Ipinapakita ang mga post na may etiketa na camp speed series. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na camp speed series. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Camp Speed 8: The one who holds my heart

Title: Camp Speed 8: The one who holds my heart
Author: Nikki Del Rosario
Released Date: November 20, 2013

Kontento na siya habang yakap siya ng lalaking mahal niya at nagmamahal sa kanya. At alam niyang hindi siya mabo-bore kahit kailan basta ito ang kasama niya.


Hindi matawaran ang paghangang nararamdaman ni Akane Mishima kay Zeke Figuerroa, ang star player ng basketball team ng university nila. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang ipakilala siya ng isang kaibigan dito. Kakatwa ang mga pagkakataon na nagkikita sila ng binata. Kung hindi siya tinatamaan nito ng bola ay nababangga naman siya nito dahilan para bumagsak siya. Ngunit hindi naging hadlang ang mga insidenteng iyon para magkalayo sila. Sa halip ay naging daan pa iyon para lalo silang magkalapit sa isa’t isa. Handa na sana si Akane na aminin kay Zeke ang kanyang nararamdaman pero nakita niya itong may kahalikang babae. Dahil sa sakit ng kalooban ay pinili niyang lumayo na lang dito.
Pagkalipas ng pitong taon ay muling nagkita sina Akane at Zeke sa Camp Speed. Ngunit hindi inaasahan ni Akane na ganoon kalamig ang magiging pakikitungo nito sa kanya. May pag-asa pa kayang maibalik ni Akane ang pagmamahal na nararamdaman ni Zeke sa kanya noon kung mukhang may galit itong nararamdaman sa kanya?

-ndr-

Sabado, Mayo 25, 2013

Camp Speed 3: My Stupid Heart

yay! At last, lumabas na ang first book na gawa ko under Precious Hearts Romances. Nakaka-proud lang na, sa wakas nandito na siya! Buhay na siya sa mundong ibabaw! Hindi po ito ang first released book ko, ito lang po ang unang na-publish na ako po mismo ang gumawa kaya sobrang proud po ako kasi kahit na madami akong returned manuscripts noon, nakapagpa-approve pa din ako. :)

So, here's the 3rd book of the 1st batch of Camp Speed Series. Collaboration po ang series na ito. Kasama ko po dito sina Marione Ashley, Nikki Karenina, Skye Reyes and Cady Lorenzana. :) Madami pong batch ang series na 'to, kung paano namin malalagpasan, tignan na lang po natin. :))))


CAMP SPEED 3: MY STUPID HEART
By: Nikki Del Rosario

“Kahit sinabi ko sa sarili ko na naka-move on na ako at hindi na kita mahal, ayaw makinig ng puso ko. My stupid heart won’t stop loving you.”

     Wala nang mahihiling pa si Bea. Mayroon siyang isang masayang pamilya, mga kaibigan, at isang lalaking mahal na mahal siya: si Slater. Nararamdaman na niyang ito na ang makakatuluyan niya sa hinaharap. Ngunit isang matinding pagsubok ang dumating sa buhay niya. Kailangan niyang umalis papunta sa Amerika para alagaan ang ama niyang may sakit. Relief ang una niyang naramdaman nang pumayag ito. Ang buong akala ni Bea ay magiging maayos ang relasyon nila. Ngunit nayanig ang mundo niya nang sumunod ito sa kanya sa Amerika para makipaghiwalay sa kanya.
     Limang taon ang lumipas at nagdesisyon si Bea na bumalik sa Pilipinas para muling makuha ang puso ng lalaking kanyang minamahal. Maging ang galit nito ay handa niyang harapin kung ang kapalit naman niyon ay mamahalin uli siya nito. Tiniis niya ang lahat ng pagsusuplado nito sa kanya. Noong nawawalan na siya ng pag-asa na mapapaamo niya ito ay bigla naman itong bumait sa kanya. Bumalik ang nawalang pag-asa sa kanyang puso dahil sa ipinapakita nito.
     Akala ni Bea ay nagtagumpay na siya sa misyon niyang muling makuha ang puso ni Slater. Ngunit nagkamali siya.

PS: Abangan po sana ninyo ang mga susunod pang batch ng Camp Speed Series at suportahan po sana ninyo ang 1st series ng PHR about racing and racers. :)

xoxo
-nikki del rosario-

Sabado, Marso 9, 2013

Camp Speed: The one who holds my heart

again, raw teaser pa lang po ito. :) hindi pa po ito ang final teaser na lalabas kaya ayun po. :)


Title: Camp Speed: The one who holds my heart
Date Approved: March 11, 2013
To be released...


         She feels like it’s the most natural thing to do. Ang makontento kapag kasama niya ang lalaking mahal niya.


Teaser:


     College pa lang ay gusto na ni Zeke si Akane Mishima, ang weird pero napaka-gandang transferee sa Unibersidad nila. Kaya naman laking tuwa niya nang maging malapit sila sa isa’t-isa.
     Lalong umusbong ang nararamdaman niya para sa dalaga nang makilala niya ang ugali nito. At pakiramdam niya ay pareho lang naman sila ng nararamdaman base sa mga ikinikilos nito kapag magkasama sila. Pero naglaho ang lahat ng ilusyon niya nang makita niya itong kayakap ang kaibigan niyang si Kiel. At lalong sumidhi ang sakit na nararamdaman niya nang malaman niyang magkasamang umalis ng bansa ang mga ito.
     Maayos na siya. Nakapag-move on na siya. Iyon ang itinatak niya sa kukote niya sa loob ng pitong taon. Inabala niya ang sarili niya sa negosyo niya at sa pangangarera. Hanggang sa isang araw, habang itinataboy niya ang isa sa mga babaeng nagpapasakit ng ulo niya, nakita niya itong naglalakad palapit sa kanila. Hindi na siya nag-isip at bigla na lang niya itong hinalikan sa labi.
     Boom! Sa isang iglap, nakapasok na naman ito sa nananahimik na buhay niya. At doon niya na-realize na hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito! Eh ano ngayon kung may Kiel na sa buhay nito? Babawiin niya ito, by hook or by crook!

     note: another blessing from papa god. :) worth it ang paghihintay ko at hirap sa pagsusulat. :) kaya tiwala lang palagi sa sarili. :) kung kaya naming magsulat ng mga ganitong nobela, kaya n'yo din. think positive palagi. :)

-nikki del rosario-

Linggo, Disyembre 2, 2012

Camp Speed: My Stupid Heart

this is the raw teaser of my new approved novel. well, this novel is kinda memorable because this is the first novel that I wrote that has been approved. :)))

Title: Camp Speed: My Stupid Heart
Date Approved: November 29, 2012
To be released...

"Hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Kahit sinabi ko sa sarili ko na naka-move on na ako at hindi na kita mahal, ayaw makinig ng puso ko. My stupid heart won't stop loving you."

Teaser:

     Slater and Bea had a perfect relationship. They were inseperable. At nakikita na nila ang future sa piling ng isa't-isa ngunit isang matinding pagsubok ang dumating sa buhay ni Bea. Kailangan niyang gumawa ng isang mabigat na desisyon. At dahil mas importante sa kanya ang makasama ang kanyang ama, pinili niyang saktan ang damdamin ni Slater at sumama siya sa kanyang ina pabalik ng Amerika.

     Limang taon ang lumipas at desidido siyang muling makuha ang puso ng lalaking kanyang minamahal. Maging ang galit nito ay handa niyang harapin kung ang kapalit naman niyon ay mamahalin siya nitong muli.

     Ngunit kung kailan ang akala niya ay nagtatagumpay na siya sa misyon niyang muling makuha ang puso nito, 'tsaka niya nalaman ang plano nitong gantihan siya.

     Patuloy pa ba siyang aasa na mamahalin siya nitong muli o susuko na siya na muling mabihag ang puso nito?

PS: sana hindi ito ang huling novel na maa-approve. XD syempre think positive lang palagi. LOL sulat lang ng sulat. :)))

-nikki del rosario-