Ipinapakita ang mga post na may etiketa na babies. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na babies. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Camp Speed 8: The one who holds my heart

Title: Camp Speed 8: The one who holds my heart
Author: Nikki Del Rosario
Released Date: November 20, 2013

Kontento na siya habang yakap siya ng lalaking mahal niya at nagmamahal sa kanya. At alam niyang hindi siya mabo-bore kahit kailan basta ito ang kasama niya.


Hindi matawaran ang paghangang nararamdaman ni Akane Mishima kay Zeke Figuerroa, ang star player ng basketball team ng university nila. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang ipakilala siya ng isang kaibigan dito. Kakatwa ang mga pagkakataon na nagkikita sila ng binata. Kung hindi siya tinatamaan nito ng bola ay nababangga naman siya nito dahilan para bumagsak siya. Ngunit hindi naging hadlang ang mga insidenteng iyon para magkalayo sila. Sa halip ay naging daan pa iyon para lalo silang magkalapit sa isa’t isa. Handa na sana si Akane na aminin kay Zeke ang kanyang nararamdaman pero nakita niya itong may kahalikang babae. Dahil sa sakit ng kalooban ay pinili niyang lumayo na lang dito.
Pagkalipas ng pitong taon ay muling nagkita sina Akane at Zeke sa Camp Speed. Ngunit hindi inaasahan ni Akane na ganoon kalamig ang magiging pakikitungo nito sa kanya. May pag-asa pa kayang maibalik ni Akane ang pagmamahal na nararamdaman ni Zeke sa kanya noon kung mukhang may galit itong nararamdaman sa kanya?

-ndr-

Suddenly, It's Love

Title: Suddenly It's Love
Author: Nikki Del Rosario
Released Date: December 11, 2013

“Ngayong nalaman kong mahal mo pa rin ako, hindi ako papayag na mawala ka pa sa `kin.”

Nang minsang nahulog si Celine sa karisma ng isang Ethan Agoncillo ay sakit at pagkabigo lang ang natamo ng batang puso niya. Nagkamali siya noon ng hinala nang isipin niyang may katugon ang nararamdaman niya para dito. Bukod sa walang katugon ang pagmamahal niya rito ay kailangan pa nitong umalis ng bansa para magtrabaho. Magmula nang araw na iyon ay kinalimutan na rin niya ang pagmamahal niya para dito at nagpatuloy siya sa buhay niya nang wala ito.
Pagkalipas ng limang taon ay muling nakita ni Celine si Ethan. Wala pa ring nagbago rito. Ito pa rin ang dating Ethan na minahal niya noon. Ngunit mukhang kakainin niya ang mga sinabi niya noon na hindi na siya mahuhulog sa karisma nito. Naging malapit kasi uli ito sa kanya. Muling nanumbalik ang pagmamahal niya rito nang magpanggap silang magkasintahan sa harap ng pamilya at mga kamag-anak nila. Ang tanong na lang na kailangang sagutin ni Celine sa kanyang isip ay ito: hahayaan ba niyang umasa uli ang puso niyang may katugon ang nararamdaman niya o susulitin na lang niya ang pagpapanggap nila na magnobyo sila at mahalin ito nang lihim?

PS: makabili po sana kayo ng copy ng story nina Ethan at Celine. Thank you in advance. :)

-ndr-

Lunes, Enero 14, 2013

tinkerbell!

dahil napanood ko ang PITCH PERFECT movie, gagawan ko ng sarili kong version ang movie. susubukan kong gumawa ng series na related do'n. HAHAHAHA. sana lang magawa ko siya. ipo-post ko na lang dito kapag nagawa ko na iyong pinaka-plot niya.

at mukhang uunahan niya si zeke. ^^ baka sa february ko na magawa si ezekiel pero susubukan ko pa din. puwede naman mag-multi-tasking eh. HAHAHAHAHAHA. ganyan talaga kapag nage-enjoy ka sa ginagawa mo. walang busy-busy. chos~ kung gusto mo talaga, palaging may paraan, kapag ayaw madaming dahilan. 'yan ang palaging tatandaan. LOL

xoxo
-nikki delrosario-

Lunes, Enero 7, 2013

Suddenly, It's Love

Suddenly, It's Love. Bagong manuscript na sinusulat ko. Actually, super late na nga ito. Dapat last year ko pa siya naisulat pero dahil dakilang tamad ako at busy sa school, naudlot iyon ng naudlot. Grabe!

Super malapit ang loob ko sa story na 'to kasi medyo based on true story 'to. Malapit sa puso ko sina Ethan at Celine hindi lang dahil hindi nila ako pinahirapang gawin ang story nila, iyong totoong tao sa pagitan ng pangalan nilang dalawa, mahalaga din sa'kin. May gusto din akong patunayan sa story na 'to. May mga bagay nga lang talaga na ayaw kong aminin pero kapag natapos ko sigurong isulat 'tong story na 'to at ma-approve, makakahinga talaga ako ng maluwag. Kaya sisiguruhin kong maganda ang kalalabasan niya. Ie-edit ko talaga ng bonggang-bongga ang story na 'to hanggang sa ma-satisfy ako.

Sana lang matapos ko siya this week. Konting kembot na lang naman. Konting tiis na lang. Sana patuloy na maging mabait sina Ethan at Celine at nang mapalitan ko na din ang wallpaper at screensaver ng cellphone ko. hihihihi.

xoxo
-nikki del rosario-

Lunes, Disyembre 10, 2012

first time! ^.^

Last December 8, 2012, Precious Hearts Romances held their last book signing at SM San Lazaro.

super saya dahil nakita ko uli ang mga friends ko. may bonus pang mga bagong kakilala. isa pang bonus, may mga regalong natanggap. :)))) at dahil hindi ako sanay ng nakakatanggap ng regalo katulad no'n, super overwhelmed ako.

isa pang nakakagulat, may mga nagpapirma sa'kin no'ng first translated book ko na last december, 2011 pa lumabas. nakakatuwa lang na may nakaka-appreciate pa din ng gawa ko kahit na matagal na siya. nakakatuwa din na napapasaya nila ako. super sarap sa pakiramdam na may mga taong tumatangkilik sa pinaghihirapan ng iba. :))

me signing a book ^.^

with luna king, brianna joy and nikki karenina :)

with luna king, marione ashley and nikki karenina :)

some gifts that i received last saturday ^.^

sana sa susunod iyong sarili ko namang gawa ang i-appreciate nila. well, wishful thinking. ^.^

-Nikki Del Rosario-

Lunes, Abril 30, 2012

Harlequin: The Devil's Heart





“For the first time, I cared for somebody's happiness more than myself.”

Parehong galit sa isa’t isa sina Francesca at Marcos. Sa lalaki isinisisi ni Francesca ang lahat ng masasamang nangyari sa kanya. Pagkatapos siyang paibigin nito at makuha ang gusto nito ay basta na lang itong umalis at nawala na parang bula.
Pagkalipas ng maraming taon, sinubukan niyang nakawin ang isang mahalagang bagay rito upang iligtas ang buhay ng taong kumupkop at nagmalasakit sa kanya. Ngunit binalikan siya ni Marcos at gusto nitong pagbayarin siya sa ginawa niya. Gusto nito na muli silang magpakasal. Kapalit niyon ay sasagutin nito ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot sa taong kumupkop sa kanya.
Ayos na sana ang lahat. Ngunit sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya ito, unti-unti na namang nahuhulog ang loob niya rito.
Paano kung malaman nito ang isang lihim na kahit kailan ay hindi na masosolusyunan pa? Tatanggapin pa rin ba siya nito? Isa pa, ni hindi niya alam kung kaya nitong suklian ang pag-ibig niya rito…





---super saya ko nang lumabas 'tong first book na 'to. :) it's like, 'wow, this is it!' do'n nag-umpisa ang motto na 'think positive. :)) walang bagay sa mundo ang nakukuha nang hindi pinaghihirapan. so, kailangan lang pagsikapan at siguradong makukuha mo rin ang nararapat para sa'yo. may plano si papa god para sa lahat. all you have to do is wait for your chance. :)


-nDr-