For this year, isang virtual letter na lang muna ang ibibigay ko para sa kaibigan kong 'to. Wala kasi akong maisip na puwedeng ibigay sa kanya since feeling ko, nasa kanya na ang halos lahat ng gusto niya... well, alam kong hindi lahat pero almost. Hahaha :)
To the Sweetest and Most Valued Friend in the World, Marie Abigail Valeroso Saragcon Choi-Cross-Crawford at kung ano-ano pang surname na dinidikit mo sa pangalan mo, Happy Happy Happy Birthday. :) Alam kong sasabihin mong hindi ikaw 'yan pero para sa'kin, ikaw na ikaw 'yan eh. :) It's been three or four years since we met and became friends pero sa pocketbooks ba nag-umpisa iyon? Feeling ko hindi naman. Sa Friendster yata siya nag-umpisa, iyong mga pagsusuplada mo forever. Sino ba naman ang makakalimot do'n, 'di ba? Ang friendly ko pa tapos susungitan mo lang pala ako. Haha pero past naman na iyon. Alam ko na naman na hindi ka talaga ganoon eh. XD
Ikaw na yata at ang pamangkin mo at ang Ate mo ang pinaka sa lahat ng pinaka-ELF na nakilala ko. chos~ syempre dumaan din naman ako sa ganyan kaya alam ko pero mas grabe pa kayo kaysa sa'kin. Well, that's fangirling. Nagmamahal at sumosoporta lang naman tayo sa mga taong gusto nating suportahan. Good luck sa forever na pagmamahal natin sa Super Junior! Na siyang naging dahilan para makilala kita at makita sa Facebook. Hahaha ngayon ko lang na-realize, ang talas para ng memory ko, natandaan ko pa iyon. Akalain mo iyon? *at talagang nakangiti ako habang nagta-type?*
Thank you for being such a good friend and a sweet little sister to me. You're one of a kind, promise. Hindi ka man iyong klase ng taong palaging nandiyan para sa mga kaibigan mo, once na nagsalita ka o nagpakita ka, palagi mo naman pinararamdam sa'min na hindi kami nag-iisa at mag-iisa dahil kahit na mas madalas ay nagtatago ka sa kuweba mo, alam mo pa din ang mga nangyayari sa'min at may say, comments, suggestions and violent reactions ka tungkol sa mga problema namin. Syempre hindi mawawala ang mga advices mo. Minsan nga, naiisip kong mas matanda ka pa sa'kin dahil mas matured kang mag-isip. Hahaha minsan lang naman iyon kaya 'wag kang ilusyunada. XD
Sorry sa mga shortcomings ko na alam kong mas madalas ay hindi mo nagugustuhan. Iyong mga 'katangahan' ko, alam mo na iyon. Masyadong isip bata eh. Masyadong emotional at palaging puso ang pinaiiral. XD Sa lahat ng pagkukulang ko bilang kaibigan, sorry. Siguradong madami pang susunod lalo na at napaka-topakin ko, 'di ba? Kaya ngayon pa lang nagso-sorry na ko. :) Please lang, minsan mas gusto ko pang nakikita kang umiiyak kaysa tahimik ka. Pero syempre mas gusto kong makitang tumatawa ka kaya as much as possible 'wag kang iiyak ha? Kung hindi, babangasan ko ang mukha ng magpapaiyak sa'yo. Puwede ding papa-hunting at papa-assassinate ko para mas madali ang trabaho. Syempre joke lang, alam mo naman na hindi ko kayang gawin iyon. Pero puwede ding subukan para sa'yo.
Matagal-tagal na din tayong magkakilala at magkaibigan. Madami-dami na tayong pinagdaanan at alam kong madami pang susunod. Kung ano man ang mga iyon, palagi mo lang tatandaan na hindi ako mawawala sa tabi mo. Palagi akong nandito para gabayan ka, alalayan ka at suportahan ka sa lahat ng desisyon mo sa buhay. :) Just remember that you'll always have a big sister in me. Always.
Good luck on your writing career. Kahit sinasabi ni Ajae na siya ang number one fan mo, number one fan mo pa din ako at susuportahan kita all the way. :) 'Wag kang magsasawang magsulat kung iyon ang nagpapasaya sa'yo. Good luck sa mga magiging future adventures mo sa buhay. Sa lahat ng problemang pagdadaanan mo, normal lang iyan. Part of growing up pero lagi mong iisipin na nandiyan si God para sa'yo. Hindi ka niya pababayaan at madaming taong nagmamahal sa'yo kaya palagi ka lang maging malakas. :)
Stay sweet, unique, bubbly, and whatever kind of person as you are. I love you, bebe ko. Always. :) God bless! :)
PS: madami pa kong gustong sabihin pero hindi ko na alam kung pa'no sasabihin at nawawala siya sa memory ko. next time na lang. we have all the time in the world naman eh. Hahahaha
Your Friend and Ate,
-Nikka/Nikki/Ian-