NAPAMAANG pa rin si
Nica kay Simon.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin
dito. Katulad ng palaging nangyayari ay bumilis na naman ang tibok ng kanyang
puso. Mas mabilis nga lang ngayon at parang gusto na niyong lumabas mula sa rib
cage niya. Hindi niya alam kung paano bigla na lang nitong sinabi ang mga
katagang iyon sa gitna ng masinsinang pag-uusap nila tungkol sa problema nito
at ng ama nito.
Mayamaya ay huminga ito ng malalim. “Wala
ka man lang bang sasabihin?” tanong nito. Halatang hindi ito mapakali sa
puwesto nito. Tuluyan na itong kumalas mula sa pagyakap sa kanya.
“Hindi ko alam kung anong sasabihin eh.”
pag-amin niya. “Ngayon lang kasi may nagsabi sa’kin niyan bukod sa pamilya ko.”
mahigpit ang Daddy niya maging ang mga kaibigan niya sa kanya sa Korea kaya ang
kahit na sinong nagtatangkang manligaw sa kanya ay hindi umuubra sa mga ito.
Pero iba ang sitwasyon ngayon. Wala si Renzo o ang kahit sino sa mga kaibigan
niya at ang Daddy niya para kilatisin ito.
“Ngayon lang naman din kasi ako nagsabi ng
‘I love you’ sa isang babae.” nahihiyang pag-amin nito. “At sa hindi pa
inaasahang pagkakataon.” nagkamot pa ito ng kilay.
“Why me?” biglang tanong niya.
Tumingin ito sa kanya. Pagtataka ang
nakaguhit sa guwapong mukha nito. “What?”
“Why me? I’m sure maraming babae diyan na
naghahabol sa’yo di ba? Bakit ako?”
“Marami ngang babae diyan pero hindi ko
naman sila gusto. Ikaw ang gusto ko eh.”
“Nao-overwhelm ako. Flattered ako dahil
sinabihan mo ‘ko ng ‘I love you’ pero Simon, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman
ko eh.” pagsisinungaling niya. Alam niya sa sarili niya na mahal na niya ito
dangan lamang ay pinangungunahan siya ng takot. Takot na hindi niya alam kung
saan nanggagaling at para saan.
Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at
dinala nito ‘yon sa mga labi nito. Kakaibang init ang lumukob sa kanyang
sistema dahil sa paghalik nito sa kanyang mga kamay. “Hindi naman kita
minamadali eh. I just want you to know what I feel about you. No pressure.
Let’s take baby step at a time.” masuyong sabi nito sa kanya.
“Kaya mong maghintay?” paniniguro niya.
Ngumiti ito ng matamis bago tumango.
“Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka na. Basta hayaan mo lang ako na
iparamdam sa’yo kung ano talaga ang nararamdaman ko. At huwag kang sasagot hangga’t
hindi mo nararamdaman sa puso mo na mahal na mahal mo na ako.”
Tiningnan niya ito ng mataman. Hindi naman
ito mukhang nagbibiro lang. Nasa mga mata nito ang kaseryosohan at sinseridad
sa sinasabi nito. Naliliyo siya dahil sa mga emosyong sabay-sabay na pumapaloob
sa kanya.
“Can you do that?” tanong nito.
Kumunot ang noo niya. Dahil sa pag-iisip
at paga-assess sa nararamdaman niya ay nakalimutan na niyang nag-uusap nga pala
sila. “Do what?”
He chuckled then pinched her nose. “Ikaw
talaga kung saan-saan lumilipad ang isip mo eh ako ang kasama mo dito.”
“Sorry.” paghingi niya ng paumanhin.
“So... Can I do what?” ulit na tanong niya dito.
“Puwede mo ba akong hayaang iparamdam
sa’yo na mahal kita kahit hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo para sa’kin?
At puwede bang hintayin mong maging “Oo” ang sagot ng puso mo bago ka sumagot
sa’kin?” marahang tanong nito.
“Sigurado ka ba talaga Simon?” paniniguro
niya.
“Ang kulit mo. Oo nga sabi.” natatawang
sagot nito bagaman mahihimigan pa rin ang kaba sa boses nito.
Tumango na lang siya para hindi na humaba
pa ang kanilang usapan. Para siyang tumakbo ng malayo dahil nakaramdam siya ng
pagod. Pagod dahil sa pag-iisip ng kung ano-anong bagay.
Umayos ito ng upo at hinapit siya palapit
dito. Hindi na niya ito pinigilan sa gusto nitong gawin. Sinandig niya ang
kanyang ulo sa balikat nito at ipinikit ang kanyang mga mata. Dadating rin ang
araw na hindi na siya matatakot na aminin dito ang nararamdaman niya dito.
Sisiguruhin niya na kapag dumating ang araw na ‘yon ay iyon ang magiging
pinakamasayang araw sa buhay nilang dalawa.
NAGMAMADALING bumaba
ng hagdan si Nica ng araw na ‘yon.
Napasarap ang tulog niya ng hapong iyon at
hindi niya namalayan ang oras. May gig sila ng gabing ‘yon at late na siya sa
oras ng usapan nila ng mga kabanda niya.
Palabas na siya ng bahay ng tawagin siya
ni Chris. Kasama nito sina James, Paolo at Rob na nakaupo sa sofa sa sala.
“Saan ka pupunta?” tanong nito sa kanya.
“May gig kami Kuya Chris. Late na nga po
ako eh.”
Tumingin ito sa suot na relo. Pagkatapos
ay binalingan nito ang mga kasama nito. “Hatid natin si Nica.” yaya nito sa
tatlong lalaki.
“Naku ‘wag na Kuya. Okay lang po ako.
Magta-taxi na lang po ako.” tanggi niya.
Tumayo ang mga ito mula sa pagkakaupo at
lumapit sa kanya. Inakbayan siya ni James at naglakad na sila palabas ng bahay.
“We insist. ‘Wag ka ng mahiya sa’min.”
Hindi na siya nakatanggi sa pamimilit ng
mga ito. Nang mai-park ni Kuya Chris ang sasakyan ay dali-dali siyang bumaba.
Sumilip siya sa nakabukas na bintana ng sasakyan. “Thank you sa paghahatid ha.”
aniya at tumakbo na papasok sa loob ng bar.
Ang nakasimangot na si Terrence ang
naabutan niya sa bar counter. Nakapanglumbaba ito habang nakatingin sa
makeshift stage. Tinapik niya ito sa balikat. “Sorry, late ako.” hinihingal
pang sabi niya. Hindi man lang siya pinansin nito. Nakatutok ang buong pansin
nito sa kasalukuyang bandang tumutugtog. Binalingan niya si Garen, ang isa sa
mga bartender sa bar na iyon. “Pahingi ako ng tubig, Garen.”
Nang iabot nito sa kanya ang isang baso ng
malamig na tubig ay tinungga niya ‘yon. Humingi pa siya ng isa. “Mukhang uhaw
na uhaw ka ha.” puna nito.
Umupo siya sa stool na katabi ng
kinauupuan ni Terrence. “Nakatulog kasi ako kaya late akong dumating.”
luminga-linga siya sa paligid. “’Asan sila Renz?” tanong niya dito.
Inginuso lang nito sa kanya ang daan
papunta sa opisina ni Choi. “Kanina pa nga sila doon eh.”
Tumango-tango lang siya. Muli niyang
binalingan si Terrence nang marinig niyang bumuntong-hininga ito. “Hoy, anong
problema mo?”
“In love na yata ako.” halos pabulong lang
ang pagkakasabi nito niyon ngunit umabot ‘yon sa kanyang matalas na pandinig.
Tiningnan niya si Garen. Mukhang narinig din nito ang sinabi ng kaibigan niya.
Nang tingnan niya ang stage ay ‘tsaka niya naunawaan ang sinasabi nito.
Ang kasalukuyang tumutugtog ay ang bandang
Fallen Angels. Puro babae ang mga miyembro ng naturang grupo. Isa ito sa mga
bandang regular na tumutugtog doon bukod sa kanila.
Kilala niya kung sino ang tinutukoy ng
kaibigan niyang si Terrence. Si Jam, ang drummer ng banda. Madalas niyang
mapansin ito na nakatingin sa dalagang sa tantiya niya ay mas bata lang sa
kanya ng dalawang taon.
Huminga siya ng malalim. Mukhang sa wakas
ay may nakasungkit na ng puso sa pinakasuplado sa mga kaibigan niya. Hinayaan
na lang niya ito sa ginagawa nito at humingi na lang kay Garen ng puwede niyang
makain habang hinihintay niya sina Renzo at Choi na lumabas ng opisina ng huli.
Saktong natapos siya sa kanyang pagkain ng
lumapit sa kanila ang mga hinihintay nila. “Bakit ka late?” bungad na tanong ni
Renzo sa kanya.
“Nakatulog kasi ako eh.”
“Uminom ka?”
“Hindi ah.” tanggi niya.
Tiningnan nito si Garen. “Uminom ba ‘to?”
tanong nito at itinuro pa siya. Halatang hindi ito naniwala sa isinagot niya sa
tanong nito.
Umiling si Garen. “Kumain lang ‘yan. Hindi
ko rin naman bibigyan kapag nanghingi eh.” nakangising sagot nito.
Kabisado na siya ng mga ito na tuwing
nando’n sila ay palagi siyang umiinom lalo na kapag may gig sila. Nakasanayan
na niya ‘yon kahit na noong nasa Korea pa siya at hindi na niya naalis sa
sistema niya ang gano’ng gawain. Kahit ang kanyang ama ay nagsawa na sa
kasasaway sa kanya.
Hindi naman kasi siya madaling tamaan kapag
umiinom siya ng alak. Mataas ang alcohol tolerance niya kaya hindi siya
nangangamba na matulad sa mga taong nalalasing.
“Hindi tayo nakapag-practice kanina. Anong
mga kakantahin natin?” tanong sa kanila ni Choi.
Nagkibit balikat lang siya. Umiling naman
si Renzo at bumuntong hininga lang si Terrence. Binatukan ito ni Choi. “Aray
naman. Makabatok naman eh.” angal nito.
“Kanina ka pa nakatunganga diyan eh. Kung
nilalapitan mo ba naman eh di sana natapos na ang problema mo.” panenermon
naman nito kay Terrence.
Inis na tumayo ito at iniwan silang
nakamaang lang dito. Binalingan niya si Choi. “Lagot ka Kuya Choi nagwalk-out
si Terrence. Wala na tayong bassist.” paninisi niya dito.
Kampanteng umupo ito sa binakanteng
puwesto ni Terrence. “Babalik din ‘yon. Takot lang niya.” nakangisi pa ito nang
sabihin iyon.
Napapailing na lang siya sa kalokohan
nito. Nang matapos ang set ng Fallen Angels ay iniwan na siya nina Choi at
Renzo para ayusin ang stage para sa kanila. Hindi nga nagkamali si Choi,
bumalik si Terrence pero mukhang hindi pa rin maganda ang mood nito.
Nakasimangot pa rin ito habang tinotono ang gitara nito.
“Mind if I join you?” tanong ng isang
mahinhing boses mula sa likuran niya.
Nilingon niya ito. Nakita niya ang isang
magandang babae na nakatayo sa likuran niya. Simple lang ang hitsura nito pero
napakaganda nito. Wala itong kahit anong make-up kaya naman napatunayan niyang
natural talaga ang kagandahang taglay ng babaeng nasa harap niya ngayon.
Maputi ito. Mahaba ang buhok at sa tingin
niya ay mas matangkad lang siya dito ng kaunti. Kung hindi lang sa suot nitong
simpleng baby tee at skinny jeans ay mapagkakamalan niya itong isang model.
“Ako ba ang kausap mo?” tanong niya rito.
Ngumiti ito. Napakunot noo siya. Pamilyar
sa kanya ang ngiting iyon ng babae. Para bang nakita na niya ito. “Hindi mo na
ba ‘ko naaalala Monica?”
Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig
niya ang itinawag nito sa kanya. Walang tumatawag sa kanya na Monica maliban sa
iisang tao lang. “Cola?”
Lalong lumuwang ang ngiti nito. Ibinuka
nito ang mga bisig. Kaagad naman siyang yumakap dito.
Kaklase at kaibigan nila ito nina Renzo sa
Korea. Bigla na lang itong nawala noon at nalaman na lang nilang umuwi ito ng
Pilipinas kasama ang mga magulang nito at hindi na babalik pa sa Korea.
Ito rin ang babaeng hanggang ngayon ay
iniingatan pa rin ni Renzo sa puso nito. Bukod sa kanya at sa ina ni Renzo, ito
lang ang babaeng tanggap ang kanyang kaibigan kahit na hindi maganda ang
reputasyon ni Renzo sa dati nilang eskuwelahan.
“Kumusta ka na?” tanong niya rito ng maupo
ito sa tabi niya.
“Okay naman. Medyo busy sa work. Hindi ako
sigurado kung ikaw nga ang nakita ko kanina nang pumasok ako dito. Buti na lang
kilala ka ng mga kasama ko kaya nakumpirma kong ikaw nga ‘yan.” nakangiting
sabi nito sa kanya.
“Wala namang nagbago sa’kin ah. Cute pa
din naman ako kaya imposibleng hindi mo ako makilala.” pagyayabang niya.
Ginulo nito ang buhok niya. “Hindi ka pa
rin talaga nagbabago. Mayabang ka pa rin.”
“Syempre kailangan sa buhay yan. Sa inyo
lang naman ako ganito nina Renz eh.”
Natigilan ito nang marinig ang pangalan ng
kaibigan niya. “Si R-Renz?” nautal na pag-ulit nito sa pangalang binaggit niya.
“Yeah. Si Renz. Ayun siya oh.” aniya at
itinuro ang stage kung saan naroroon ang binata.
Sinundan nito ng tingin ang itinuro niya.
Nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon sa magandang mukha nito. Lumamlam iyon
at nabasa niya ang pangungulila sa mga mata nito. Ang ibig sabihin ay wala
talaga itong naging koneksyon pa sa kaibigan niya magmula ng umalis ito ng
Korea.
Tinapik niya ito sa balikat. “’Want to
talk to him?” nakangiting tanong niya rito. Ngayong nasa iisang lugar na silang
tatlo, hindi na niya palalagpasin ang pagkakataon na magkita at magkausap ang
dalawa sa mga matatalik na kaibigan niya.
“Kakausapin kaya niya ako?” nag-aalalang
tanong nito.
“Oo naman. Ako ang bahala. Kapag hindi ka
niya kinausap, ipapasalvage ko siya.” paniniguro niya na hinaluan pa niya ng
pagbibiro.
Bumalik na ang ngiti sa mga labi nito.
“Babalik na muna ako sa table namin.” paalam nito.
Tumango naman siya. “Okay. Pupuntahan na
lang kita mamaya after ng set namin.” aniya at tumayo na nang senyasan siya ni
Choi na umakyat na ng stage.
Nakaisip siya ng isang magandang ideya.
Binulungan niya si Renzo. Kumunot ang noo nito pero nang pandilatan niya ito ay
tahimik na tumango na lang ito. Sinabi rin niya kina Choi at Terrence ang
sinabi niya sa kanyang kaibigan. Nang humarap siya sa mga tao ay itinutok niya
ang kanyang pansin sa kinaroroonan ni Cola.
“Good evening ladies and gentleman. I hope
you are having a great time tonight. Our first song is a very special one. This
song is very important to my best friends and I want to personally dedicate
this to them.”
“You and me we got along just fine, but
deep inside I know there is more. Right next to you, I know you’re the right
one. Can’t fight this feeling I’m taking chances now. In my heart I feel that this is something
real. I don’t wanna let this moment go.
“Why oh why do I feel this way. When I’m
with you i feel so alive. Why o why will I hideaway I can’t help it, I’m
falling in love with you.”
Habang kumakanta siya ay hindi niya
inaalis ang kanyang tingin kay Cola. At sa malamlam na ilaw ay nakita niya ang
pasimpleng pagpapahid nito ng luha na marahil hindi napigilang umalpas sa mata
nito.
Ang kantang kanyang kinakanta ay isa sa
mga kantang ginawan nila noon ng cover nina Renzo para ibigay kay Cola.
Gustong-gusto ni Cola ang boses ni Renzo kapag kumakanta ito kaya naman
nagrequest ito sa binata kung puwede itong gumawa ng isang buong album na puro
cover songs.
Hindi naman nagdalawang salita ang dalaga
kay Renzo at agad hiningi ang tulong ng buong banda. They were more than
willing to help their friend, of course. They knew how much Renzo loves Cola
kaya kahit ano ay gagawin nila nina Choi at Terrence basta maging masaya lamang
ang kanilang mga kaibigan.
Nang matapos ang kanilang first set ay
dali-dali siyang bumaba ng stage para puntahan si Cola. Pero bago pa siya
nakalayo ay tinawag na siya ni Renzo. Nang lingunin niya ito ay magkasalubong
ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
“What?” nagtatakang tanong niya dito.
“What are trying to do?” balik tanong
nito.
Siya naman ang gustong magsalubong ang mga
kilay sa tanong nito. “Anong sinasabi mo?”
“Anong ginagawa mo?”
Sasagot pa sana siya nang biglang may
magsalita mula sa likuran nila. Nang tingnan niya kung sino ‘yon ay nakita niya
si Cola na nakatingin sa kanila ni Renzo.
Nginitian niya ito at hinila palapit sa
kanila. “Surprise Renz---“ bago pa niya matapos ang sasabihin ay bigla na lang
sinunggaban ni Renzo si Cola ng yakap. Dahil do’n ay nabitiwan niya ang braso
ng dalaga.
Gumanti naman ng yakap si Cola dito.
Napangiti siya. Mukhang sa wakas ay madudugtungan na ang love story ng mga ito
na matagal na niyang kinakikiligan. Nasa mukha ni Cola ang labis na kasiyahan
at alam niyang gano’n din ang kasalukuyang nararamdaman ni Renzo.
Iniwan na niya ang mga ito upang mapagsolo
at naglakad na siya papunta sa mesang palagi nilnag pinupuwestuhan. Nakangiting
binalingan niya sina Choi at Terrence na nakatingin din kina Renzo at Cola.
Katulad niya ay mukhang masayang-masaya rin ang mga ito at sa wakas ay muling
nagkita ang dalawang kaibigan nila at kumpleto na uli silang lima.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento