Biyernes, Hulyo 19, 2013

Fridate! :)

It's Sisig Fridate Today! Yay!

Super saya ng sisig party today. :)))) super unexpected things happened but nonetheless, masaya pa din. May mga bagay na ngayon ko lang na-discover sa mga classmates/schoolmates ko na new recruits sa mga bonding sessions. At iyon ay ang pagiging PG nilang lahat! As in, mga patay gutom! HAHAHAHAHA dahil kung gaano ako kahinang kumain, gano'n naman sila kalakas kumain.

Imagine, kalalapag pa lang ng isang putahe ng pagkain sa mesa, nilalantakan na agad nila. wala pang limang minuto, ubos na. gano'n sila katakaw. Sabagay, karamihan sa grupo namin ay mga lalaki kaya wala din kaming magagawa. Isa pa, sanay na naman kami sa mga ginagawa nila dahil kung minsan, gano'n din kami ka-balahura sa mga pagkain. Well, kapag mga street foods ang usapan. :P

Madami akong natutunan sa mga usapang lalaki ng mga kaibigan kong naiwan sa pangangalaga ko. Iniwan kasi ako ng mga babaeng kaibigan ko kaya wala akong choice kundi bantayan ang mga pasaway na lalaki. Sa kabilang bahay kasi kami nag-sisig party eh. XD Isa pa, inubos kasi namin iyong mga 'healthy' drinks na iniinom namin. Well, hinatid naman nila ako pauwi dito sa kabilang bahay at feeling bodyguards talaga sila. HAHAHAHAHAHA

Natural na sa mga lalaki ang mag-usap nang kung ano-ano lalo na ang mga 'green' na usapan. At sanay na din naman ako sa gano'n, iyon nga lang nagugulat pa din ako sa mga terms na ginagamit nila. Pero okay lang dahil sabi nga nila, one of the boys na ko kaya hindi na bago kung marinig ko man ang mga pinag-uusapan nilang pang-lalaki talaga. XD




Kung pa'no sila mag-asaran at kung pa'no sila mamikon ng kapwa nila lalaki. Mabuti na nga lang at walang napipikon eh. Pero masaya silang kasama, walang dull moments. PG man silang lahat, okay lang basta magkakasama kami. Hindi din naman ako malakas kumain eh. Nanood lang ako ng beautiful creatures, nagbasa, naglaro, uminom ng kaunti at kumain ng kaunti. XD Nakakaloka lang dahil matagal-tagal na din naming hindi nagagawa ang bonding moments namin nang magkakasama. Masyado kasi kaming busy lahat eh. Ngayon na lang dahil katatapos lang ng prelim exams. XD

Magkaroon pa sana ng madaming bonding moments this year kahit na busy na kaming lahat at hindi na kami magkaro'n ng matagal na bonding kahit sa school. :))))) I just want them to know na super enjoy ako sa celebration/party na 'to ngayon. :) I'll treasure this bonding moments with them. :)


selfie number 1
selfie number 2
selfie number 3

selfie number 4

xoxo
-nikka bianca-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento