Sabado, Hulyo 6, 2013

Untitled Blogpost

well, sorry naman. wala akong alam na puwedeng maging title ng blogpost na 'to eh. I just want to post another nonsense blog. LOL pampaalis ng... boredom?

I think it's better this way. Iilang tao lang ang nakakausap mo. Iyong mga taong nakakaintindi lang sa'yo. Iyong mga taong hindi ka huhusgahan o hindi napipilitang makipag-kaibigan sa'yo. Kasi less people na nakakausap mo, less heartache na mararamdaman mo. Madami ka ngang nakakausap, hindi mo naman alam kung totoong interesado silang makasama at makipag-close sa'yo. Minsan, may mga taong nakikisama lang dahil ka-close mo ang isa sa mga kaibigan nila o may mga common interests kayo pero other than that, wala na. Deep inside them, wala silang pakialam sa'yo. Syempre, hindi nila iyon ipahahalata sa'yo dahil magmumukha silang masama sa harap ng ibang tao. :/ Hindi ba, masakit? Kaya mas mabuti pang 'wag ka na lang basta magtiwala sa mga taong nakakasalamuha mo para tahimik na ang buhay mo, hindi ka pa masasaktan. World peace na. :)

Makes sense, right? Wala lang, hindi kasi ako makapag-sulat ng maayos kaya magsasabi na lang ako ng mga nararamdaman ko. XD

ciao~

xoxo
-nikka-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento