Huwebes, Agosto 7, 2014

Once A Princess Block Screening!

OMG! Super Fangirl! Matagal-tagal na din mula nang huli akong mag-fangirl sa mga Filipino artists. Haha puro Chinese, Japanese, Koreans and Americans kasi ang mga sinusubaybayan ko pero kahapon (08.06.14) as in super fangirl ako. Kay Jon Lucas pa lang, kuntento na talaga ako. Simula kasi nang magsimula siya sa showbiz, crush ko na siya. Hindi ko lang talaga ine-expect na makikita ko siya kahapon pati si Sofia Andres na girlfriend ni baby Tom. Pero worth it talaga dahil ang bait-bait niya. Worth it maging fan ni Jon Lucas dahil napaka-humble niya. :)

Enchong Dee-hindi ko ine-expect na ganoon siya ka-guwapo sa personal. Iyong little moment ko with him was the most epic one. Nakakahiya iyon pero nakakatawa din. XD Tama nga si Ate Angel, he's such a darling. :)))

Erich Gonzales-hindi ako fan ni Erich noon pero kahapon, parang umangat siya sa paningin ko. bukod sa palagi siyang nakangiti, maganda din siya. At nag-improve talaga ang pag-arte niya at bagay nga sa kanya ang maging si Erin. :)

JC De Vera- OMG! OMG talaga! 'Eto ang isa sa pinaka-ultimate crush ko sa showbiz! Bukod sa hot na, guwapo pa, magaling pang umarte at may ABS pa! Nakakainggit iyong tuwalya sa movie. Hahahaha Sana may picture na ko next time kasama siya.

Kathryn Bernardo- Fan ako dati pa ni Kath. Magaling naman kasi talaga siya pero hindi ko masasabing super fan ako. Pero no'ng nakita ko siya kahapon? Ang laki kasi ng iginanda niya. Huling kita ko sa kanya, sa burol pa ng tito ko and that was 6 years ago! Ibang-iba na siya ngayon. Feeling ko hindi na siya iyong maarte at makulit na Kathryn na kilala ko noon. Hahaha Nakaka-miss lang iyong Super Inggo days nila nina Baby Jairus. :))) Pero natural talaga ang ganda niya. :)))

Bukod sa mga artista na iyan, sina Marco Gumabao, Karen Reyes, Tippy Dos Santos, Pokwang, Baby Bimby, Jed Madela at Kitkat talaga ang pinaka-natuwa akong makita. Parang ibang-iba sila sa TV. Medyo observant lang kasi talaga ako pero natutuwa ako sa kanila. Hahahaha

Madami pang artista eh pero... Hahaha

About naman sa Movie... Madaming nabago. Hindi din naman ako nag-expect eh, nabasa ko kasi siya. Pero maganda ang movie. Worth it ang 200 pesos na ticket para sa story. Madami man nabago, sa magandang paraan naman. :) Kaya worth it talaga siyang panoorin. Kaya kung ako sa inyo, panoorin n'yo na din para maintindihan n'yo ang sinasabi ko. Honestly, mahirap kasi mag-explain eh. Hahaha speakless pa din kasi talaga ako. XD
















Kahit na napanood ko na siya, manonood ulit ako sa Sunday! Hahahaha kailangan eh. XD Kaya nood na din kayo! Mage-enjoy kayo, swear!

Ja!~

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento