Huwebes, Hulyo 25, 2013

Pahinga, pahinga, nasaan ka na?

gusto ko nang magpahinga. goodness, ilang araw na akong nilalagnat. -_- ayoko naman maging dependent masyado sa mga gamot kaya hindi ako oras-oras umiinom. baka kasi bigla na lang bumula ang bibig ko dahil na-overdose na pala ako. :)))))

imbes kasi na magpahinga, ang daming ginagawa eh. akala kasi ako si superwoman para pagawan nang pagawan ng kung ano-ano. -_- hello, kaya nga isang buong group eh, para magtulong-tulong hindi iyong paaawaan n'yo ko para lang akuin ko iyong mga trabaho. palibhasa, alam n'yo na madali akong utuin kaya nagpapaawa kayo eh. makonsensiya sana kayo mga 'pre ha? napapagod din po ako. alam n'yo na nga na napaka-'healthy' ng katawan ko, sige pa din kayo.

alam kong hindi n'yo naman mababasa 'to pero sana lang kung meron mang isa sa inyo ang makabasa, matamaan naman kayo. :) pare-pareho tayong busy alam ko naman iyon, kaya lang be considerate naman. alam kong 'priority' dapat ang iniisip pero nagta-trabaho din po ako. hindi sa lahat ng oras nandiyan ako para tulungan kayo.

thank you. medyo okay na ko. :) god bless sainyo.

xoxo
-nikka-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento