Sabado, Mayo 25, 2013

Camp Speed 3: My Stupid Heart

yay! At last, lumabas na ang first book na gawa ko under Precious Hearts Romances. Nakaka-proud lang na, sa wakas nandito na siya! Buhay na siya sa mundong ibabaw! Hindi po ito ang first released book ko, ito lang po ang unang na-publish na ako po mismo ang gumawa kaya sobrang proud po ako kasi kahit na madami akong returned manuscripts noon, nakapagpa-approve pa din ako. :)

So, here's the 3rd book of the 1st batch of Camp Speed Series. Collaboration po ang series na ito. Kasama ko po dito sina Marione Ashley, Nikki Karenina, Skye Reyes and Cady Lorenzana. :) Madami pong batch ang series na 'to, kung paano namin malalagpasan, tignan na lang po natin. :))))


CAMP SPEED 3: MY STUPID HEART
By: Nikki Del Rosario

“Kahit sinabi ko sa sarili ko na naka-move on na ako at hindi na kita mahal, ayaw makinig ng puso ko. My stupid heart won’t stop loving you.”

     Wala nang mahihiling pa si Bea. Mayroon siyang isang masayang pamilya, mga kaibigan, at isang lalaking mahal na mahal siya: si Slater. Nararamdaman na niyang ito na ang makakatuluyan niya sa hinaharap. Ngunit isang matinding pagsubok ang dumating sa buhay niya. Kailangan niyang umalis papunta sa Amerika para alagaan ang ama niyang may sakit. Relief ang una niyang naramdaman nang pumayag ito. Ang buong akala ni Bea ay magiging maayos ang relasyon nila. Ngunit nayanig ang mundo niya nang sumunod ito sa kanya sa Amerika para makipaghiwalay sa kanya.
     Limang taon ang lumipas at nagdesisyon si Bea na bumalik sa Pilipinas para muling makuha ang puso ng lalaking kanyang minamahal. Maging ang galit nito ay handa niyang harapin kung ang kapalit naman niyon ay mamahalin uli siya nito. Tiniis niya ang lahat ng pagsusuplado nito sa kanya. Noong nawawalan na siya ng pag-asa na mapapaamo niya ito ay bigla naman itong bumait sa kanya. Bumalik ang nawalang pag-asa sa kanyang puso dahil sa ipinapakita nito.
     Akala ni Bea ay nagtagumpay na siya sa misyon niyang muling makuha ang puso ni Slater. Ngunit nagkamali siya.

PS: Abangan po sana ninyo ang mga susunod pang batch ng Camp Speed Series at suportahan po sana ninyo ang 1st series ng PHR about racing and racers. :)

xoxo
-nikki del rosario-

1 komento: