin doon.
     “Miss, puwedeng maki-share?” tanong ng isang baritonong boses.
     Nang mag-angat siya ng tingin ay ang nakangiting mukha ni Simon ang nakita niya. Huminga muna siya ng malalim bago tumango. Inalis din niya ang plastic na nasa bakanteng upuan para makaupo ito doon. Himalang biglang naglaho agad ang inis na naramdaman niya dito kanina. Kapag kasi naiinis siya sa isang tao ay hindi basta-basta niya nakakalimutan ang ginagawa niyon na ikinaiinis niya. Pero pagdating kay Simon ay hindi kayang tumagal ng nararamdaman niyang inis. Bakit kaya?
Maybe because of his smile.
     Hindi rin. Wala naman kakaiba sa ngiti niya.
     Yeah, right.
“Sorry na. ‘Wag ka nang magalit sa’kin.” anang boses ni Simon na nakapagpatigil sa kanya sa pag-iisip. Nababaliw na yata siya dahil kinakausap niya ang sarili niya. Hindi niya ugali ang gawin ‘yon kaya nagtataka siya sa sarili niya ngayon.
     “Sorry saan?” tanong niya rito.
     Matipid na ngumiti ito at napakamot sa batok. “Para sa sinabi at inakto ko kanina.” halos pabulong na sagot nito.
     Lihim siyang napangiti sa iniakto nito. Ang cute nitong tingnan habang parang bata itong humihingi ng tawad dahil sa ginawang kasalanan. Naisip niyang asarin ito. Titingnan niya kung hanggang saan ang kakayanin nito para mapatawad niya ito. Hindi na siya naiinis dito. Siguro nga ay hindi niya kayang mainis ng matagal sa isang ‘to na kinaaaliwan niya simula pa lang ng makasama niya nang umagang ‘yon.
     Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit, ano bang sinabi at inakto mo kanina?” kunwari ay mataray na tanong niya.
     Bumuntong hininga ito bago tumingin sa kanya. “I know I acted like a jerk a while ago. ‘Yon kasi ang first time ko na makapasok sa store na gano’n eh. I know na hindi tama pero kasi nakasanayan ko na ‘yong ang mga nagbabasa lang ng mga gano’ng books eh ‘yung mga maids.” hindi na niya alam kung tabinging ngiti o ngiwi ang nakikita niya sa mukha nito. Halatang hindi ito sanay na nagpapaliwanag ng mga ganoong bagay.
     “Asshole.” bulong niya na nakaabot din naman sa pandinig nito dahil lalong ngumiwi ito.
     “I know. Kaya nga sorry na po. Hindi na po mauulit ‘yun.” sinserong sabi nito na bahagya pang yumuko. Mukhang sising-sisi na nga ito sa ginawa nito.
     Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at napabunghalit na siya ng tawa. Nagtatakang nakatingin naman ito sa kanya. “Anong nakakatawa?” tanong nito.
     Kinalma muna niya ang sarili bago niya ito sinagot. “Ikaw.” nakangiting sagot niya. Sumipsip muna sa kanyang frappe bago huminga ng malalim. “Ang cute mo kasing tingnan habang hindi mo alam kung paano ka magpapaliwanag eh.” dagdag niya nang lalong kumunot ang noo nito.
     “Ibig sabihin hindi ka na galit sa’kin?” paniniguro nito.
     “Hindi naman ako galit eh. Nainis lang ako sa’yo pero wala na ‘yon. Okay na.”
     Tila nakahinga naman ito ng maluwag sa naging sagot niya. Kinuha nito ang frappe nito at uminom doon. Nakangiti na ito ng natural. Hindi katulad kanina na hindi niya alam kung anong klaseng ngiti ang ibinibigay sa kanya habang nagpapaliwanag ito.
     Noon lang niya napagmasdan ng mabuti ang mukha nito. Gwapo talaga ito. Matangos ang ilong at parang sa babae ang mga labi nito. Mapula ‘yon at manipis na parang kay sarap damhin. Makapal ang mga kilay nito at bilugan ang mga mata. Makinis din ang mukha at parang kay sarap paglandasin ang kanyang mga kamay sa pisngi nito. Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Kung ano-ano ang iniisip niya? Marami na siyang nakakasalamuha na mas gwapo pa kay Simon pero hindi niya pinuri ng gano’n. Nababaliw na talaga siya. Kailangan na yata niyang magpa-admit sa mental hospital.
     “May problema ba?” ang nag-aalalang mukha ni Simon ang nabungaran niya nang muli siyang mag-angat ng tingin. “Masama ba ang pakiramdam mo?”
    Umiling lang siya at pinilit na kalmahin ang sarili. Nag-uumpisa na kasing bumilis ang pagririgudon ng kanyang puso habang tinitingnan niya ito. Hindi na magandang senyales ang nararamdaman niya. Hindi pa niya lubos na kilala ang lalaking nasa harap niya dahil ngayon pa lang naman sila unang nagsama nang silang dalawa lang.
     Tumayo na siya at binitbit ang kanyang inumin at ang plastic na nasa tabi niya. “Maglakad-lakad pa tayo.” yaya niya dito.
     Tumayo na din ito at kinuha sa kanya ang dala niya. “Ako na.”
     Nginitian lang niya ito at nagpatiuna na siyang naglakad palabas. Kailangan niyang payapain ang nararamdaman niya. Kailangan niyang pakalmahin ang puso niyang hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok.
     Napapiksi siya ng dumampi ang kamay ni Simon sa kanyang balikat. Napatingin siya dito. Nakakunot na naman ang noo nito. “Sa tingin ko hindi ka okay.” anito.
     “Okay lang ako.” giit niya. “Manood na lang kaya tayo ng sine.” suhesityon niya. Wala na siyang maisip na ibang sasabihin kaya kung ano na lang ang unang pumasok sa isip niya ay ‘yon na lang ang sinasabi niya.
     Parang may gusto pa itong sabihin pero pinili na lang na manahimik. Tumango ito at tinangka siyang alalayan sa braso pero pasimple siyang lumayo dito. Hindi na niya nagugustuhan ang mga nararamdaman niya. Nang hawakan siya nito kanina sa balikat ay parang may kuryenteng nanulay sa kanyang sistema.
     Marahil ay nakuha nito ang nais niyang iparating dahil hindi na ito muling nagtangkang hawakan siya. Nagkasya na lang ito sa pagsunod sa kanya. Hindi na sila nag-imikan. Pagkatapos nilang manood ng sine ay niyaya siyang kumain nito. Sa isang restaurant na tanaw ang manila bay sila pumuwesto. Maganda ang tanawin doon at nakakaganang kumain. Si Simon na ang umorder para sa kanilang dalawa at inabala na lang niya ang kanyang sarili sa pagtingin sa paligid.
     Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng biglang magliwanag ang paligid. Nang tumingin siya sa langit ay nagkikislapan ang iba’t-ibang kulay ng fireworks. Namangha siya sa ganda niyon at hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita. Nang huli siyang nakapanood ng fireworks ay nang minsang lumabas sila kasama ang Mommy at Daddy niya pati na ang mga kaibigan niya. Kumain sila noon sa labas para icelebrate ang wedding anniversary ng kanyang mga magulang at naisipan ng mga itong isama ang mga kabanda niya para daw hindi siya mainggit sa mga ito. Biniro pa nga siya ng mga ito na bagay raw sila ni Renzo at para silang isang perfect couple.
     Natawa na lang sila ni Renzo roon. Noon pa man kasi ay ipinapareha na sila ng mga magulang nila. Hindi lang nila iniintindi ‘yon dahil matalik na kaibigan lang talaga ang tingin nila sa isa’t-isa. Isa pa ay may ibang mahal si Renzo at kilala niya ‘yon.
     Wala sa sariling dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa at kinuhanan ang magandang tanawin sa kanyang harap. Ipapakita niya iyon sa mga kaibigan niya kapag nagkita-kita sila. Binalingan niya si Simon nang makarinig siya ng click ng camera. Hawak nito ang cellphone nito at kinuhanan siya ng litrato. “Ang ganda mo naman.” puri nito na ikinapula ng kanyang magkabilang pisngi.
     Nahihiyang ngumiti siya. “Thank you.” ibinalik na niya muli ang kanyang pansin sa kinakain kahit na hindi siya komportable. Nararamdaman niyang nakatingin pa rin sa kanya si Simon.
     Nang matapos silang kumain ay napagpasyahan na nilang umuwi. Dumeretso agad siya sa kanyang silid at ikinandado ang pinto.
     Sumandal siya sa hamba ng pinto habang nakalapat ang isang kamay niya sa kanyang dibdib. Wala sa sariling napangiti siya. Kahit na may konting naging aberya sa lakad niya nanag araw na ‘yon ay naging masaya pa rin siya. Bakit? Dahil kasama niya si Simon at hindi nito hinayaang ma-bored siya habang kasama niya ito.
     Nang bumalik sa normal ang pintig ng puso niya ay dumeretso na siya ng tayo bago inilapag ang dala niya sa ibabaw ng kama. Dumeretso siya sa banyo para mag-shower.
     Hanggang sa pagtulog niya ay di na naalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento