Miyerkules, Oktubre 16, 2013

Defeated!

i feel defeated!!!

kung maramdaman ko man na nag-iisa ako, siguradong may basehan iyon 'di ba? paranoid nga lang siguro ako pero ino-obserbahan ko talaga kayo. kung hindi ko nararamdaman na lumalayo at umiiwas kayo sa'kin, hindi din ako lalayo at iiwas sa inyo.

some kind of a friend, huh? kaya natatakot na akong makipag-close, makipag-usap at makipag-kaibigan sa kahit na sino. kasi kahit iyong malalapit kong kaibigan, pinararamdam sa'kin na nag-iisa ako. well, siguro nga ako lang ang nag-iisip no'n pero hindi ko maiisip iyon kung hindi n'yo din pinararamdam.

nakakapagod. nakakapagod magpanggap na walang problema. nakakapagod magpanggap na okay lang ang lahat. nakakapagod kumapit sa mga taong iniiwan ka din sa huli. gusto ko na talagang sumuko sa mga taong nagsasabing kaibigan ko sila pero nilalayuan at iniiwan din naman ako.

Siguro nga nag-uumpisa na kong maging indifferent sa lahat ng nangyayari sa'kin pero hindi ko pa din maalis sa sarili ko na masaktan. hindi ba ako worth it maging kaibigan? hindi ba ko karapat-dapat na kinakaibigan? bakit palagi na lang akong iniiwan? dahil emo ako? dahil nega ako? Hahaha thank you, friends. You're the best FRIENDS that I ever have! thank you for making me feel special, guys! you're the best!

I'm sorry for everything. I'm sorry kung pumasok pa ko sa buhay n'yo. Maging masaya sana kayo. :) God bless always!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento