Huwebes, Enero 9, 2014

CRAP!

Kung gusto mong respetuhin ka ng kapwa mo lalo na ng mga nakababata sa'yo, matuto ka din dapat rumespeto sa kanila. Naturingan kang nakatatanda at dating teacher tapos ganyan ang ugali mo. Mabuti na lang at may natitira pa akong respeto sa'yo kahit sagad na sagad mo na ang pasensya ko. Makatapos lang ako ng pag-aaral talaga, ipapamukha ko sa'yo kung sinong minamaliit at nilalait-lait mo.

Biyernes, Enero 3, 2014

The Hobbit movie!

okay, first blogpost this year. well, opinion at comment ko lang naman 'to para sa ilan sa mga nagustuhan kong movies pero super bitin!

THE HOBBIT, THE UNEXPECTED JOURNEY AND THE HOBBIT, THE DESOLATION OF SMAUG

OMG! Hindi ko ine-expect na matatapatan niya ang Lord of the Rings trilogy sa puso ko. Favorite ko kasi talaga ang trilogy movie na iyon dahil talaga namang sobrang ganda para sa'kin. iba din kasi siya sa mga movies na napanood ko with matching different creatures pa. :))))

Ang isa sa mga inaabangan kong scenes ay tuwing ipapakita si KILI (Aidan Turner). Talaga namang tumitili ako. Hindi niya iniwan ang isip ko. Haha okay corny much. Hindi ko nga siya namukhaan eh. Siya pala si Luke sa The Mortal instrument na katatapos ko lang din panoorin. At dahil na-crush at first sight ako sa kanya, ginawa ko siyang wallpaper ng cellphone ko pati sa button image ng mydol *android app* ko. LOL ganoon kasi talaga ako magka-crush sa mga celebrities eh. At dahil sa kanya kaya excited akong panoorin ang Part 2 ng The Hobbit so I watched it earlier with my Lolo. Grabe! Tuwing lalabas si Kili, tumitili pa din ako pero no'ng lumabas si Legolas (Orlando Bloom)---ang original ultimate crush ko sa LOTR Movies, lalong lumakas ang tili ko. Sa LOTR ko kasi unang naging crush si Orlando Bloom eh. Ang Hot naman kasi niya not to mention ang galing pa niyang actor. Napatunayan na naman niya 'yan sa iba pa niyang movies like Troy and Pirates of Carribean. Habang tinititigan ko ang mga mata ni Legolas, nai-in love na naman ako sa kanya. OMG, ANG GUWAPO KASI TALAGA NIYA SA PANINGIN KO LALO NA KAPAG PINO-PORTRAY NIYA ANG ROLE BILANG SI LEGOLAS!

Tapos, hindi ko mapigilang hindi mag-react sa love triangle nina Legolas, Tauriel at Kili. Kinikilig ako sa love triangle nila. Kinikilig ako para kay Tauriel at kay Kili pero naaawa naman ako kay Legolas dahil alam kong mahal niya si Tauriel. O, 'di ba parang pang-pocketbook na kuwento. Kaya naman napamura ako ng malakas no'ng matapos iyong movie kasi sobrang BITIN! I can't wait for the part 3! At dahil ngayong taon ilalabas iyon, hindi naman ako maghihintay ng matagal. Kaunting tiis lang at makikita ko ulit sina Legolas at si Kili my loves! Hahahaha

Okay, so this is my sentiment about the movies that i recently watched! LAHAT HALOS NG NAGUSTUHAN KONG MOVIES NA PINALABAS NO'NG 2013 AY BITIN! first, iyong catching fire. nakakainis pero bitin talaga! tapos iyong mortal instrument tapos iyong the hobbit nga. hindi pa naman ako natatahimik kapag hindi ko natatapos ang kuwento ng mga paborito kong movies at stories pero syempre, wala naman akong magagawa kundi maghintay. Kaunting hintay lang at lalabas din iyong mga iyon.

Sa ngayon, kailangan ko munang magsipag at magsulat ng makabuluhan para pang-nood ko ng DKFC 2. Malapit na kasi siya at wala pa akong pera! Haha so, ciao~

Miyerkules, Enero 1, 2014

Enough!

Enough!

I've already done my part. *again* Maybe, it is not meant to be so I'll stop. :)

Thank you, though for everything :) I'm happy that I met you :)

Be happy, always! :)