Biyernes, Abril 6, 2012

CHAPTER TEN


PALINGA-LINGA sa paligid si Simon habang kinakausap sila ng kanilang coach.
     Ang sabi ni Nica nang nagdaang gabi habang magkausap sila sa cellphone ay maaga raw ang flight nito pabalik ng Pilipinas nang araw na iyon upang makapanood ng game nila. Ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang laban ngunit wala pa rin ito.
     Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng matinding kaba sa isiping wala pa ang kanyang nobya doon. Kanina pa rin niya tinatawagan ang cellphone nito pero ring lang iyon ng ring. Nasa’n na ito? Hindi ba ito natuloy na makauwi dahil sa ama nito? May nangyari bang masama dito? Bakit hindi man lang ito magpadala ng mensahe o tumawag sa kanya kung mahuhuli ito ng dating. Hindi siya makapag-concentrate dahil sa pag-iisip dito.
     Bahagya pa siyang nagulat nang may tumapik sa balikat niya. Si Rob ‘yon. “Okay ka lang ba?” tanong nito.
     Tumango lang siya.
     Mukhang hindi naman ito naniwala sa kanya dahil tinawag nito si Aly. Agad naman iyong lumapit sa kanila. Binulungan ito ni Rob pagkatapos ay iniwan na siya nito sa kanilang team captain. “Problema mo, Simon?” tanong nito sa kanya sa seryosong tinig.
     Nag-alinlangan siya kung sasabihin niya rito ang nararamdaman niya ngunit wala namang mangyayari kung sosolohin niya iyon kaya napagpasyahan niyang magsabi na ng totoo dito. “Si Nica kasi hindi pa dumadating eh. Ang sabi niya tatawag siya kapag nandito na siya sa Manila pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Kinakabahan na ako.”
     Umiling-iling ito. “Tinawagan mo na ba sina Renzo? Baka alam nila kung nasa’n na si Nica.” suhestiyon nito.
     Dali-dali niyang kinuha sa bulsa ng shorts niya ang kanyang cellphone at nag-dial. Ngunit nakakailang tawag na siya ay hindi naman sinasagot ni Renzo ang cellphone nito. Bagsak ang mga balikat na binalikan niya si Aly at umiling.
     Tinapik siya nito sa balikat. “’Wag kang masyadong mag-alala. Baka na-traffic lang ang mga iyon. Or na-delay lang ang flight ni Nica pabalik. Relax lang buddy.”
     Huminga siya ng malalim at umupo sa isang bench doon. Paano siya makakapag concentrate sa laban nila kung ang isip niya ay lumilipad sa girlfriend niyang hindi pa nagpaparamdam. He needed to see her before the game. Pinayapa niya ang kanyang sarili. Inisip na lang niya ang mga dahilang sinabi sa kanya ni Aly. Posible namang na-delay lang ang flight nito o na-traffic lang ito sa daan.
     Ngunit nagsimula na ang laban ay wala pa rin ni anino nito sa paligid. Iniwan niya ang kanyang cellphone kay Patrick at binilinan ito na i-check ang cellphone niya maya’t-maya kung may tawag o text ang dalaga at senyasan siya para alam niya kung dumating na ito. Natapos ang first half ng game at mayroon na silang isang puntos. Wala man lang siyang nagagawa habang nasa field dahil maya’t maya ang sulyap niya kay Patrick. Hindi niya maibigay ang buong atensiyon niya sa ginagawa.
     Nagpapahinga siya sa bleacher nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot agad niya iyon. Si Renzo ang tumatawag. “Hello?”
     “Pare pasensya ka na hindi ko masagot ang tawag mo, nagmamaneho kasi ako. Nandito na kami sa labas ng stadium kasama si Nica. Ang traffic kasi eh ‘tsaka delayed pa ‘yong flight namin kaya---“ hindi na nito natapos ang pagpapaliwanag dahil dali-dali siyang tumakbo at pinuntahan ang mga ito. Agad naman niyang nakita ang mga ito na naglalakad papasok.
     Sinalubong niya ng mahigpit na yakap ang nobya. “What took you so long? Why aren’t you answering my calls? You don’t know how worried I am just because you are not here yet.” tuloy-tuloy siya sa pagsasalita at hindi na inalintana na basang-basa siya ng pawis.
     Pilit na kinalas nito ang mga braso niyang nakapulupot dito. “Basa ka ng pawis Simon eh.” reklamo nito.
     “I’m sorry. I can’t help it. Kanina pa kita hinihintay eh.”
     “I’m sorry. I’m so sorry for being late.” hinging paumanhin nito. “Kumusta ang laban?”
     “One point na ang team namin. Zero naman ang sa kalabang team.” pag-iimporma niya rito. Hinawakan niya ito sa isang kamay at iginiya papunta sa gilid ng field. Nang makalapit sila ay binatukan siya ng malakas ni Aly.
     “Ouch.”
     “You deserve that, you idiot.” naiinis na sabi nito. “Bigla ka na lang umaalis nang hindi nagpapaalam.”
     “Sorry Kuya Aly. Kasalanan ko po eh.” nakangiwing singit ni Nica sa nakaambang panenermon ni Aly sa kanya.
     Hindi na umimik si Aly pagkatapos nitong tingnan ang kanyang nobya. Tahimik na tumalikod na ito at bumalik sa tabi ng iba pa nilang teammates. Pinaupo niya si Nica at ang mga kaibigan nito sa bakanteng bleacher. “Dito lang kayo ha. Gusto ko nakikita kita habang naglalaro ako.”
     Narinig niya ang impit na tili ni Cola. “Ang sweet talaga ni Simon.” sabi nito.
     “Opo. Hindi po ako aalis dito.” sabi naman ni Nica at nginitian pa siya ng matamis.
     Bago siya umalis ay ginawaran niya ito ng isang halik sa labi. “Good luck charm. I missed you baby. I’ll win this game for you.” nakangising habol niya.
     Nakita pa niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito bago siya tuluyang nakalayo sa mga ito.

NANG bumalik si Simon sa mga kagrupo nito ay hindi na siya tinantanan ng tukso ng mga kaibigan niya.
     “I missed you baby.” panggagaya ni Renzo sa sinabi ni Simon. Humagikgik naman si Cola sa iginawi ni Renzo
     Inirapan lang niya ang mga ito. Ang totoo ay tinanghali siya ng gising nang umagang iyon. Kung hindi pa pumasok ang kanyang ama sa loob ng kanyang silid ay hindi pa siya magigising. Nang lumapag naman ang eroplanong sinasakyan niya sa NAIA ay nahirapan siyang hanapin ang kinaroroonan nina Renzo idagdag pa ang traffic kaya na-late sila sa pagpunta sa Rizal Memorial Stadium.
     Natahimik lang ang mga kaibigan niya nang ianunsiyo ang pagsisimula ng second half ng laban. Natutok na ang pansin ng lahat sa nagaganap sa gitna ng field. Hindi niya mapigilan ang mapasigaw kapag nasa team ng red phoenix ang bola. Noon niya napagtanto na nakakatensiyon pala ang manood ng football game kapag totoong laban na iyon.
     Napapangiwi siya sa tuwing bumabagsak si Simon. Alam niyang hindi birong sakit ang nararamdaman nito at iniinda lang nito iyon. Literal na napatayo at napatalon siya sa tuwa nang maka-goal ang kanyang nobyo.
     Tiningnan niya ang oras. Ilang minuto na lang at matatapos na ang laro. Mukhang kampante na ang ibang players ng Red Phoenix at pinaglalaruan na lamang ng mga ito ang mga kalaban. At nang sa wakas ay tumunog ang whistle hudyat na tapos na ang game. Nagkaingay sa paligid at naghiyawan ang mga tao. Panalo ang team nina Simon. Nakita niyang tumatakbo ang mga ito palapit sa mga nagkakagulong mga teammates ng mga ito.
     Nagulat siya nang lagpasan ni Simon ang mga teammates nito at tuloy-tuloy itong tumakbo palapit sa kanya. Binuhat siya nito at iniikot-ikot sa ere. “We won! We won!” sigaw nito.
     “Hey! Ibaba mo ko Simon.” natatawang saway niya rito. Pati ang mga kaibigan niya ay natatawa na rin dahil sa ginagawa ni Simon. Nang maibaba siya ng binata ay walang kakurap-kurap na hinubad nito sa harap nila ang jersey shirt nito. Nakita niyang dagling tinakpan ni Renzo ang mga mata ni Cola habang siya ay napatunganga na lang dito.
     Hindi halata na may itinatagong abs si Simon kahit na ano ang suot nito. Ngayon lang siya nakakita ng hubad na katawan ng isang lalaki kaya naman hindi niya maikurap ang kanyang mga mata. Kung hindi pa pumitik si Simon sa tapat ng mga mata niya ay hindi pa niya iaalis ang tingin sa abs nito.
     “B-Bakit ka ba naghuhubad sa harap ko? Magsuot ka nga ng T-shirt.” saway niya rito. Bukod sa hindi niya mapigilang sulyapan ang magandang tanawing nakikita niya ay alam din niyang maraming babae ang ngayon ay nakatingin na rin sa binata. At tama nga ang hinala niya nang ilibot niya ang tingin sa paligid.
     Hinampas niya ito sa dibdib nang ngisihan lang siya nito. “Sinabing magsuot ka ng T-shirt eh. Ang daming nakakakita diyan sa katawan mo.”
     Sa pagkaasar niya ay namaywang pa ito at lalong iniliyad ang matipunong dibdib nito. “Bakit ba? Ang init kaya.”
     “Kapag hindi ka nagsuot ng damit lalayasan kita dito.” banta niya. Nang lingunin niya ang kanyang mga kaibigan ay wala na ang mga ito. “Saan naman nagpunta ang mga iyon?” bulong niyang mas sa sarili itinatanong.
     “Nilayo ni Renzo si Cola.” anang boses ni Simon. She glared at him. Nagpeace sign naman ito sa kanya bago hinawakan ang kamay niya at hinila siya palapit sa mga teammates nito.
     Isa-isa niyang binati ang mga ito. Tinanong siya ni Anton kung puwedeng sa bar na lang ni Choi ganapin ang after party ng mga ito at kung puwede silang tumugtog para sa mga ito. Tinawagan muna niya si Choi at ipinaalam dito ang request ng buong team. Agad namang pumayag ang kaibigan niya kaya napagpasyahan na doon na sila dumeretso pagkatapos magpalit ng mga ito.
     “Kina Renzo na ako sasabay ha?” imporma niya kay Simon.
     Sumimangot ito. “Kanina mo pa sila kasama eh. Sa akin ka na lang sumabay.”
     “Nasa kotse ni Renzo ‘yong mga gamit ko.”
     “Kunin na lang natin mamaya tutal doon din naman ang punta nila eh.”
     “Ang kulit mo talaga.” Iiling-iling na sabi niya ngunit pumayag na rin siya para matapos na ang usapan. Nagpaalam itong mag-a-ayos muna at babalikan na lang raw siya nito. Pinuntahan naman niya sina Renzo upang doon na lang hintayin ang binata.

ISINARA ni Choi ang bar nito nang gabing iyon at ginawang eksklusibo para sa selebrasyon ng pagkapanalo ng Red Phoenix sa laban ng mga ito.
     Masayang kantahan at sayawan ang ginawa nila. Umuulan rin ng mga pagkain nang gabing iyon. Pagkatapos tumugtog ng Domino ay nagpasya si Nica na maupo na lang sa isang sulok dahil nag-uumpisa na sumakit ang ulo niya. Mukhang napadami yata ang nainom niyang vodka at sinabayan pa ng pagod kaya sumama ang pakiramdam niya.
     Nang lapitan siya ni Choi ay humingi siya ng gamot para sa sakit sa ulo.
     “Gusto mong magpahinga muna sa opisina ko?” prisinta nito.
     Hindi na siya nagdalawang isip at sumama na siya rito. Nang makapasok sa pribadong opisina ni Choi ay agad na ibinagsak niya ang kanyang sarili sa sofa. Humiga siya roon at ipinikit ang kanyang mga mata. “Kapag hinanap ako ni Simon pakisabi na lang na nandito lang ako, Kuya.”
     “Sige. Hintayin mo iyong gamot mo at nagpakuha na ‘ko kay Garen. Ikaw kasi inom ka ng inom eh. Ayan tuloy ang napapala mo.” panenermon nito.
     Ikinumpas niya ang kanyang kamay para patigilin ito sa pagsasalita. “Awat muna sa sermon, Kuya Choi. I just want to rest. Mamaya mo na ako sermunan kapag okay na ko.”
     Narinig niya ang pagbuntong hininga nito pagkatapos ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sa wakas ay matatahimik na ang mundo niya kahit sandali lang. Ngunit hindi pa nagtatagal ay muling bumukas ang pinto. “Nica what happened? Are you okay? Anong masakit sa’yo?” anang nagpa-panic na boses ni Simon.
     “Si, ‘wag kang maingay. Matutulog ako.” saway niya rito.
     Naramdaman na lang niya ang kamay nito na hinahaplos ang kanyang pisngi. “I’m sorry. Nag-alala lang ako nang sabihin ni Choi na masama raw ang pakiramdam mo.” may narinig siyang napunit bago muling narinig ang tinig nito. “Uminom ka muna ng gamot bago ka matulog.” anito.
     Bahagya lang niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumangon. Inalalayan naman siya nito bago inilapit sa bibig niya ang maliit na gamot. Sinubo niya iyon at pinainom siya nito ng tubig bago siya muling inihiga. “Just sleep as long as you want, baby. I’m just here beside you.” bulong nito sa tapat ng tainga niya. Naramdaman niya ang labi nito sa kanyang noo. Napangiti siya.
     Bago siya tuluyang nilamon ng antok ay naramdaman pa niya ang paghawak nito sa mga kamay niya.

NANG magising si Nica ay wala na si Simon sa tabi niya. Luminga-linga siya ngunit wala siyang nakitang tao sa loob ng opisina ni Choi maliban sa kanya.
     Lumabas siya at dumeretso sa loob ng bar. Nakita niya si Simon na kausap sina Garen at Choi. Lumapit siya sa mga ito. Agad siyang nginitian ni Simon nang makita siya nito. “Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” inalalayan siya nitong makaupo sa bakanteng stool sa tabi nito.
     “Maayos na.” Tumingin siya sa paligid. “Nasa’n na sila?”
     “Umuwi na. Tayo na lang ang nandito.” ani Garen.
     Tiningnan niya ang kanyang relo at napangiwi siya nang makita ang oras. Tiningnan niya ang mga kasama niya at sa pamamagitan no’n ay humingi siya ng tawad sa mga ito. Tinawanan lang siya ng mga ito. “Okay lang iyon. Atleast nakapagpahinga ka.” sabi ni Choi.
     Inabutan siya ng isang basong tubig ni Garen. “Inom ka muna ng tubig.”
     Mayamaya ay tumayo na si Simon at hinawakan siya sa mga kamay. “Uwi na tayo.” yaya nito.
     Tumango lang siya bago nagpaalam kina Choi at Garen. Ang akala niya ay uuwi na sila kaya nagtaka siya nang iba ang daan ang tinatahak ng sasakyan ni Simon. Nang tanungin naman niya ang binata ay ngiti lang ang isinagot nito.
     Nang ihinto nito ang sasakyan ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Nasa Umak sila. Ano naman kaya ang gagawin nila doon sa ganoong oras? At bakit wala man lang siyang nakitang guwardiya sa gate? Ang alam niya ay bawal pumasok doon kapag ganoong oras.
     Binuksan ni Simon ang pintuan sa gawi niya at inalalayan siyang bumaba. Nakarating sila sa gitna ng field. Nakabukas ang mga ilaw doon. Kunot-noong tiningnan niya si Simon. “Anong ginagawa natin dito?”
     Bilang sagot ay inilahad nito ang isang kamay sa kanya. “May I have this dance?”
     “Pero wala namang tugtog eh.” naguguluhan na siya sa nangyayari. Ano na naman kaya ang naisip na kabaliwan ng lalaking ito?
     Nasagot ang tanong niya nang may pumailanlang na tugtog. Dinig sa buong field ang malamyos na musika. “May music na. Puwede na ba kitang maisayaw?” tanong uli nito.
     Tiningnan niya ang nakalahad na kamay nito bago inabot iyon. Ipinulupot nito ang isang kamay nito sa baywang niya samantalang ang libreng kamay niya ay ipinatong niya sa balikat nito. Kasabay ng magandang tugtugin, pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap.
     She realized that she missed Simon very much. Ang mga yakap, halik at pag-aalaga nito sa kanya. She terribly missed him. Ito ang naging lakas niya noong panahong nahihirapan siyang pamahalaan ang kompanya ng kanyang ama.
     Lagi nitong pinapaalala sa kanya na proud ito sa kanya at sigurado itong proud din sa kanya ang kanyang ama dahil nakakaya niyang hawakan ang negosyo nila habang nagpapagaling ang daddy niya.
     Sa mga panahong pagod na pagod na siya at gusto na niyang sumuko, boses lang nito ang kailangan niya upang magkaroon siya ng bagong lakas ng loob at bilib sa sarili na magagawa niya ang kanyang responsibilidad. Palagi rin itong nakaalalay sa mga ginagawa niya at binibigyan siya ng mga suggestions kapag alam nitong kailangan niya.
     “You catch the moon in your eyes, and my heart goes wild. As we say goodbye to our friends, who are here to share our joys and tears celebrate the years. I was a child when I knew i would love someone like you. Were stars in your world waiting for your star to shine thru. Now there’s one from the two.
     And I want you here by my side all of the time, i need your love so true. ‘Coz if you were out of my life i would survive but baby, what good is that without you.”
     “I terribly missed you baby.” madamdaming bulong nito sa kanya.
     “I missed you too.”
     “Just remember that I’m always here for you. Hinding-hindi kita iiwan kahit kailan.”
     Tiningnan niya ito sa mga mata. “You are one of my strengths and weaknesses Simon. You gave me happiness. Palagi kang nandiyan para sa’kin. Ikaw ang naging kasa-kasama ko noong hindi ko kasama ang Daddy ko. Hindi ako nakaramdam ng lungkot habang hindi ko siya kasama dahil palagi kang nandiyan para pasayahin ako.
     “I will forever be thankful that God gave you to me. Nagpapasalamat ako na ikaw ang ibinigay niya sa akin para mahalin ko.”
     “And I will forever be thankful to God for giving you to me. Hinding-hindi ko kailanman pagsisisihan na ikaw ang minahal ko. Ang pinili ng puso ko. You are perfect for me. You are the only woman for me and nothing can change that.”
     Hindi na niya napigilan ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Nag-unahan sa pagpatak ang mga iyon at malayang naglandas sa kanyang mga pisngi. Masuyo namang pinahid ng mga daliri nito ang mga luha niya. Maging ito ay parang maiiyak na rin.
     “I love you Monica.” madamdaming pahayag nito.
     “I love you too Simon. And I promise to love only you, forever.” pangako niya dito.
     Napatingin siya sa kalangitan ng mapansing may kung anong lumilipad doon. Nakita niya ang iba’t-ibang kulay ng mga lobo na may nakasabit na “I LOVE YOU” sa telang nakatali sa tali ng lobo. Niyakap niya ng mahigpit si Simon. Gumanti naman ito ng yakap.
     Nang maglapat ang kanilang mga labi ay napayapa ang kanyang pakiramdam. Kontento na siya. Maayos na ang kanyang ama at kasama na niya ang lalaking pinakamamahal niya. Wala na siyang mahihiling pa.

---WAKAS---

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento